Nanlalaki ang mga mata ni Trisha habang nakatingin sa kalansay na ngayon ay unti-unti ng nababalutan ng balat ng tao. Dahil sa takot ay naikumpas niya ang kaniyang kamay at gumawa ng spikes na yari sa bato. Inatake niya ang kalansay ngunit imbes na masira iyon ay nagkaroon lang 'yon ng malakas na impact dahilan para tumalipon siya.
"Arrghh!" Marahan niyang hinawakan ang kaniyang braso dahil iyon ang unang tumama sa sahig.
Patuloy man ang pagtulo ng dugo sa kaniyang tyan at braso ay hindi niya na lang iyon binigyan ng pansin at dahan-dahang tumayo. She can see her friends fighting with all their strength, alam rin niyang nahihirapan na ang mga ito kasi malalakas ang mga kalaban. Halata rin naman sa mga mukha nila na pagod at nanghihina na sila, kaya dapat tumulong siya, dapat gumalaw rin siya.
Nang maayos niya ang kaniyang sarili ay napatingala siya nang may maramdaman siyang malakas na mahika na nanggagaling doon. Nakikita niyang unti-unting nagkukumpulan ang makakapal na ulap sa itaas ng palace at may kasama pa iyong itim na kidlat, na animo'y may nabubuong isang bagyo.
"This energy..." Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto kung kanino ang mga mahikang nararamdaman niya mula roon.
Alam niya kung anong klaseng kapangyarihan ang nasa loob ng ulap, hindi siya puwedeng magkamali. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay niyang nanginginig na at puno ng sugat.
'Bakit sila gumagawa ng healing magic?' tanong niya sa kaniyang isip. 'Alam ko ang mahika dahil may healing magic rin ako, ngunit hindi kasing lakas ng nararamdaman ko ngayon.' Tumingin siya muli sa itaas habang seryoso ang kaniyang mukha. 'Sa lakas ng mahikang nasa loob ng ulap na iyon ay puwede na iyong makabuhay ng patay...'
"But where did they get this high amount of energy?" she mumbled.
Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin niya sa mga kaibigan niyang patuloy pa rin sa pakikipaglaban.
'Magic...'
Her lips parted when realization hits her.
"Guys, kailangan na nating umalis dito!" sigaw niya kaya napatingin sa kaniya ang mga kaibigan niya ngunit bumalik rin naman kaagad ang atensyon nito sa mga kalaban nila. "This is just a trap to revive their Queen!"
Matapos niya iyong sabihin ay umalingawngaw ang matinis na tawa ni Irish sa buong silid, kasabay no'n ang pagtigil ng mga Phantoms na nilalabanan ng kaniyang mga kaibigan at bigla na lamang naglaho ang mga iyon isa-isa.
Anim na lang sila ang natira. Hingal na hingal at puno ng mga sugat ang kanilang mga katawan, may iilan ring napunit na ang damit dahil sa pakikipaglaban. Halata ang pagod at panghihina sa kanilang mga ekspresyon maliban na lang kay Irish na patuloy pa rin na tumatawa.
"Bakit ngayon niyo lang napansin?" Tumigil bigla si Irish sa pagtawa at saka ngumisi ng kay lapad habang masama ang tingin nito sa kanila. "Our first plan failed but it doesn't mean that we didn't think of a backup plan." She giggled darkly. "Anyways, thank you for coming and giving enough energy to revive our dear Queen!"
Dahil doon ay nagtagis ang bagang ni Nath habang matiim na nakatingin kay Irish. The first Phantom that outsmarted him was Irish, he can't believe it! Everybody knows how wise he is, but he didn't see this coming.
Matagal niya ng alam na isang Phantom si Irish dahil naramdaman niya ang mahika nito kahit na pilit iyong tinatago ng dalaga. Alam niya ring kasabwat nito si Musa, simula noong una niyang nakita si Musa ay nagduda na siya kaya naman binigyan niya si Nix ng isang gawain.
He told Nix to watch Musa's movements. He chose him because he knows that Musa have feelings for his friend, so he used Nix to lure Musa on their side. He also told Nix to find some information about Musa's past. And then after two years of searching, they found out that Musa is not a Phantom, she is pure human but her magic is given by the Phantom Queen.
BINABASA MO ANG
Scales of Chaos
Fantasy𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her hometown's tragedy ten years ago, but it was difficult. She is always accompanying the doctor, who adopted her and took care of him as a payment...