CHAPTER TWELVE

238 76 16
                                    

BLAIRE SAMANTHA'S POV

  Buong maghapon ay nanatili lamang kami sa bahay at nanood ng palabas sa tv. At gaya nga ng sabi ni min ay nag-pretend kami as a couple. Sobrang saya nga nina tita at tito na makita kaming ganon eh.

But sad to say it was all just an act. Ayaw kong malungkot pero hindi ko talaga maiwasan.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin habang nagsusuklay. Ngunit napatigil ako ng makita ko si min na lumabas ng bathroom. Nang balingan ko siya ay marahan niyang pinapatuyo ang buhok niya ng tuwalyang hawak niya. Kita ko mula dito sa kinauupuan ko ang butil ng tubig na tumutulo  mula sa buhok niya.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay nag-angat siya ng tingin sakin at diretso akong tiningnan sa mata. Agad naman akong nailang kaya iniwas ko na lamang sa kaniya ang paningin ko at muling ipinagpatuloy ang pagsusuklay.

"A-ano... sa sofa nalang siguro ako matutulog." mahina at medyo utal kong saad. Tama lamang para marinig niya. Mula sa salamin ay nakita kong napasulyap siya sakin bago itinigil ang pagpupunas ng buhok niya. Isinampay niya muna ang tuwalyang ginamit niya sa isang upuang nandirito bago ako balingan ng tingin.

"Why? Are you uncomfortable sleeping beside me?" nakataas ang kilay niya ng sulyapan niya ang kama bago ako balikan ng tingin.

Naramdaman ko ang pangangawit sa kamay kaya itinigil ko muna ang pagsusuklay at binalingan siya.

I am damn nervous and I dont know why?

"H-hindi naman sa ganon. Baka kasi hindi ka sanay na may katabi." sagot ko.

Ngunit napatigil ako at napakagat na lamang ng labi ng maalala ko na may nakatabi na pala si min sa pagtulog. Si stella.

"It's fine. Isa pa baka magalit sina mommy kapag nalaman nilang pinatulog kita sa sofa." aniya bago naglakad palapit sa kama at umupo doon.

Napayuko naman ako at marahang nilaro ang daliri ko.

Of course he doesn't want to disappoint his parents. Ganon naman siya lagi eh.

Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at naglakad palapit sa kama at umupo rin  doon. Nasa magkabilang gilid kami ng kama kaya sobrang layo ko sa kaniya. Takot na baka hindi niya magustuhan kapag lumapit pa ako sa kaniya.

"M-min can I ask you something?" tanong ko sa kaniya. Nakatalikod ako sa gawi niya.

"What is it?" seryosong balik tanong niya sakin.

"Bakit ganito ang pakikitungo mo sakin? Bakit parang ang laki ng galit mo sakin?" kahit kinakabahan ay pilit kong pinapatatag ang loob ko.

I want to know why he's always like that to me!

Naramdaman kong sumulyap siya sakin pero nanatili lamang akong nakatalikod sa kaniya. Takot na makita niya ang halo-halong emosyon sa mata ko.

"I just hate you for agreeing to this arrange marriage, " sagot niya na siyang nagpadurog sa puso ko.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko kaya agad ko itong naikuyom.

Huminga ako ng malalim, "Min kung hindi ba tayo pinagkasundo nun, ipapakilala mo ba kina tita celine at tito miguel si stella?" kahit masakit para sakin ang tanong na yun ay pinanatili ko pa rin ang seryosong mukha ko. I dont want him to see me crying. Kahit ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko.

"Oo."simpleng sagot niya na mas lalong nagpadurog sa puso ko.

Mariin akong napapikit para pigilan ang pagtulo ng luha pero nakawala pa rin ang isang butil ng luha sa mata ko.

WAY BACK INTO LOVEWhere stories live. Discover now