Kabanata 8

9 4 0
                                    

Natapos ang aming trabaho ay umuwi kaagad ako sa bahay. Sabi ng amo namin ay sa Linggo pa ang sahod namin. Hindi naman iyon problema dahil sanay na kaming lahat. Pagkarating ko ay  naabutan ko si Mama at Papa na nag-aaway. Si Kuya naman ay wala kaya naman ay dali-dali kong inawat silang dalawa.

" Ang kapal ng mukha mo na magpakita dito! P-pagkatapos mo kaming iwan at pinili mo p-pa t-talaga ang k-kabet m-mo! Umalis ka n-na dito!! " Sigaw ni Mama kay Papa. Ngayon ay nasa gitna nila akong dalawa.

" Wala ka nang pake dun Chel! Buhay ko to kaya ako ang magdedesisyon! Mag hahati tayo! Sayo' si Yunever sakin naman si Sean!  At pagkatapos ay makakalimutan na tayo! " Sigaw rin ni Papa pabalik kay Mama. Nakita ko kung paano namula si mama sa galit.

" Sige! Wala palang pake? Edi wala kang pake! Kaya umalis ka na! Hindi mo makukuha si Sean dahil babaero ka!  At hindi rin sasama ang anak ko sayo dahil demonyo ka at irresponsable! Pagkatapos mong gawin ang lahat ng iyon saamin ng mga anak mo ngayon nandito ka na naman para guluhin kami? Tarantado ka! " Sigaw rin ni mama. Hindi na ako nakapagpigil ay bomoses na talaga ako.

" Tama na Ma! Tama na Pa! Walang aalis at walang sasama! Mananatili tayong lahat dito!" Nakita ko kung paano nag-apoy sa galit si Papa.

" Ano Sean? Papalag ka na? Hindi mo na ako nirerespeto? Dahil ba sa sulsol ng ina niyong baliw kaya kayo nagkakaganyan ha!? " Hindi ako makasagot, napasabunot ako saaking sarili dahil  sa inis. Nainis ako sa sinabi niyang baliw si mama kahit na siya naman ang baliw talaga dito.

" Yan! Kasalanan mo rin yan! Kung hindi mo kami sinasaktan ay hindi magkakaganyan ang mga anak mo! Edi sana mataas parin ang respeto nila sayo! At kung baliw ako edi sana hindi nabuhay iyang mga anak m-mo! Ikaw ang b-baliw dito! Umalis ka na baliw ka! " Nakita kong sinugod ni Papa si Mama ng sampal at suntok. Sa galit ko ay sinuntok ko rin siya at natumba siya.

"Pa, tumigil ka na, hindi  ka ba naaawa kay Mama? Pa, 21 Years! At sa loob ng taon na yan ay paulit-ulit mong sinasaktan si mama! Kaya tama na! Nawawala ka na ba sa sarili mo!? "  Sigaw ko sa Tatay ko. Akmang susuntukin niya na sana ako kaso dumating si Kuya at sinuntok rin siya.

" Umalis ka na pa! Bago pa ako maubusan ng pasensya sayo! Sumusobra ka na! Tama na ang mga pananakit mo d-dahil sa totoo lang? Kaya naming mabuhay ng wala ka! Kaya naming alagaan si mama at kaya rin ni mama na punan lahat ng mga pagkukulang mo saamin kaya umalis ka nalang pa! " Sigaw rin ni Kuya. Pumunta ako sa kinaroroonan ni Mama at pinapatahan siya.

Nakita ko kung paano nag dilim ang paningin ni papa at alam kong gustong-gusto niyang saktan si kuya ngayon.

" Shh, tama na ma. Magiging maayos din ang lahat. Hindi kami mawawala ni Kuya sayo." Hinalikan ko si mama sa pisnge niya habang patuloy na pinapakalma siya.

" Pati ba naman ikaw Yunever! Wala ka na ring respeto sakin? Mga wala kayong respeto sa ama niyo! Yan na ba ang tinuro sa inyo ng nanay niyong magaling at baliw- " Hindi niya na natapos ang kanyang salita at sinapak na naman siya ni Kuya. Bumangon si Papa at sinuntok si kuya sa tiyan dahilan upang mapaupo ang kuya ko. Kahit na hindi na bago saakin ang mga ganitong pangyayari ay nagulat parin ako.

" Yunever!!!! Baboy ka Ed! Hayop ka!!! " Sigaw ni Mama habang umiiyak.

" Ma, kumalma ka lang." Tinulungan ko si Kuya upang makatayo siya pero pati ako ay sinuntok rin ni Papa. Tumalsik ako sa lamesa. At sumigaw na naman si Mama. Buong lakas akong bumangon kahit na matutumba na ako.

" Umalis ka na dito! At huwag ka nang magpakita pa saamin! Doon ka na sa bagong pamilya mo total magaling ka namang Ama! Huwag ka nang umasa pa na may respeto pa kami ni Kuya sayo! Matagal mo na kaming binigyan ng rason na hindi ka na namin irerespeto! " Galit kong sigaw kay Papa. Hindi ko alam kong saan nanggaling ang mga salita ko dahil kita ko ang gulat sa mga mata nila at pati ako ay nagulat rin saaking sarili. Napaluha ako sa sakit na aking naramdaman.

" Bata pa lang kami ay binubugbog mo na si mama! Kala mo hindi namin alam ni Kuya na nakabuntis ka at nagkaanak ka ng tatlo! Habang sila ay pinapakain mo kami naman dito ay pinahihirapan mo! Satingin mo ba pa ka respe-respeto kang ama!? Umalis ka na dito! Kaya naming mabuhay nang wala ka dahil kahit kailan hindi mo pinaramdam saamin na padre di pamilya ka namin! " Nakita ko na tumulo ang luha ni Papa. Pati si Kuya ay napaluha. Galit na galit ako. At siguro ito ang panahon na mailabas ko ang sama ng aking loob sa sarili kong ama.

" Oo at a-ama ka namin, p-pero sumusobra ka na!  S-sana naman ay kontento ka na s-sa g-ginawa mo saamin ngayon. Huwag ka nang m-magpakita pa rito kahit kailan! " Sigaw rin ni Kuya kay Papa.

" Sige! Yan ang gusto niyo diba? Ang mawalan ng Ama?  Total mga wala naman kayong respeto nagmana kayong dalawa sa nanay niyong baliw. Mabuti pa ang mga anak kong bago nirerespeto ako! Kayo? Mga gago kayo! Di niyo alam kung paano rumespeto." Hindi na kami umimik pa at hinayaan siyang pumasok sa bahay upang kunin ang mga gamit niya.

Muling lumabas si papa dala lahat ng gamit niya.

" Ibabaon ko na sa limot na may mga anak ako dito. Dahil mula ngayon kayong tatlo ay matagal ng patay para saakin. Magsama kayo mga baliw! "

Kahit na galit-galit na kami ni Kuya ay pinigilan namin. Inuna namin si Mama, pinakalma namin siya. At si Papa? Sana magsisi siya. At sana balang araw marerealize niya ang mga maling gawa niya.

Pagkatapos non ay umalis na siya bitbit lahat ng kanyang gamit. Hindi ko rin pinagsisihan ang mga salitang binitawan ko dahil kailangan niya rin na mamulat sa mga pinaggagawa niya saamin na pamilya niya. Matagal na panahon na kaming nagtitiis at panahon na upang makalaya kami sa mga kamay niya. Panahon na upang kami naman ang lumaban para kay Mama. At ipapangako kong hindi niya muling masasaktan si Mama.

You are the Reason Where stories live. Discover now