Chapter 25 | Poisoned

2K 136 10
                                    

"Phantoms," bulong ni Nath at halatang may galit ito sa mga kaharap namin ngayon ayon sa kaniyang tono, magkatabi kami kaya narinig ko 'yon.

Hindi maalis-alis ang aking mga mata sa limang taong nasa harapan namin ngayon. Pinigilan kong mapairap dahil sa naisip ko, tao pa ba sila?

Ayon sa aming professor sa History ay mga kalaban ang Phantoms. Sila ang nagtataglay ng itim na mahika na ginagamit nila para makuha ang kanilang gusto, nais nila ay kaguluhan at ang masakop ang mundo ng Mystic. The King and Queen hunted the Phantoms for years, pero mas dumadami lang sila kaya itinayo ang mga academy para turuan ang mga taong may mahika na makipag-laban at para may karunungan rin sila. May mga academy rin naman na para lang sa mga taong walang mahika at may academy para sa mga may mahika.

Nahagip ng mga mata ko ang bracelet na gawa sa metal sa kanilang mga kamay, umiilaw ang pulang diamante na nasa gitna nito. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang bracelet na hindi ko naman alam para saan.

"Heto ba ang nais niyong kunin?" sabi ng isang babaeng nakalugay ang buhok. May inilabas siyang isang bote sa supot na dala niya at umiilaw iyon.

Napakagat ako ng aking labi nang maramdaman ang mahikang nasa loob ng bote. "No..."

"Sa amin na ito."

"That spirit is not yours," wika ni Winter, nakakuyom ang mga kamay niya at nababalot na rin 'yon ng yelo. "Pag-aari 'yan ng Hari at Reyna!"

"We got it first, so the spirit is ours!" sigaw ng babaeng naka-bun ang buhok.

"Fuck you!" Angel shouted while her jaw is clenching.

"Don't be stupid, the Kind and Queen owns the world so the things in the world is theirs," Nath said in a low deadly tone but the Phantoms still heard it.

Nang lumingon ako sa kinatatayuan ni Nath ay hindi nakatakas sa aking paningin ang pagbulong ni Nath sa hangin. I smirked. Alam kong inutusan na naman ni Nath si Sky gamit ang hangin. Masyadong mabilis ang pangyayari, sa isang iglap lamang ay nakita ko na si Sky sa likod ng babaeng nakalugay ang buhok upang agawin sana ang bote ngunit mabilis na gumalaw ang babae at humarap sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang braso.

The woman's eyes turned black as she gripped Sky's arms with force. My eyes widen when I saw how the half of his left arm is slowly turning into black. Sumigaw si Sky na animo'y nasasaktan dahilan para maalarma kami, paminsan-minsan ay napapangiwi rin para pigilan ang kaniyang sigaw.

"Sky!"

Mabilis na tumakbo si Trisha papunta kay Sky ngunit hindi pa siya nakakalapit kay Sky ay bigla na lamang siyang nawala sa aking paningin, tumigil na lamang ang aking mga mata sa isang puno nang mahagip ng aking mga mata si Trisha na sakal-sakal ng isang lalaki. Masyadong mabilis ang galaw ng lalaki kaya hindi ko nakita ang pag-atake niya.

"Let her go!" Sinugod ni Nath ang lalaki ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nasa harapan niya na ito at malakas siyang sinuntok dahilan para tumalipon siya sa pinakaloob ng gubat at nawala na sa paningin namin.

Nanghihinang lumapit sa amin si Trisha habang hawak-hawak ang kaniyang leeg. Mabilis siyang inalalayan ni Musa at pinainom ng tubig na dala namin.

"Dash, tapusin mo na sila," sabi ng babaeng kulot ang buhok, abot hanggang bewang ang kaniyang buhok.

Nakangising tumango si Dash daw at nagsimula ng tumakbo ng mabilis pero bago pa siya makalapit sa amin ay ginawa ng yelo ni Nix ang lupa kaya natumba ang lalaki. Sunod na sumugod si Angel gamit ang kaniyang Demon soul, sinugod niya ang babaeng nakahawak kay Sky. Hindi agad nakagalaw ang babae kaya tumalipon siya dahil sa malakas na suntok ni Angel.

Napansin ko naman ang pagtayo ng lalaking nagngangalang Dash saka ito nagtungo sa kung saang direksyon tumalipon si Nath. Tumakbo rin si Winter at sumunod sa kaniya.

I looked at Angel and saw how she dropped Sky on the ground after she got him from the Phantoms. She then looked at us and without even saying a word she left and went to the lady that she attacked earlier.

Lumapit kami kay Sky at sinuri siya. Lemon touched his arm that is now covered in black, she then fixed her glasses. "I'll check Sky. Trust me, I'm an herbalist."

Hindi na kami sumagot nang biglang tumawa ang babaeng naka-bun pero agad rin namang tumigil nang maramdaman niya ang masamang tinging ibinigay namin sa kaniya. "What?"

"He is poisoned."

Bumaling ang aming tingin kay Lemon.

"Hahahaha! Pauline's poisons don't have a cure, goodluck." Nilingon ko ulit ang babaeng naka-bun at sinamaan siya ulit ng tingin. "He is going to die because the poison will spread on his body, and you can't stop it."

Bumalik ang aking tingin kay Sky at napansin ang mga itim na ugat sa kaniyang braso na dahan-dahang umaangat. Halatang masakit 'yon dahil napapasigaw si Sky at lukot rin ang mukha niya dahil siguro sa sakit.

"Wala akong alam na gamot..." said Lemon and pressed her lips together as she looked at us. "Puwede rin naman nating kunin ang spirit at humiling sa gamot ng lason na ito."

"Let's fight them first," I said and positioned myself.

Tumayo kami maliban kay Nix at Musa dahil inalalayan nila si Sky at lumayo sa lugar na ito. Nakita ko naman na bumaba si Luna mula sa balikat ni Sky at unti-unti iyong lumaki. Naging mabangis na ito, ang maamo nitong mukha dati ay naging mabangis na, na animo'y gustong kumain ng tao. Lumayo ng kaunti si Lemon at naging isang malaking lobo rin, ang kulay ng kaniyang balahibo ay ginto.

Nagtagis ang bagang ko nang magtagpo ang mata namin ng babaeng naka-bun na kanina pa ngisi ng ngisi, halos abot na nga ang kaniyang ngisi sa magkabilang tainga niya.

"Nuria, Jack, that one is mine." Itinuro niya ako dahilan para mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

Tumango ang dalawa niyang kasamahan bilang sagot. Tumakbo ang babaeng kulot ang buhok papunta sa loob ng gubat kaya hinabol siya ni Lemon at ni Luna. Sunod kong nakitang may lumabas na buhangin sa kamay ng lalaking nagngangalang Jack at pinalibutan kami nito.

I closed my eyes.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng aking katawan kahit hindi naman ako gumalaw. Narinig ko ang tawa ng babaeng naka-bun kaya mas lalo pa akong nainis.

Maybe, she's controlling me.

Bigla na lamang gumalaw ang aking katawan at tumalipon sa dalampasigan, napaungol ako dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko. Pakiramdam ko ay nabalian ako. Umangat ang ulo ko at nakita siyang dahan-dahang lumapit sa akin.

Itinuro niya sa akin ang isang kahoy at ikinumpas 'yon. Kasabay ng kaniyang pagkumpas ang aking biglaan kong pagtayo.

"I'm Tina." Yumuko ito saka ngumiti pero agad rin namang sumama ang tingin niya sa akin. "Let's see what you got."

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon