" Sean, ikaw muna ang pupunta sa bintol mamaya mag-isa. Hindi pwede na walang kasama si Mama rito sa bahay baka bumalik si Papa bigla." Saad ni kuya habang nagluluto ng ulam.
" Ako na bahala, si mama ba nakauwi na galing sa trabaho niya? " Kasalukuyang nagtatabraho si mama sa isang resort at ngayon lang siya nakapagtrabaho muli dahil nagkasakit siya noong mga nakaraang linggo.
" Hindi pa, pero susunduin ko siya maya-maya kaya huwag mo nang alalahanin yon. " Napatango ako sa sinabi ni Kuya Yunever.
Nagbalot ako ng hapunan ko at tubig na maiinom. Pagkatapos ay hinanda ko na ang mga gamit ko na dadalhin ko sa bintol. Saka tumungo na ako sa baybay para kunin ang bangka ko.
Mabilis akong nakarating sa bintol namin, medyo malayo pero hindi kase maalon kaya naging madali lang ang pagbugsay ko. Pagkarating ko ay inayos ko muna ang mga gamit ko saka ko itinaas ang malaking lambat na nasa ilalim ng tubig. Kinuha ko ang mga isda pagkatapos ay muli ko itong ibinaba. Isinunod ko naman ang pagbaba ng ilaw sa ilalim ng tubig upang ma attract ko ang mga isda na lumapit sa ilalim.
Inilagay ko kaagad ang mga nahuling isda sa ice box.
Tawagan ko kaya siya ngayon? O i text ko muna?
Nanginginig na binuksan ko ang cellphone na ibinigay ng kaibigan ko saakin. May nakita akong pangalan na ' Hera '. Wala naman akong kakilalang may ganitong pangalan kaya baka siya na 'to. Nagsimula na akong nag tipa.
Sean:
Hi, hindi ko alam anong sasabihin ko pero gusto sana kitang makausap. Pwede ba hehe..
Napapikit ako saaking ginawa. Nagkasyota naman ako noong mga nakaraang taon pero bakit parang ngayon parang first time kong mag message? Lumipas ang tatlong minuto pero wala pa rin akong reply na natanggap kaya napagpasyahan kong gumawa muna ng apoy para makapag pakulo ako ng tubig dahil balak kong magkape muna.
Habang inaayos ko ang mga kahoy ay biglang tumunog ang cellphone. At dahil sa gulat ko ay napaso ko ang aking sarili. Tinapos ko muna ang ginagawa ko at dali-daling tinungo ang kinaroroonan ng cellphone ko.
Hera:
Ikaw pala 'yan Sean akala ko kung sino. Pwede ka namang makipagusap saakin available naman ako ngayon.
Hera? So hindi nga ako nagkamali. Siya nga 'to. Kanina kase nagdadalawang isip akong pindutin ang pangalan niya kase baka hindi siya 'to. Hera.. ganda ng pangalan niya. Bagay sa kaniya.
Sean:
Buti hindi ako nagkamali. Um, pwede ba kitang tawagan Hera? Gusto kong marinig ang boses mo para malaman kong ikaw talaga ang kausap ko ngayon hehe..
Bahala na to! Para-paraan nalang! Nandito na e, nakokontak ko na. Dito palang panalo na ako.
Lumipas ang limang minuto ngunit wala parin akong natanggap na reply niya. Napagpasyahan ko nalang na magtimpla ng kape.
Baka nagalit siya. O baka na offend siya. O baka naman ayaw niya lang talaga akong kausap. Hera naman sumagot ka na. Naghihintay ako rito sa gitna ng karagatan.
Hihigop na sana ako ng kape kaso biglang tumunog ang cellphone. Kaagad ko itong pinulot at laking gulat ko noong nakita kong tumatawag siya! Totoo ba to? Yung crush ko tumatawag sakin ngayon?
" Hera? Ikaw ba 'to? " Tahimik ang kabilang linya. Sumimsim ako ng kape.
Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya na dahilan upang muntikan ko nang maibuga ang kape na nasa bunganga ko.
" Bakit? Hindi ka parin ba naniniwala na ako 'to Sean? " Sagot siya sa malumanay niyang boses. Napangiti ako.
" Ehem, na-naniniwala na ako. By the way ang ganda ng pangalan mo. Bagay sayo. " Napapikit ako sa nasabi ko.
" Talaga? " tanong niya sa kabilang linya.
" Talagang-talaga Hera. " Napangiti ako sa sinabi ko. Muli kong narinig ang mahina niyang tawa. At may kung anong nga nilalang ang naglalaro sa tiyan ko.
" Kape tayo, kumusta ka? Anong ginagawa mo? " Ngayon ay patuloy kong hinihigop ang kape ko.
" Sige salamat. Tsaka okay lang naman ako at kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko sa kwarto ko. " saad niya. Napatango naman ako sa sinabi niya.
" Tsaka bakit parang may naririnig akong tubig sa paligid mo? Something na parang may waves ganun? " Sa sobrang lambing ng boses niya ay nakakalimutan kong nasa bintol nga pala ako.
" Nasa bintol kase ako Hera. I mean ang bintol ay isa sa mga pamamaraan upang makakuha ng mas maraming isda. Hindi siya floating cottage kase nakatusok talaga ang nga haligi neto sa lupa. " Paliwanag ko sa kaniya.
" Hmm, ganoon ba. Edi nangingisda ka ngayon po? " Nanghihina ako sa boses niya. Diyosko paano ko sasabihin sa kaniya na nakakatindig balahibo ang malambing niyang boses.
" Oo, mahirap lang kami Hera. At nasa tabing dagat kami nakatira. Tuwing gabi ay pumupunta ako rito upang mangisda. 70% sa nakuha ko ay benebenta namin tapos ang 30% non ay inuulam po. " Sagot ko sa malumanay na boses. Napapa ' po ' pa ako sa binibining ito.
"Nakakamangha naman." sagot niya.
"A-ah baka hindi ka komportable ha. Sabihin mo lang." saad ko.
"No, komportable naman ako sa'yo. Feel ko naman na mabuti kang kaibigan." sagot niya. Nasaktan ako sa huli niyang sinabi. Mabuti...akong kaibigan.
"Kaibigan?" ulit ko. Natagalan bago siya sumagot.
"O-Oo kaibigan. Bakit? Ayaw mo ba na-"
"Gusto! Gusto kita...I-I mean gusto kitang maging k-kaibigan." nauutal na saad ko at hilaw na tumawa. Narinig ko rin ang pagtawa niya sa kabilang linya.
Kaibigan. Kaibigan ang tingin niya saakin. Pero, dapat pasasalamatan ko pa rin iyon. Kaysa naman hindi siya komportable na kausap ako. Sapat na muna saakin ang kaibigan lang.
Nag-uusap lang kami ni Hera at pinapaliwanag ko sa kaniya ang mga ginawa ko. Panay naman ang tawa niya sa tuwing nahihirapan na akong ipaliwanag sa kaniya ang mga bagay na ginagawa ko dito sa bintol. Nag-uusap lang kami hanggang sa pinatulog ko na siya dahil ayaw kong mapuyat siya nang dahil sakin.
Nangako din siyang muli kaming mag-uusap sa kinabukasan kapag may free time ako. Hindi ko maipagkakaila na nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. At hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing ito sa buong buhay ko. At isa lang ang masasabi ko, sobrang saya ko.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...