Kinabukasan nagpaalam ako kay kuya at mama na pumunta sa karatig baryo para tumambay muna kina Larnie. Agad naman nila akong pinayagan kaya maaga akong nakarating sa karatig baryo gamit ang bangka ko. Mas mabuti kaseng bangka para hindi masayang ang gasolina at maganda din to sa kalusugan.
Hindi pa ako nakaliko sa bunsod namataan ko na ang aking kaibigang si Kingkoy. Nagbabangka rin siya at mukhang pauwi na. Sinipolan ko siya, kaagad niya naman akong nakita kaya naman ay binilisan niya ang pag bugsay patungo sa akin. Pinahinto ko muna ang aking bangka.
" Uy sean! Napagala ka ah! "Sigaw niya habang nagbubugsay.
" Nakauwi na kase si kuya kaya nakagala ako! " Sigaw ko rin sa kanya. Unti-unti niyang binagalan ang kanyang pagbugsay. Malapad ang ngiti niya habang unti-unting napapalapit sa aking kinaroroonan.
" Ang lakas mo talaga sa kuya mo choy. " Bilib niyang pagkasabi. Huminto na rin siya sa gilid nang bangka ko.
" Ako pa, close kami nun e. Saan ka galing? " Kunot noo kong tanong sa kaibigan ko.
" Tinignan ko lang ang bintol namin. Umunos kase kagabi, pero wala namang nasira. " Pareho na kaming nakatanaw sa baybayin. Tahimik ngayon ang baybayin mukhang wala pang mangingisda ang nakadaong.
" Tara, bisita tayo kina Larnie. " Sumang-ayon naman ang kaibigan ko at nagsimula na kaming mag bugsay ng sabay.
" Paano kung tulog pa yon?" Si Larnie ang tinutukoy niya. Napahalakhak kami ng sabay.
" Edi pagtripan natin. Lagyan natin nang nescafe stick ang bunganga niya para magising! " Sabay kaming napatawa ng malakas habang nagbubugsay. Matalino talaga to pagdating sa kalokohan.
" Oo nga pala, mag hahiking daw sila Troy sa susunod na linggo." Ngayon ay papalapit na kami sa hagdan nang bahay nila Larnie.
" Oo, nakapag paalam narin ako kahapon." Nakita kong napanganga si Kingkoy sa sinabi ko. " Ikaw?"
" Inalok niya din ako. Pero alam ko na ang mangyayari choy. Di talaga ako papayagan potek na yan." Natawa nalang ako sa sinabi niya. Engot talaga.
Nakarating na kami sa hagdanan nang bahay nila Larnie . Tinali namin ang aming bangka sa silong nila Larnie.
" Umuna ka na sa pag-akyat choy may aayusin lang ako nh konti, susunod rin ako kaagad. " Tinanguan ko lang siya sa sinabi niya at umakyat na sa hagdan patungo sa balkonahe nina Larnie.
" Sakto. Nagkakape kami! Halika Sean mag kape tayo. " Pang-aalok ni Manong Rey saakin. Si Manong Rey ang tatay ni Larnie, sobrang bait niya samin at tinuturing niya na rin kami na para niyang mga anak. Kaya kahit dito kami minsan matulog o tumambay at okay na okay sa kanya.
" Sige po. Si Larnie ho gising na?" Kunot noo kong tanong kay Manong Rey habang nagsimula nang mag timpla ng kape. Makapal talaga ang mga pagmumukha namin pagdating sa bahay nina Larnie kase halos dito na rin kami lumaki at noon paman ay dito na kami tumatambay magtotropa.
" Ay, naghihilamos pa.Oh Kingkoy! Narito ka rin pala, kape tayo!" Ngumiti si kingkoy na kakaakyat lang.
" Sige po, maraming salamat po " lumapit kaagad sa lamesa si Kingkoy para magsimula nang magtimpla. Kapal talaga tulad ko.
" Oy, napa aga ata kayo choy.? " Palipat-lipat na tingin ni Larnie sa aming dalawa ni Kingkoy.
" Umuwi na daw kase ang kuya niya kahapon. Nagkatagpo kami sa dagat kaya napagpasyahan namin na dumiretso na dito sa inyo." Mahabang paliwanag ni Kingkoy habang humihigop na ngayon ng kape.
" Umuwi na pala si Kuya Yunever. Oo nga pala, knalok ako ni Troy, maghahiking daw sila sa susunod na linggo." Saad ni Pareng Larnie habang nag simula nang magtimpla nang kape. Umupo kaming dalawa ni Kingkoy habang pinapanood si Larnie sa ginagawa niya.
" Ang layo pa non. Ito talagang si Troy." Singit ni Manang Lorna. Natawa kaming lahat sa sinabi ni Manang Lorna. Agad naman kaming rumesbak ni kingkoy s apag kumbinsi sa mga magulang niya upang payagan siya. Pinayagan naman si Larnie at si Kingkoy nalang ang problema namin. Napagpasyahan rin namin na pumunta sa bahay nila Kingkoy at kami na ang mang bola sa mga magulang niya.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...