Rain Vermillion
"Nightmare loves to dance to the rhythm of raindrops."
Ten years ago, I lived in peace with my mother in a town they called Clarion. It is considered a small town with a population of about 3,542.
Hindi gaanong sikat ang Clarion Town tulad ng ibang bayan o lungsod na nababanggit sa mga poster na nakalagay sa mga pader ng mga pamilihan dito, kaya't hindi masyadong magulo sa bayang ito.
This peaceful place is my home.
Mahirap man ang naging buhay namin, ngunit masaya naman kami. Hindi ako nagreklamo sa anumang bagay. Hindi ako nagreklamo sa mga binibigay sa akin ng aking ina, dahil alam kong pinaghirapan niya iyon para maibigay lang sa akin.
Isang araw, inutusan ako ng aking ina na pumunta sa ilog upang manghuli ng isda, para may makain kami mamayang gabi. Masaya akong nagtungo roon, ngunit hindi ko maiwasa na magtakha, dahil hindi niya naman ako pinapabayaang magpunta sa ilog nang mag-isa.
Ang ilog ay nasa kalagitnaan ng kagubatan kaya natagalan pa ako bago makarating, dahil malayo-layo ito sa bahay namin.
Habang nanghuhuli ako ng isda sa ilog, napatingala ako at napansing nagdidilim ang kalangitan. Habang patagal ng patagal ang aking pagtitig sa kalangitan, unti-unti akong nakaramdam ng takot at panganib. Ilang segundo ang lumipas, nagbaba ako ng tingin, hanggang sa dumako iyon sa aking kanang kamay.
Nagtagpo ang aking dalawang kilay nang makitang nag-iilaw ang asul na tattoo kong hugis dragon, na nasa likod ng aking palad. Kulay asul ang ilaw na nagmumula roon, ngunit hindi iyon sapat para masilaw ako.
Sa mga panahong iyon, wala akong kaalam-alam tungkol sa mahikang taglay ko. Hindi ko ito kayang kontrolin dahil masyado pa akong bata para gumamit ng isang malakas na mahikang nagmumula pa sa sinaunang panahon. Hindi rin binabanggit ng aking ina kung saan ko nakuha ang mahikang ito, o kung ano ba ang halaga nito sa aking buhay.
BINABASA MO ANG
Scales of Chaos
Fantasia𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her hometown's tragedy ten years ago, but it was difficult. She is always accompanying the doctor, who adopted her and took care of him as a payment...