Third Person's Point Of View
___Triana, Trisha's older sister, raised both of her glowing hands. As she motioned it, big veins came out from the ground and attacked the floating ship causing it to stop from moving. Hinihila ng mga ugat ang barko pababa ngunit sadyang malaki lang talaga ang barko para mahila ito pababa, hindi nito kaya ang bigat kaya itinigil ni Triana ang paghila sa barko, ngunit hindi niya pa rin inaalis ang mga nakapulupot na ugat sa barko dahilan para hindi makaalis ang barko sa puwesto nito.
Hinarap niya ang mga kasama niya nang may seryosong mukha. Halata pa ring hindi makapaniwala ang mga Titans sa nangyayari ngayon dahil nakasulat sa kanilang mga mukha ang pagtatakha at takot, 'ni hindi nila nga nilisan ng tingin ang barko matapos nitong kunin si Rain.
"The veins will hold the ship for a while," she announced but none replied to her.
Binalingan niya ng tingin si Nath na ngayon ay nandidilim ang mukha habang nakabalot ang buong katawan ng apoy. She will not deny the fact that this guy is handsome but fearsome. Kilala niya ang lalaki sa pangalan, ngunit hindi niya ito kilala sa ugali. Nabasa niya ang profile nito at labis siyang namamangha sa lakas at talinong taglay nito.
Nilunok niya ang laway na nakaharang sa kaniyang lalamunan bago nag-salita muli, "Rain is in that ship, we can't just attack it without a plan. We need to come up with a plan quickly, before we attack the Phantom's ship."
"Also..." Bumaba ang tingin niya sa lupa. "We don't know how many Phantoms are in there."
Maya-maya lamang ay nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang naglalaho na ang apoy sa katawan ng binata at seryoso itong tumingin sa kaniya.
"A plan you say," he whispered and run his fingers through his hair desperately. "Tell me, do you have a plan in mind?"
Napalunok siya at bahagyang nahugot ang hininga nang magtama ang mga mata nila ni Nath, pero agad rin siyang umiwas dahil sa... takot. Hindi niya pa alam kung ano ang kayang gawin ng isang Nathaniel Hellviore, ngunit natitiyak niyang malakas ito. Mas malakas pa kaysa sa kaniya...
Nagtago silang lahat sa isang malaking puno at doon niya sinimulang sabihin ang planong nasa isipan niya. Nang matapos niya iyong sabihin sa kanila ay tumango ang Titans hudyat na sumang-ayon ito sa plano niya.
Ilang minuto lamang ang lumipas, ay naghiwa-hiwalay na sila at nagtungo sa iba't ibang direksyon. Ang magkakasama sa unang grupo ay si Trisha, Triana, Musa, Nix, at Irish, ang sunod naman na grupo ay si Angel, Winter, at Lemon. Habang ang panghuling grupo naman ay nabubuo lamang ng dalawang katao, at 'yon ay si Sky at Nath.
Habang tinatahak ng unang grupo ang daan patungo sa loob ng gubat ng isla ay binabalot ni Trisha ang kaniyang mga kamay ng lupa upang paghandaan ang labanang magaganap. Tinignan niya ang kaniyang nakakatandang kapatid habang kagat-kagat niya ang kaniyang labi dahil sa kaba.
Ngayon lang sila nagkasama ng kapatid niya sa isang laban, kaya hindi siya mapakali. Kinakabahan siya na baka maging pabigat lamang siya o makagawa siya ng mali. Gusto niya kasing magpakitang gilas sa kaniyang kapatid para mapansin naman siya nito kahit papaano.
All she wanted is for her sister to be proud of her, for the first time...
• • •
Nagpalit ng anyo si Angel at inilabas ang dalawang malalaking pakpak niya bago tumingin kay Lemon. Inirapan niya muna si Winter bago niya hinawakan ang magkabila nitong braso at lumipad na patungo sa barko ng Phantoms. Sumunod sa kanila si Lemon na nag-anyong ibon habang iniling-iling ang ulo dahil sa inakto ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Scales of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her hometown's tragedy ten years ago, but it was difficult. She is always accompanying the doctor, who adopted her and took care of him as a payment...