"What is love?"
Tinaasan ko ng kilay si Trisha matapos kong marinig ang sinabi niya. Napailing na lang ako at pabagsak na umupo sa sofa ng dorm namin. Kakatapos lang ng nakakapagod naming klase tapos heto agad ang itatanong niya.
"It's a stupid thing." Umirap ako at pinag-krus ang braso sa dibdib ko. Wala akong energy na makipag-biruan sa kaniya, masyado akong napagod kakaupo sa klase at makinig sa mga lessons ng professor. Tapos nagbigay pa ng quiz 'yung professor namin, ayan, pati 'yung utak ko napagod.
Umupo siya habang ngumunguso. "Nagtatanong lang naman ih!"
"Trisha, there's no such thing as love," sabi ni Lemon na kakalabas lang ng kuwarto niya rito sa dorm. Hindi na niya suot ang kaniyang uniform. Umupo siya sa tabi ni Trisha habang may dala-dala siyang makapal na libro, uhm... palagi naman.
Kami lang tatlo ang nadidito sa dorm, dahil magkaklase lang naman kaming tatlo. Ang dalawa namang lalaking kaklase namin ay hindi ko alam kung nasaan na 'yun. Sila Angel ay may klase pa at mukhang matatagalan pa sila.
I looked at the clock on the wall and saw that it is already three pm in the afternoon.
"There is! 'Yung mga magulang ko, nagawa nila ako because of loooove~" Humalikhik siya. Humiga siya at ginawang unan ang kandungan ko. "Gusto ko 'yon maranasan, pero kanino?"
"Hmm..." Lemon tilted her head and rubbed her chin, like she was thinking something. Maya-maya ay bigla na lang nagliwanag ang kaniyang mukha na para bang may light bulb sa taas ng ulo niya. "Thank you, Trisha, for giving me an idea."
Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Trisha. "What do you mean?"
A smirk form on Lemon's face as she clasped her hands together. "Puwede bang samahan niyo ako sa lab, may gagawin lang akong potion. 'Ya know, just to kill time."
Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang biglang tumayo si Trisha at tumalon-talon na parang bata. "Okie~ come on, Rainy!"
"Actually, I'm staying here," seryosong saad ko.
But in the end, I still didn't win. Kahit anong seryoso ko ay hindi pa rin ako mananalo kay Trisha Gardner. Hindi talaga ako mananalo sa kaniya, she have this weapon called 'Puppy eyes' and nobody can say no to that cutie thing. Umiling ako. That, everyone, is the power of Trisha Gardner.
Nakita ko na lang ang sarili kong pumapasok sa lab ni Lemon. Bago kami nagpunta rito ay nagbihis muna kami at nilinisan ang mga sarili. Nakaupo lang ako sofa ng lab ni Lemon habang pinapanood silang gumawa ng potion.
Actually, Trisha is not helping Lemon, she's just disturbing her. Kaya humihingi ng tulong sa akin si Lemon na kuhanin ko si Trisha, mukhang pinagsisihan niya ng inimbita niya kami rito. Hindi ko pinansin si Lemon at inilibot na lamang ang paningin sa paligid.
Tumigil ang mga mata ko sa isang malaking basket na nasa gilid lang ng study table ni Lemon. Because of curiosity, I stood up and went closer to it. Sinuri ko muna ang basket bago ko iyon binuksan. Nang mabuksan ko iyon ay agad kong nakita ang mga bolang kulay itim, para siyang isang crystal ball na kulay itim. May nararamdaman rin akong malakas na mahika na nagmumula roon.
My brows suddenly met.
"Hey, Lemon..." tawag ko ngunit hindi ito nagsalita, pero alam ko namang nakikinig ito sa akin. "What are these things?"
Nakarinig ako ng mga mabilis na yabag na papalapit sa akin. Nang makalapit sa akin si Lemon ay isinara niya agad ang basket bago ako hinarap at pinaningkitan ng mata.
BINABASA MO ANG
Scales of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her hometown's tragedy ten years ago, but it was difficult. She is always accompanying the doctor, who adopted her and took care of him as a payment...