Chapter 30 | Spirit

1.8K 126 15
                                    

Rain's Point Of View
___

Marahan kong hinawakan ang aking braso nang tumama 'yon ng malakas sa puno. Marami na akong pasang nakuha dahil kay Tina, palagi niya akong kinokontrol at itinatapon kung saan-saan. Bakit hindi pa niya ako tapusin ng sa gano'n ay hindi na ako makaramdam ng sakit, tsk.

"Ah!" Sinubukan kong igalaw ang aking braso ngunit napapasigaw ako at napapangiwi dahil sa sakit.

Naramdaman ko na namang gumalaw ang aking katawan saka lumutang sa ere. I looked at her, glaring, hoping that it'll kill her. Nakangisi lamang siya habang nanonood sa mga pinaggagawa niya, at mukhang mas nasisiyahan pa sa nakikita.

I gave her my deadliest glare before she threw me, again.

Gabi na pero nakikita ko pa rin siyang nakatayo sa 'di kalayuan sa akin at ikinukumpas ang kaniyang kamay na may hawak na kahoy, salamat sa buwan na nagbibigay ng kahit papaanong liwanag sa kapaligiran.

Napapikit ako nang tumama na naman ako sa isang puno at mas dinama ko pa ang sakit ng aking katawan. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong sakit sa aking katawan, dapat na siguro akong mag-seryoso sa pag-eensayo pagbalik ko ng academy, dapat makontrol ko na ng buo ang aking kapangyarihan. 'Yon ay kung makakabalik pa ako ng buhay.

"You know, I'm starting to get bored," she said and looked at me with a cold smile on her lips. "Should I finish you, or play with you a little longer."

Inikot-ikot niya sa kaniyang kamay ang kahoy na hawak niya at sa palagay ko ay 'yon ang ginagamit niya para makontrol ako. I think it is a magic wand that can control anything, nararamdaman ko rin ang mahika niya sa wand na hawak niya at hindi sa kaniyang katawan.

"What do you think?" I replied. Dahan-dahan at maingat ang aking pagtayo, ayaw kong galawin ang aking braso dahil hindi ko kaya ang sakit.

I can feel the pain in my arms, even though I didn't moved it. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil alam ko namang gagaling rin 'yon kapag ilulublob ko ang aking katawan sa tubig, it'll heal slowly and it can also relax my whole body.

I closed my eyes and shook my head, pinipilit ko ang aking sarili na mag-focus sa laban at nag-iisip rin ako kung papaano matatalo ang Phantom na ito. Ang lakas niya at natitiyak kong wala akong laban ngunit paggagamitin ko ang aking utak ay matatalo ko siya, maybe.

"Do you want more?" I opened my eyes when I heard her chuckled, mas lalo pang umiinit ang dugo ko pag-naririnig ko ang tawa ng babaeng ito.

"Rain..."

Bahagya akong napaigtad. Luminga-linga ako sa paligid nang may narinig akong tumawag sa aking pangalan ngunit wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa amin ni Tina, at natitiyak kong hindi si Tina ang tumawag sa akin dahil hindi niya naman kaboses at hindi ko rin sinabi ang aking pangalan ko kay Tina.

"Rain..."

Lumingon ako sa dagat nang marinig ko muli ang tinig ng isang babaeng tumatawag sa akin, mahiwaga ang tinig at tila'y hinihila ako nito papunta sa dagat. As I looked at the sea, I can feel the waves of the sea in my body, I can feel its energy flowing.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng enerhiyang gustong kumawala mula sa aking katawan, parang nakakonekta ang aking katawan at ang dagat. Hinawakan ko ang kabilang braso ko na sa tingin ko ay baling-bali na saka tinignan ang aking kalaban ng malamig habang siya nama'y nakangisi.

"I'm sure that my comrades had already killed your friends..." Tumawa siya ng malakas matapos niya iyong sabihin ngunit agad rin namang tumigil saka dahan-dahang tumingin sa akin ng masama. "It's your turn."

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon