Rain
The day of the midterm exam finally arrived, and I’m currently reviewing the lessons inside of my head while we are heading to the grand hall of the academy as instructed by the professors.
Ang grand hall ng akademya ay nasa likod lamang ng main building. Ayon kay Angel ay doon ginaganap ang lahat ng events, at kapag araw na ng exam ay dito muna magtitipon tipon ang mga estudyante bago sila pumupunta sa kanilang mga classroom para simulan ang exam.
“Rain, will you please stop mumbling? It’s annoying.” Sunod naman niyang nilingon si Winter habang masama ang tingin niya. “And you! Stop flirting with every fucking girl you fucking see! Hindi ka ba naiinis sa tili nilang parang naipit na aso?!”
I chuckled. “Oh, he loves it.”
“Ugh!” Nandidiri niyang tinakpan ang kaniyang magkabilang tainga.
“I’m not even doing anything!” Mayabang na saad ni Winter, sabay kindat sa mga nagkukumpulang babae.
“Please just stop breathing.”
Napatawa kami ni Trisha sa inakto ni Angel.
Tumingala ako sa kalangitan at napansing unti unti na itong nagliliwanag. The professors instructed us last week that we were to be expected in the grand hall as the sun rose. Sobrang aga pa nga ngunit madami nang estudyante ang pakalat kalat sa buong lugar.
“Anong problema niya?” Trisha whispered while looking at Angel, who was walking in front of us.
Musa smiled. “Inutusan siya ni Headmistress sa buong linggo, sumabay pa roon ang trabaho niya as a student council. Kaya wala siyang oras para mag-aral at training dahil doon.”
“Ahh! Hindi lang siya ang busy, may friend din kasi ako na student council din,” mahinang litanya ni Trisha, na para bang ayaw niya na may ibang makarinig sa sasabihin niya. “She told me that they have been restless with their tasks these past few days. Hindi niya sinabi sa akin ang buong details, pero nabanggit niya na may nakapasok daw na outsider sa loob ng academy.”
Hindi lang ba ako iyon?
“What do you mean?” Maingat kong hinakbang ang paa ko sa hagdan ng entrance ng grand hall.
Patuloy kami sa paguusap habang papasok kami ng grand hall. Madami na ang estudyanteng narito. Lahat ng year level ay nandito na at naghahalo halo. The professors didn’t instruct us to group ourselves by grade level, so we didn’t bother to look for our classmates.
Nanatili akong nakasunod kina Angel.
“Ang sabi, matagal na raw na may nade-detect na dark magic sa loob ng akademya, pero ngayon lang daw ito lumakas, at ngayon lang inaksyonan.” Mas inilapit pa namin ni Musa ang aming mukha kay Trisha dahil sa narinig. “Huwag ko raw sabihin kahit kanino, baka raw magkagulo ang lahat kapag malaman nila ang tungkol dito. And until now, hindi pa nahuhuli ang outsider.”
BINABASA MO ANG
Scales of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her hometown's tragedy ten years ago, but it was difficult. She is always accompanying the doctor, who adopted her and took care of him as a payment...