Chapter 2 | The Beginning of Time

7.2K 369 199
                                    

Rain Vermillion

          My jaw clenched when the basilisk suddenly attacked the tree where I was hiding

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

My jaw clenched when the basilisk suddenly attacked the tree where I was hiding. Umaatake lamang ito sa paligid dahil siguro ay napagod na ito sa kakahanap sa akin.

This is the reason why I don't want to do it, but Light promised me something, so I don't have a choice but to do it. Kapag talaga namatay ako rito, ang uunahin kong mumultuhin ay ang may pakana nito.

"Calm down, Rain. You can hit that old man after this," I whispered to myself and tried to take a glimpse of the creature before whispering, "Just get the goddamn flower and we're done."

Sumandal ako sa punong kahoy na kasalukuyan kong pinagtataguan, para hindi ako makita ng nilalang na naghahanap sa akin ngayon.

Kung bakit kasi kailangan ko pang makasalubong ang nilalang na ito pagkapasok ko pa lang sa gubat, pero na-appreciate ko naman ang pagwe-welcome niya sa akin dito. Hindi ko lang talaga akalaing ako ang magiging putahe sa welcoming party.

Crap talaga!

Dapat makuha ko ang bulaklak na tinutukoy ni Light, kung hindi ay baka mas lumala pa ang trahedyang nagaganap sa bayan na kasalukuyan kong tinutuluyan ngayon. I can't let that happen.

I slowly took a glimpse again on the basilisk and it looks like he's still not giving up on finding me. Ang sipag niya naman. Sunod kong tinignan ang pinakamalapit na punong kahoy mula sa akin, at bahagyang kinagat ang aking labi.

Kaya ko bang takbuhin at magtago sa punong iyon nang hindi napapansin ng nilalang na ito? Mukhang hindi... pero bahala na.

Huminga muna ako ng maluwag bago ko pinatatag ang aking sarili. If I die along the way then that means my purpose in this world is done. Si Light lang ang maiiwan ko sa mundong ito kaya walang problema. Kaya na niya ang kaniyang sarili, sobrang tanda na niya.

Maingat at mabilis kong tinakbo ang puno na malapit sa pinagtataguan ko. Biglang lumakas ng panandalian ang tibok ng puso ko nang naramdaman kong mabilis na napalingon ang halimaw sa gawi ko.

Binabawi ko na. Ayokong mamatay nang hindi ko kasama si Light. Kapag talaga namatay ako dito, I swear to the Gods! I'll visit Light and scare the shit out of him. Para naman may kasama akong tumawid sa langit, kung 'di papalarin e 'di sabay kami dapat sa underworld.

I remained silent as I prayed for my safety. The fast and loud beats of my heart are all I can hear as I close my eyes and try to catch my breath. Mapupugto ata ang hininga ko dahil sa nerbyos, baka ito pa ang dahilan ng pagkamatay ko.

Maya-maya ay minulat ko ang aking mata nang may narinig akong alulong.

Sinilip ko iyon at nakita ang isang malaking soro na kulay puti at mayroong siyam na buntot. Its white fur is glowing as its nine tails swiftly moved around. Kasing laki at bangis nito ang isang leon.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon