Chapter 38 | Attacked

1.7K 125 23
                                    

Trisha's Point Of View
___

"Yohoooo!" I screamed as I jumped off the ship and landed on the soft white sand of the island.

Tumingin ako sa kanila na nasa taas pa ng barko at mukhang pababa na sila. Masaya akong kumaway sa kanila nang tumalon sila isa-isa pababa ng barko tulad ko.

"Yehey, adventure!"

Ngumisi ako nang makita kong tinulungan ni Nath at Nix si Rain at Musa nang makababa sila. Tss, bakit walang tumulong sa akin nung bumaba ako? Ang unfair naman, hmpp! Pero ako ang unang bumaba kaya walang tutulong sa akin pagkababa ko. Hays, makakalimutin talaga ako, hihi.

Lumapit kaagad ako kay Rain at mabilis na niyakap ang isang braso niya. Nginitian ko siya ng kay tamis pero hindi niya ako nginitian, which is strange, kasi kapag ngingitian ko siya ay ngingiti rin siya pabalik. May nangyari na naman ba sa kaniya na hindi ko alam? Para kasing wala siya sa sarili niya.

Nagsimula na kaming maglakad papasok ng isla. Siyempre, maganda ang islang ito kasi dito raw nagsimula ang lahat, ayon sa professor namin sa history ay, dito raw nagsimula ang mahika kaya sagrado ang lugar na ito. Nandidito rin sa islang ito ang mga kakaibang nilalang maliban sa Dragons, Dinosaurs, Gumiho at mga bad creatures, tulad ng Phantoms. Hindi makakapasok dito ang Phantoms dahil may barrier na nakapalibot sa buong isla, kaya no'n malaman kung bad person ka ba o good.

Napatingin ako kay Rain. Wala pa ring ekspresyon ang mukha niya at parang malalim ang iniisip niya pero kahit wala siya sa kaniyang sarili ay maganda pa rin siya, kaya bagay sila ni oooppss-bawal pala sabihin, secret lang dapat, hihi.

"Rainy, alam mo ba, maraming mga flowers dito sa isla. Halos lahat nandidito na, kaya sasamahan kitang libutin ang isla pero mukhang hindi natin malilibot ng isang araw lang ang buong isla... next time na lang siguro ang kalahati."

Tumango lang siya bilang sagot kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Dati na akong nagpunta rito, kaya alam ko ang bawat pasikot-sikot sa islang ito. Noong pumunta ako rito ay kasama ko si Angel, ang hirap nga niyang pakisamahan kasi palaging nagmumura, parang second language niya na 'yun, pero love ko naman siya ih. Nagpunta kasi kami rito para sa isang misyon, inatasan kami ni Headmistress na kumuha ng isang balahibo ng elepanteng bagong panganak. Huhu, nahirapan nga kami sa paghahanap, ewan ko ba kung para saan 'yon.

"Why are you staring at me like that?" walang buhay na tanong niya dahilan para mapanguso ako.

"Wala lang, ina-appreciate ko lang 'yung kagandahan mo, hihi."

Nagsalubong lang ang kilay niya at hindi na sumagot pa. May problema talaga 'tong babaeng 'to, ang dali lang kasing basahin ng ekspresyon niya at mga galaw niya. Ngumuso ako. Bakit niya kaya hindi sinasabi sa akin ang problema niya? Ayaw niya ba ng comfort ko? hmpp!

Naramdaman kong tumabi si Irish sa amin kaya nilingon ko siya at binigyan ng matamis na ngiti na sinagot niya naman ng maliit niyang ngiti. Hmp, ngumiti nga siya pero hindi ko naman nagustuhan, hindi tagos sa heart ko.

Pinaningkitan ko siya ng mata at sinuri ang magandang mukha niya.

"Geez, Trish, stop staring." Tumawa siya ng mahina.

Umiwas ako ng tingin saka luminga-linga sa paligid. Tumigil ang mga mata ko kay Sky at patakbong lumapit sa kaniya. Hindi ko kasi siya nakulit ngayong araw dahil hindi maganda ang pakiramdam niya kanina, siguro miss niya na 'yung kakulitan ko ngayon, hihi.

"Sky!" Masaya ko siyang inakbayan habang may ngiti sa aking mukha. "Okay na ba 'yung pakiramdam mo?"

"Please, not now. My head is still in pain." Pakiusap niya kaya napanguso ako at bumuntong-hininga.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon