Chapter 32 | There's a Traitor

1.9K 131 25
                                    

Madaming mga mata ang nakatuon sa amin habang naglalakad kami sa hallway, may mga tagahanga at mayroon rin namang mukhang ayaw sa amin, but we don't have time to care. Pagkarating pa lamang namin kanina sa academy ay sinalubong agad kami ng mga fairies at kinuha ang mga kagamitan namin saka sinabing pinapapunta raw kami ni Headmistress sa office niya. May kumuha na ring isang butler kuno ng hari at reyna sa spirit na nasa loob ng bote, sinabi niya ring dapat daw kami na magtiwala sa kaniya.

Medyo masakit ang ulo ko dahil sa biyahe pauwi, ngunit nakakakaya ko naman kahit papaano, hindi tulad ni Sky na ngayon ay pasuray-suray dahil sa pagkahilo buti na lang ay inalalayan siya ni Nath at Trisha. Hinilot ko ang sentinado ko para mabawasan ang sakit. Dapat talagang bigyan kami ni Headmistress ng pahinga dahil wala kaming tulog kagabi at pagod kami sa labanang naganap.

"Get off..." may diing sabi ko nang maramdaman ko ang kamay ni Winter na nakaakbay sa akin.

Ngumisi lang siya. "Chill. May gusto lang akong sabihin sa'yo."

Napairap ako. "Puwede mo namang sabihin nang hindi nakaakbay."

Walang-walang ako sa mood ngayong makipaglaro kay Winter, masakit ang ulo ko at gusto kong humiga sa malambot kong kama kaya kapag sinagad niya ang pasensya ko ay baka malunod ko siya ng wala sa oras.

"I like it this way..." He chuckled then continued, "Anyways, I have a date tomorrow, so I kinda need a help..."

"Whose help?" I raised my brow and looked at him with my crossed arms on my chest.

"Hehe, sayo sana..." Umiling-iling ako pero hindi niya pa rin ako tinitigilan, "Come on, help me. Ililibre kita pagkatapos, promise."

Napabuntong-hininga na lamang ako saka tumango. "Gusto mo ba 'yung babae?"

"Rain, hindi ko naman yayayain mag-date kung hindi ko gusto, diba?" Hindi pa rin nakatakas sa aking paningin ang bahagya niyang pag-irap kahit ang mga mata ko ay nasa daan. I mean, I can see him in my peripheral vision.

"Oh, and here I thought that you only like yourself." I snorted and rolled my eyes.

"I like ladies and I love myself, you see, like and love is different, sweetie."

"Sabihin mo sa akin ang itutulong ko pagkatapos natin dito."

Pumasok kami sa office ni Headmistress nang makarating kami. As always, palaging may ginagawa si Headmistress halos hindi na rin siya nagpapahinga ngunit mas mahirap pa rin ang mga misyon namin. Siya kasi uupo lang at magsusulat habang kami naman ay makikipaglaban at magpupuyat pa para bantayan ang mga kalaban.

Patuloy pa rin si Headmistress sa pagsusulat kaya naman umupo na kami sa couch na nasa side ng office niya. Nakita ko kung paano kinuha ng mabilis ni Trisha at Winter ang cake na nasa mini table na kaharap ng couch, mayroon ding tea na naka-serve. Mukhang hinandaan kami ni Headmitress, how thoughtful.

"Hey, Nix," pagtawag ni Winter kay Nix habang ngumunguya pa ng cake.

"What?"

"How do you ask a girl out?" Sumubo na naman siya ng cake saka tumingin kay Nix na tila naghihintay ng sagot.

"Tsk, hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nath. "I'm surprised! It is coming from a playboy like you, tsk."

"Shut up, Nath. Hindi ikaw ang tinatanong ko." Sinamaan ni Winter ng tingin si Nath bago tumingin muli kay Nix na prenteng nakaupo lang at sumisimsim ng tea.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon