Nakatingin lamang si Musa sa kaniyang mga kamay na ngayon ay namamaga na, unti-unti na ring may nabubuong pasa sa kaniyang magkabilang kamay. Nararamdaman niya na may bali na ang buto ng kaniyang kamay kasi nahihirapan na niya iyong galawin, at sigurado siyang mahihirapan lamang siya sa pakikipaglaban saka magiging pabigat lamang siya sa kaniyang amo ngayon.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang pisnge. Kahit anong pigil niya roon ay hindi niya na iyon mapigilan, 'di niya na makontrol ang sarili niya. Halo-halo ang emosyon na kaniyang nararamdaman at dahil iyon sa nasasaktan siya, ngunit hindi iyon dahil sa nabali kaniyang kamay, kundi sa pagtataksil niya sa mga kaibigan niya. Alam naman rin niya na darating ang araw na ito, ang araw na kung kailan masisira ang mga pinagsamahan nila.
Nanlalabo ang kaniyang pananaw at mabibigat na rin ang kaniyang pag-hinga. Hindi niya na alam kung ano na ang nangyayari sa kaniyang paligid, dahil wala na siyang ibang marinig kundi ang mga bulong na matagal niya ng naririnig...
"You're just a slave!"
Kinuyom niya ang kaniyang mga kamay.
"You will never be free again."
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at umiling-iling.
"You're like a bird trapped in a cage. You cannot fly free even if the cage is open, and it is because of the chains that is preventing you from flying away."
"You're just an insignificant slave!"
Bigla siyang napatayo mula sa pagkakahulod sa sahig. Hindi niya pinakinggan ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang amo at patuloy lamang siyang tumakbo ng mabilis palayo sa lugar na ito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa basta natagpuan niya na lamang ang kaniyang sarili sa loob ng kagubatan ng isla.
It's dark in here, she can't see any light no matter how she look for it.
"Everyone always leaves me," she whispered while looking up in the gloomy sky. "No one ever loves me."
Dahan-dahan siyang umupo sa malamig na lupa ng Grimstone bago niya niyakap ang kaniyang sarili. Luminga-linga siya sa paligid at ang tanging nakikita niya lamang ay ang mga matataas na puno at kadiliman.
She gulped the lump on her throat before covering her face with her palms. She started crying out all the pain that she held in her heart for a long time... the pain that her mother started.
• • •
Abala si Nix sa pagwawasak ng mga posas nila habang nilalabanan pa ni Angel si Irish. Isa na lang ang kaniyang hindi nawawasak at 'yon ay ang posas ni Lemon, wawasakin na sana niya iyon ngunit napatigil siya nang bigla siyang mapatingin kay Musa na mabilis ang takbo palabas ng palace.
Kumunot ang kaniyang nuo at wala sa sariling naibigay ang espada kay Lemon. Sinundan niya si Musa palabas, at hindi niya pinansin ang mga pagtawag sa kaniya ng mga kaibigan niya dahil nakatuon lamang ang kaniyang buong atensyon kay Musa. Nakarinig siya ng pagbasog galing sa labanan ni Irish at Angel ngunit hindi niya iyon nilingon at nagpatuloy lamang.
Nang makalabas ay mabilis siyang luminga-linga sa paligid dahil nawala na lang bigla sa paningin niya si Musa. Sinubukan niyang pakiramdaman ang mahika nito pero wala siyang maramdaman kundi ang kadilim sa buong paligid.
Nagtakha siya dahil ang sabi ni Nath kanina ay marahil maraming Phantoms ang nakabantay sa labas ng palace ngunit wala naman siyang makitang kahit niisang nilalang sa kapaligiran. Walang katao-tao tulad ng kanina ngunit dapat pa rin siyang maging handa.
BINABASA MO ANG
Scales of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her hometown's tragedy ten years ago, but it was difficult. She is always accompanying the doctor, who adopted her and took care of him as a payment...