Chapter 35 | Invisible

1.9K 128 45
                                    

Where are the Dragons?

Kanina pa ako nakahiga sa aking kama habang nakatingala sa puting kisame ng kuwarto ko. Inaalala ko rin ang mga sinabi sa akin ni Headmistress sa akin, 'yung tungkol sa sikreto ng tubig, kaya napaisip ako kung nasaan na nga ba ang mga Dragons.

Since we four, had a blood of a dragon running through our veins then, that's make them our parents. Napa-face palm ako sa naisip. Ahm, hindi ko naman din nakita ang aking ama kaya naiisip kong isang dragon ang aking ama kaya may dugong dragon ako, diba?

Bumuntong-hininga ako saka bumangon mula sa pagkakahiga sa aking kama. Paano kaya ako ginawa ng mga magulang ko? I mean, alam ko kung paano ngunit, isang dragon at isang tao? Ugh, scary. Pero ang sabi-sabi ng mga matatanda ay pipili lang ang mga Dragons kung sino ang gusto nilang maging tagapagtanggol nila, at hindi nila na kakailanganin mag-ano-ahhh basta!

Argghh! Ang gulo!

Napaigtad ako nang bigla na lamang may kumatok. Agad kong tinignan ang pintuan ng aking kuwarto saka napag-pasyahang buksan iyon dahil hindi pa tumitigil ang katok. Pagbukas ko ay nakita ko ang bagong gising na si Musa, kusot-kusot niya pa ang kaniyang mga mata habang may hawak siyang isang envelope.

She then pouted and gave me the envelope. "Sulat, para daw sa 'yo."

Inabot ko ang envelope saka tinitigan iyon, kapagkuwan ay bigla na lamang akong napangiti nang makita ang pangalan kung sino ang sumulat nito. Umangat ulit ang aking ulo at binigyan si Musa ng isang ngiti saka siya pinasalamatan.

"I'll go wake Trisha up, so that we can cook something for breakfast-no, uhmm... lunch?" Pagkatapos niya iyong sabihin ay humikab siya bago nagpunta sa kuwarto ni Trisha.

Napailing ako bago isinara ang pintuan ng aking kuwarto at tinignan muli ang sulat na ipadala niya... "Uncle..."

Dali-dali kong binuksan ang envelope at inilabas doon ang sulat, ngunit napakunot na lamang ako ng nuo nang makita ang nakasulat doon. Tinignan ko ang likod ng papel ngunit wala na akong makitang iba pang salita.

"Pinagloloko ba ako ni Uncle?" Binasa ko muli ang tanging nakasulat sa papel, "Vita?"

"Tsk..." Umirap ako saka marahas na itinapon ang sulat sa study table ko. "Whatever."

Ano ba ang gustong iparating ni Uncle? Bakit 'yon lang ang sinulat niya? Akala ko pa naman sumulat siya dahil nami-miss niya na ako pero pinagloloko niya lang pala ako, tsk. Vita? Aba, mukhang nilulumot na rin ang utak niya dahil sa kakaaral. He should take a break, sometimes!

Kinuha ko ang towel ko bago nagtungo sa banyo upang maligo. I haven't taken a shower yet, it is already noon time. Actually, I've planned to wake up this late because there's no classes. Buti hindi inistorbo ni Trisha ang tulog ko.

Pinuno ko ng tubig ang bath tub at ilang minuto iyong pinaglaruan. Napatingin ako sa bote na binigay sa akin ni Lemon kahapon, nilagay ko 'yon sa table na malapit sa bath tub. Ang totoo ay hindi ko pa nasusubukan ang 'gift' kuno ni Lemon sa akin dahil nakalimutan ko kagabi sa sobrang pagod.

Kinuha ko 'yon at binuksan. Agad kong naamoy ang amoy ng bulaklak dahilan para maisip ko si Trisha. Bakit hindi ito binigay ni Lemon kay Trisha, eh mukhang matutuwa 'yon dahil gusto pa naman no'n ng mga kaamoy ng bulaklak. I poured it on the tub and the color of the water started to change when the soap hits it. Ang kulay nito ngayon ay naging royal blue na.

I entered the bath tub and began to relax. Ipinikit ko ang aking mga mata at napagpasyahang matulog muna saglit dahil nakaramdam ulit ako ng antok, siguro dahil ito sa nakakaantok na amoy ng sabon at ang epekto ng tubig sa akin.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon