Chapter 48 | The Smell of Iron

1.6K 125 73
                                    

Third Person's Point Of View
___

"Rain, rain, go away, come again another day, little children wants to play~"

"Shhhhh!" Sabay-sabay silang lumingon kay Trisha at sinamaan ito ng tingin.

Ngumiti lamang ito sa kanila at saka nag-peace sign. Gusto niya lang naman pagaanin ang damdamin nila gamit ang pagkanta, dahil ramdam niya na mabigat ang enerhiyang nasa paligid niya. Pero sa tingin naman ni Trisha ay hindi ito ang tamang oras para makipagbiro dahil kailangan nila pang iligtas ang dalawa nilang kasama.

Kasalukuyan silang naglalakad sa makulimlim na gubat ng Grimstone, ang islang pagmamay-ari ng isa sa mga mayamang pamilya sa mundo ng Mystic. Halos isang oras din silang bumyahe papunta sa islang ito. Ang Grimstone Island ay gagawing isang dayuhan ng mga tao o gagawin nila itong isang resort. Ayon sa balita ay under construction pa raw ang islang ito ngunit wala naman silang makitang niisang tao rito.

Madilim at tahimik ang buong lugar noong nakarating sila rito, at tanging ang apoy lang na nasa kamay ni Nath ang gumagabay sa kanila, ang buwan naman ay natatabunan ng makapal na ulap na para bang hindi maganda ang panahon ngayong gabi.

Luminga-linga si Trisha sa paligid at napayakap sa sarili. Kanina pa siya nakakaramdam ng kakaibang enerhiyang nanggagaling sa mga halaman rito at pati na rin ang lupa ay kakaiba. Tila naninindig ang kaniyang mga balahibo habang pinapakiramdaman ang buong paligid. Dahil sa naramdamang kaba ay tumabi siya kay Winter at kumapit siya sa braso nito.

Napatingin sa kaniya ang binata dahil sa ginawa niya.

"Where are they?" mahinang bulong ni Trisha kay Winter.

Yumuko si Winter para pantayan ang katangkaran ni Trisha. "I can sense a dark magic at the end of the forest. Baka naroroon si Rain at si Musa, kasama ang mga Phantoms na dumakip sa kanila."

"But I can't sense Rainy's power..." she said with an eyebrows met. "Kaya naming mga Dragon Warriors na pakiramdaman ang mga presensya namin kahit pa nasa malayo sila."

Winter flashed a smile on his face just to lighten up Trisha's mood. Sinigurado niyang hindi mahahalata nito ang pagpilit niya sa ngiti niya para naman hindi na ito lumungkot pa. "We will save them, that's why we're in here. Don't worry, because this handsome man will save our friends."

Dahil sa sinabi ni Winter ay gumaan ng kaunti ang damdamin ni Trisha.

Wala ng nagtangkang magsalita pagkatapos no'n. Tahimik sila hanggang sa may marinig silang kaluskos kaya napatigil sila sa paglalakad at binantayan ang kapaligiran, hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Ilang segundo lang ang nakalipas ay sunod-sunod na ang mga kaluskos na kanilang naririnig dahilan para ihanda nila ang kanilang mga sarili. Isa-isa silang naglabas ng patalim na yari sa kanilang mga kapangyarihan, maliban na lang kay Lemon na nagdala talaga ng isang espada at hindi na nag-abala pang mag-transform.

Maya-maya lang ay biglang nagsitigil ang mga kaluskos at sabay-sabay na nagsilabasan ang mga ogre sa mga punong nakapaligid sa kanila. Bahagyang napamura si Winter matapos niyang makita ang mga nilalang na ngayon ay pinapaligiran na sila.

"They're ugly..." Tinignan ni Winter ang ogre mula ulo hanggang paa habang nandidiring nakatingin sa mga iyon. "And naked!"

"Stop judging them, dumbass!" sigaw ni Nix at siya na ang naunang umatake sa mga ogres.

Because of that, they attacked the ogres without any hesitation.

An ogre is a monster usually depicted as a large, hideous, man-like being that eats ordinary human beings, especially infants and children. Ang mga ogres na kasalukuyang nilalabanan ng mga Titans ay kulay berde ang kanilang mga balat at mayroon rin silang mga kadenang nakaposas sa kanilang mga kamay, ngunit hindi naman niyon napipigilan ang mga ogre na labanan ang Titans.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon