Chapter 31 | Rainbow

1.7K 119 8
                                    

Kasalukuyan ako ngayong nasa taas ng bundok ng jakku, tinatanaw ang malawak na karagatan. Also, the light touch of the rain drops to my skin made me relaxed, the sun's light also gave me energy. Umaga na rin at hindi pa ako nakakapag-almusal ngunit wala naman akong maramdamang gutom, maybe it's all because of the rain.

Nakangiting itinukod ko ang aking kamay sa aking likuran para mabalanse ang katawan ko. Mas lalo akong napangiti nang maramdaman ko ang basang damo, nakaupo kasi ako sa damuhan at nakakadagdag iyon sa pagpapakalma sa akin.

Nature...

Hope...

I looked at the gloomy sky and closed my eyes when I remembered what happened earlier...

Agad kaming nagsitayuan nang matapos na kaming sumigaw, halos lahat kami ay naka-battle stance at handa ng makipaglaban. Nakabalot ng tubig ang aking mga kamay at bahagya iyong nagliliwanag. Naniningkit ang aking mga mata habang sinusuri ang kabuuhan ng mga halimaw na nasa harapan namin ngayon.

Kulay pula at asul ang kulay ng kanilang balat, napansin kong pula ang sa lalaki at asul naman ang sa babae. Lahat sila ay may mga matutulis na pangil, nakasuot sila ng bahag at tanging ang mga dapat takpan lang ang nakabalot ng tela, mayroon rin silang suot na kuwintas na gawa sa shells. I stared at their blue eyes and I saw fear written on it, their heartbeat is fast and looks like they're afraid of us but they're still pointing their wooden sphere on us.

"Sino kayo?" Nagsalita ang lalaking nasa gitna, may katandaan siya at siya lang ata ang hindi ko nakikitaan ng takot. Sa tingin ko ay siya ang pinuno nila.

Naglaho na ang tubig sa kamay ko saka ikinalma ang aking sarili. "Kami ang Titans, at natitiyak kong kayo ang may-ari ng lugar na ito, tama?"

Tinignan ko ang mga kasama ko sa gilid ng mata ko at itinaas ang kamay para pakalmahin sila, wala kaming karapatang labanan sila dahil kami naman ang basta-basta na lang pumasok sa kanilang isla. Nakahinga ako ng maluwag nang ibinaba ng mga kasama ko ang kanilang kamay saka naglaho ang kanilang mga kapangyarihan.

Binalingan ko muli ng tingin ang mga mamayan, mukha ring wala silang kalaban-laban. "Paumanhin dahil sa biglaang pagpasok namin sa inyong isla, kami ay inutusan lamang ng hari at reyna na kunin ang espiritong naririto sa islang ito."

I stilled for a second when I realized that I said that in a poetic tone.

Bumalik na lamang ako sa huwisyo nang maramdaman kong may tumabi sa akin saka bumulong, "Kailan ka pa naging makata?"

Siniko ko na lamang si Nath kaya napatigil siya at nginitian ang mga mamayan.

"Kung gayon." Itinaas ng lalaking nagsalita kanina ang kaniyang kamay dahilan para ibaba ng mga kasamahan niya ang sphere na hawak nila. "Kayo ba ang mga pinili ng hari't reyna na tagapagligtas ng mundo?"

"Kami nga," sagot ni Angel saka lumapit sa matanda, nagbalik na siya sa kaniyang dating anyo kaya naman hindi na ako nakakakita ng takot sa mga mata ng mamayan, sa tingin ko kasi kalahati ng mamayan ay natakot kay Angel nung nagpalit ito ng anyo sa Demon soul niya.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon