Naniniwala ka ba na lahat ng nangyayari saating buhay ay may rason? Kase ako naniniwala ako na " Everything happens for a reason, and that reason has a purpose."
Kung nawalan ka, may ipapalit ang Diyos na mas deserve mo. Kung nabigo ka, hindi ito para saiyo. Kung natalo ka, pwes hindi mo pa panahon. At kung tinalikuran ka ng mga kaibigan mo, hilain mo tapos iharap mo ulit. Tapos suntukin mo sa panga, kung papalag ikaw ang tumalikod tapos takbo. O diba, hindi nila naituloy ang pagtalikod sa'yo.
Biro lang, syempre kung tatalikuran ka nila hayaan mo lang. Kase may rason kung bakit iaalis sila ng Diyos sa buhay mo, dahil may ipapasok siyang mga tao sa buhay mo na nakatakda talaga para saiyo. Ayon pa sa nabasa ko " The right one for you will simply find you. "
Kagaya ko, ilang beses akong bigo sa pag-ibig. Pero hindi ko kailanman kwinestiyon ang Diyos bakit iyon nangyayari sa buhay ko. Kase alam kong may rason sa lahat, sinadya niya iyon para mahubog ang pagkatao ko. Upang maging deserving ako sa babaeng para talaga saakin....sa babaeng itinakda ng Diyos para sa'kin.
Sino kaya siya? Anong pangalan niya? Nasaan kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?
Lord, ilayo niyo siya sa mga lalaking mapagsamantala. Kung may boyfriend siya ngayon o may manliligaw. Ay ano ba yan, sakin siya nakatakda. Nagseselos tuloy ako kahit na hindi ko pa siya kilala. O sige okay nalang baka unfair din, kase ako may mga naging girlfriend rin naman. Pero hindi, nagseselos talaga ako. Sige na nga hindi na lang ako magseselos, as long as happy ang future wife ko.
"Enjoy ka muna sa mga manliligaw at boyfriend mo diyan, ako naman hihintayin ko ang tamang oras at panahon sa pagtatagpo natin. Nananabik na akong makilala ka. Haharanahin kita gabi-gabi kapag natagpuan kita." nakangusong saad ko habang nakapikit at yakap-yakap ang aking unan.
Baka kapag pumasok si Mama dito sa kwarto ko iisipin niyang nababaliw na ang anak niya. Kapag talaga bagong gising ako, ang lalim ng mga iniisip ko.
" Sean! Bumangon ka na! Nawalan ng kuryente kailangan mong mag igib! " Napabalikwas ako sa aking higaan. Nagdasal muna ako at agad na nagtungo sa kusina.
Yumakap ako kay mama mula sa likoran niya.
" Kumusta na po ang pakiramdam niyo ma?" Malambing kong tanong sa kanya.
" Hindi na ako nahihilo anak kaya okay na ako. Sige na mag-igib ka na." Hinalikan ko muna sa pisnge si mama para umalis na at mag-igib nang tubig sa malayong balon.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Troy. May bitbit din itong dalawang malalaking balde na may lamang tubig. Kaya bilib na bilib ako sa isang to' kase kahit na mayaman sila at marami silang katulong ay di parin siya nagdedepende sa kanila. Ganun siya ka humble.
" Harold Sean! " Sigaw niya sa buo at kompleto kong pangalan. Napalingon ako sa paligid para hanapin ang sasakyan niya. At nakita ko ang itim na SUV nila na nakapark, may lamang mga container ito na puno ng tubig.
" Kumusta? Ang layo naman ng pinag-igiban mo Choy. Dito pa talaga sa baryo namin." Tumigil kaming dalawa, napakamot siya sa kaniyang batok at napabikit-balikat.
" Ayos lang naman choy, staka i don't want to bother their free time. Kahit na sweldado sila ng Ama ko, deserve pa rin nila magpahinga." natawa ako sa sinabi ng kaibigan ko. "Staka, ginagawa ko rin 'to dahil ayokong magmukhang señorito sa bahay. Naeenjoy ko naman mag-igib."
Napapalakpak nalang ako sa huling sinabi niya. Nakakaproud naman.
"Ang bait naman talaga ng Troy namin. Kaso, kawawa ang maglalaba sa damit mo kase naputikan. Bakit ba kase puting t-shirt sinuot mo. Staka mag-iigib ka lang naman, ano bang ginawa mo? Tumalon ka ba sa balon at naglalaro ng putik sa loob?" natatawang saad ko, napakamot siya sa kaniyang kilay habang tinitignan ang puting damit niya na nagkaputik.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...