Chapter 54 | Child of Destiny

1.8K 140 65
                                    

Nanghihinang umupo si Rain sa buhangin habang humahagulgol. Hindi niya pa kayang lumapit sa binata, hindi niya pa itong kayang makita sa gano'ng sitwasyon. Parang nawawasak lang ang kaniyang puso pag makita niya ito, hindi niya iyon kakayanin.

'I just lost an important person in my life... again.' Her sobs became louder at that thought.

Ikinuyom niya ang mga kamay niya habang nakatukod iyon sa buhangin.

Rain's sadness and pain were replaced by anger. Her hands trembles because of anger that is forming inside of her body. Right now, she only wanted one thing, and that is... to avenge her dear friend's death.

Ngunit, kaya niya ba?

Mariin niya na lamang ipinikit ang mga mata niya at pilit na inaalis ang galit na bumabalot sa kaniyang puso. Dapat kontrolin niya ang kaniyang sarili, kung hindi... baka pati ang mga kaibigan niya ay mapahamak niya.

Naririnig niya pa rin ang mga pagsabog na nagmumula sa labanang nagaganap. Alam niyang mahirap talunin si Irish dahil ramdam niya ang malakas nitong mahika, hindi niya rin itong kayang labanan dahil ang nasa isip niya ay mahina siya, ang pinaniniwalaan niya ay isa lamang siyang mahina na mage. Mahina lang siya. Isang Phantom pa lang ang natatalo niya samantalang ang mga kaibigan niya ay hindi na mabilang dahil sa rami.

"Arrrghh!"

Napasigaw na lamang siya dahil sa biglaang pagsakit ng ulo niya. Parang sasabog ang kaniyang ulo dahil sa sobrang sakit. Sunod niyang naramdaman ang puso niya na tila pinipiga iyon ng kung anong pwersa na hindi niya matukoy, kaya naman napasigaw siya ulit. Hingal na hingal siya at pakiramdam niya ay anumang oras ay mawawalan siya ng malay dahil sa sakit.

Umangat ang ulo niya nang bigla niyang naramdaman ang malakas na enerhiyang gustong kumawala mula sa kaniyang katawan. Parang nabingi siya at ang tanging naririnig niya lamang ay ang pintig ng puso niya. Mas lalo pa niyang idiniin ang pagkakahawak niya sa buhangin bago paulit-ulit na sumigaw. Hindi niya kayang tiisin ang enerhiyang nasa loob ng katawan niya... sobrang lakas.

"Rain, believe in yourself..."

Napalunok siya nang may narinig siyang isang mahiwagang boses. Mas lalo pang bumigat ang kaniyang paghinga.

"Rain, let go."

Narinig niya muli ang tinig ng isang babae, pero umiling lamang siya at tiniis ang sakit. Hindi niya alam kung kanino ang boses na 'yon basta ang alam niya ay hindi niya ito papakinggan dahil baka isa iyong Phantom at pinipilit siya nitong kontrolin.

"Let go!"

Marahas niyang naimulat ang mga mata niya, kasabay no'n ay ang pag-ilaw ng mata at ng tattoo niya. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin, basta hinayaan niya na lamang na kontrolin ng malakas na mahika ang kaniyang katawan.

Mabilis na napatingin sa kaniya ang mga kaibigan niya nang mapansin nilang nagi-ilaw ang katawan niya. Dahil sa sobrang liwanag na nanggagaling sa katawan ni Rain ay napapikit silang lahat. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman nila ng wala na ang ilaw kaya naman iminulat na nila ang kanilang mga mata. Noong dumako ang kanilang mga tingin kay Rain ay bahagyang nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin sa dalaga.

Nakalutang na ang dalaga sa ere at nag-iba na ang kasuotan. Nakasuot na ito ngayon ng armor na kulay asul habang nakakuyom ang mga kamay nito. Kasing kapal at tibay ng balat ng isang dragon ang armor na iyon, nag-iilaw pa rin ang mga mata nito pati na rin ang kaniyang tattoo, at nakalugay ang mahaba nitong buhok na ngayon ay naging asul na ang kulay. Nababalot na rin ang kalahati nitong mukha ng iskala na kulay asul, ang iskala ng isang dragon.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon