CHAPTER SEVENTEEN

459 55 13
                                    

BLAIRE SAMANTHA'S POV

Patuloy lamang ang party. Tingin ko nga'y malapit na ring maghatinggabi. Marami na rin kasi ang mga nagsiuwian.

Tanging ang naiwan lamang ngayon ay yung mga kaedad ko lang. Nag-eenjoy na rin sila. Yung iba ay nasa malapit na sa pool area at nag-iinoman.

"Bes, hayaan mo na yang si min. Magsaya na lang tayo. It's your birthday pa naman." pilit na napangiti ako kay scarlett.

"Sige bes."

Tatayo na sana ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone kong hawak ko ngayon. Nang tingnan ang caller ay pangalan ni mommy ang nakita ko.

"Si mommy. Sagutin ko lang muna bes." aniko kay scarlett. Tumango naman siya bago tinuro ang table kung saan nilagay ang mga inumin.

"Doon lang ako."

Nang makaalis ay agad ko naman sinagot ang tawag.

"Hello mom!"

"[Hi sweetie! I'm sorry kung hindi kami makakarating sa birthday mo. Sobrang busy kasi namin dito e. Don't worry ipapadala ko na lamang ang regalo ko diyan sayo. Happy birthday sweetie! Ang Im sorry if we can't make it to your birthday.] "

Bigla akong nanlumo sa sinabi ni mommy. This is the first time na hindi sila nakarating sa birthday ko. But I guess, sobrang busy talaga nila kaya hindi na nila magawang makarating.

Pilit na lamang akong ngumiti kahit alam kong hindi naman yun nakikita ni mommy.

"I understand mom. Basta promise me na hindi ninyo papabayaan ang sarili ninyo. Wag po kayo masiyadong babad sa trabaho. Alagaan niyo rin po ang sarili niyo."

"[I know sweetie. And thank you for understanding. Enjoy your party sweetie!]"

"Thank you mom."

"[Your welcome sweetie. Ibababa ko na muna itong tawag para maenjoy mo rin yung birthday mo.]"

"Alright mom!"

Nang maputol ang tawag ay malungkot akong napayuko. Pano ako mag-eenjoy nito kung yung dalawang taong inaasahan kong makita sa birthday ko ay hindi makakarating.

Malungkot na nagpakawala ako ng buntong hininga bago naglakad papunta kay scarlett. Pero bago makarating doon ay kailangan ko munang dumaan sa gilid ng pool. Pero parang nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako lalo pa't nandoon si stella kasama ang mga kaibigan niya.

I sighed! Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at lalampasan sana sila ng bigla akong hawakan ni stella. Tanging ang mga kaibigan lamang niya ang nandirito sa bandang to. Yung ibang mga bisita ay nasa kabilang gilid ng pool.

"Bitawan mo ako stella." aniko. Pero isang ngisi lamang ang sinagot niya sakin.

"Sam wag ka namang bastos. Gusto ko lamang ibigay sayo ang regalo ko."

"Hindi ko kailangan ng regalo mo. So just keep it to your self."

"Oh no! Memorable ang regalo kong to. Dito kasi natin malalaman kung sino sating dalawa ang importante kay vlad." nakita kong nagngisihan sila ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nakaramdam ng pangamba.

"W-what do you--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang akong itulak ni stella sa pool. Nakita ko pa siyang nagpahulog rin sa swimming pool. Rinig ko ang singhapan ng mga taong nandirito ngayon.

Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa kaba, hindi ako marunong lumangoy dahil matagal ko ng itinigil ang pagligo sa dagat o kahit sa swimming pool. Pero para akong nabuhayan ng loob ng makita si min na tumalon sa pool. Ngunit panandalian lamang yun dahil ramdam na ramdam ko ang pagguho ng pag-asang kani-kanina lamang ay naramdaman ko. Hindi ako—hindi ako ang iniligtas ni min kung hindi si stella.

WAY BACK INTO LOVEWhere stories live. Discover now