Rain's Point Of View
___"Rainy..."
Why am I hearing Trisha's voice?
Nasagot naman ang aking katanungan nang iminulat ko ang aking mata at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Trisha. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Sinimangutan ko lang siya at inalayo ang mukha niya sa mukha ko. Nakakatakot talaga kung 'yon agad ang bubungad sa 'yo pagkagising mo, 'yung pagmulat mo pa lang ay makakakita ka na ng taong malapit sa mukha mo tapos ang lapad pa ng ngiti.
Grrr! Ang creepy.
Kinusot-kusot ko ang aking mata bago tumingin sa pintuan ng kuwarto ko. Oh yeah, hindi ko pala iyon na sara kagabi dahil sa pagod. Dire-diretso lang ako kagabi sa banyo at saka nilinisan ang sarili ko bago natulog. Ang dami kasing pinagawa sa amin ang professor namin, halos buong araw ay nag-activity lang kami.
"What time is it?" I asked as I stretched my arms and yawn.
"Noon time, pero 'wag kang mag-alala, sabi ni Angel ay wala raw tayong klase ngayon," ani niya at umupo sa kama ko. Binagsak niya ang kaniyang katawan sa kama ko bago tinitigan ang kisame ng kuwarto ko. "Buti na lang ay walang klase ngayon, baka kasi mahimatay na ako sa pagod, huhu!"
Hindi ako sumagot at tumingin na lamang sa labas ng bintana ko. Kahapon ko pa inaalala ang mga nangyari noong gabing naglasing kami pero kahit anong alala ko ay hindi pa rin pumapasok sa isipan ko. Siguro, nakatulog ako nung matapos ko ang panghuling bote ng alak na binagay sa akin ni Angel.
Ang pumapasok lang sa isip ko ay 'yung nangyari nung matapos ang gabing iyon...
Iminulat ko ang aking mata at kisame agad ng palace ang bumungad sa akin. Napaupo ako bigla pero agad rin namang napatigil dahil bigla na lang sumakit ang aking ulo, para kasing nabibiyak ang ulo ko sa sakit. Hinawakan ko iyon at saka hinilot-hilot, umaasang mawawala ang sakit pero wala naman.
"Ah!"
Nagsalubong ang kilay ko nang matapos kong libutin ang aking paningin sa lugar. Akala ko ba kapag nalalasing hindi na nakakaisip ng tama tapos matutulog na lang dahil sa kalasingan, eh bakit maayos na ang higaan namin? Wala naman akong natatandaan na inayos namin ito bago kami uminom, at ang natatandaan ko lang ay lahat kami ay nalasing.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang hindi ko mahanap si Lemon. Lahat kami ay nandidito, maliban kay Lemon at ang mga lalaki. Maayos ang pagkakahiga naming lahat, may kumot na nakabalot sa amin, at wala na rin kaming sapin sa paa.
Did Lemon did this?
Masakit man ang ulo ay pinilit ko pa ring tumayo. Ipinilig ko ang ulo ko at binalanse ang aking katawan nang malapit na akong matumba pagkatayo ko. Parang hanggang ngayon ay lasing pa ako, kasi gumagalaw-galaw pa ang paligid. Nakagat ko na lang labi ko at saka pumikit para ayusin ang lagay ko.
"Ah! What happened?"
Napamulat ako nang mata nang marinig ko ang tinig ni Angel. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang kaniyang ulo. Katabi niya si Trisha na kasalukuyang nakayakap sa kaniya. Naiinis niyang tinignan si Trisha saka tinabig ito dahilan para magising ang dalaga.
"Aray ko po!" Mangiyak-ngiyak na ungol ni Trisha at bumangon.
"Nix!" Muntik na akong mapaigtad nang biglang bumangon at sumigaw si Musa. Luminga-linga siya sa paligid at saka napahawak sa ulo. Ipinikit niya ang kaniyang mata at sinimulang pukpokin ng mahina ang kaniyang ulo. "It hurts-teka, bakit amoy sunog?"
BINABASA MO ANG
Scales of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her hometown's tragedy ten years ago, but it was difficult. She is always accompanying the doctor, who adopted her and took care of him as a payment...