BLAIRE SAMANTHA'S POV
Pansin ko ang pagbaling ni min sakin ngunit nanatili lamang akong nakatingin doon sa babae.
"Kapag napatunayan ko na nagsisinungaling ka. Alam mo na ang kalalagyan mo." saad ko doon sa babae saka tumingin kina min at sa isa nitong kasama. Nakita ko ang tuloy tuloy na paglunok nung babae na parang kinakabahan. "Tingnan natin kung nagsasabi ka ng totoo."
Maglalakad na sana ako ng agad na pigilan ako nung babae. Kita ko ang takot at pagsisisi sa mukha nito. Nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa braso ko.
"Pasensiya ka na...Hin—hindi ko intensyong siraan kayo."
"Naku! Yari po kayo diyan ma'am. Pwede po kayong makasuhan dahil sa paninira at pagbibigay ng impormasyong wala namang katotohanan." naiiling na saad nung chinitong pulis.
"Nagpag-utusan lamang po ako officer." pag-amin niya.
"Sinong nag-utos sayo?" seryosong tanong ni min. Panandalian ko lamang siyang binalingan bago ibinalik sa babae ang paningin. Nadaanan pa ng tingin ko sina marideth na kinakausap yung ibang customer.
"Hindi ko nakita ang mukha niya dahil naka mask siya. Pero ang alam ko ay babae siya. Inutusan niya kong siraan ka at ang negosyo mo. Ang totoo niyan sa kaniya galing yung ipis na nasa pagkain. Sinabihan niya kasi akong ilagay ko doon at pagmukhaing madumi ang mga pagkain niyo dito. I'm so sorry. Hindi ko talaga intensyong gawin yun, natempt lang talaga ako sa perang ibinigay niya sakin. Sobrang laking halaga rin kasi ng ibinigay niya sakin." agad siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa kamay. "Patawarin mo ako please?! Kailangan ako ng pamilya ko. Lubog na kasi kami sa utang kaya hindi ko na nagawang hindian ang utos nung babae. May tatlo kasi akong anak at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para may pangkain kami. Iniwan na kasi ako ng asawa ko kaya ako na lamang ang bumubuhay sa mga anak ko. Parang awa mo na! Wag na po kayong magsampa ng kaso laban sakin. Pangako hindi ko na gagawin yun....Parang awa mo na,ako nalang ang inaasahan ng mga anak ko!"
Ang galit na naramdaman ko kanina ay bigla na lamang naglaho ng makitang umiyak yung babae. Luluhod rin sana siya ng agad ko siyang pinigilan. Ramdam ko rin ang muling pagbaling ng tingin ng mga nandito samin at ang mga mahihina nilang pag-uusap.
"Hindi ako magsasampa ng kaso, pero sana wag mo nang uulitin to. Malaking kawalan sakin kapag mawala sakin itong restaurant." paulit-ulit siyang tumatango habang pinapahiran ang luha niya.
"Pasensiya na talaga at pangako hindi na mauulit to. Pasensiya na po!" paulit-ulit siyang yumuko sakin at sa mga taong nandirito bago lumabas ng restaurant. Nakatanaw lamang ako sa kaniya ng humarang sa harapan ko si min.
Lito ko siyang tiningnan pero kahit na ganon ay hindi ko maiwasang manibago sa kaniya. Well sa totoo lang gwapo na siya noon pero mas lalo siyang gumwapo ngayong medyo nagmature siya. May kaunting balbas rin siya pero hindi naman pangit tingnan. Ang totoo nga niyan ay nagpadagdag pa iyon ng kagwapuhan niya. Actually hindi lang mukha niya ang nagmature kundi pati na Oh stop!
"Anong oorderin mo Lt.?" tanong nung chinitong pulis kay min.
"Just order anything Ed!" sagot ni min ng hindi man lang ako nilulubayan ng tingin. Nakakailang pero hindi ako dapat umalis dahil customer rin sila.
"Naku Lt. wala sa menu nila yung anything e." saad naman nung Ed habang nasa menu'ng hawak ang mata. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapairap.
Saka lamang ako nilubayan ng tingin ni min ng balingan niya ng masamang tingin ang kasama niya.
"Hehe biro lang Lt. Sige ako ng bahala sa order mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/365687698-288-k850361.jpg)
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?