Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso na ako sa bahay upang mag bihis. Pagkarating ko ay naabutan ko si Kuya Yunever na kinukuha ang mga damt namin na nakasampay sa labas ng bahay. Si mama naman ay nasa loob lang at nanonood ng teleserye. Nagmano muna ako kay mama bago ako pumasok sa cr upang linisan ang sarili ko.
" Sean, pagkatapos mo riyan ay pumunta kayo ng Kuya mo sa sentro upang mamalengke ha! " Sigaw ni mama mula sa sofa.
" Opo!" sagot ko.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang basket. Nag picture ako kasama nito at isinend ko ito kay Hera gamit ang messenger. Kinakabahan pero dapat walang masayang.
Sean:
Mamamalengke muna kami ni Kuya, Hera.
Mananghalian ka na diyan, huwag magpalipas ng gutom okay?Hiningi ko na ang facebook account niya kagabi para kapag tumagal-tagal na ay makakapag face time na kami. Hindi rin naman siya nag dalawang isip na ibigay ang account niya saken.
Excited na ako choy. Pakapalan na to ng mukha, si Hera na to e.
Nakita kong tinignan niya na ang chat ko sa kaniya pati na rin ang picture ko. Ibinaba ko na ang cellphone at lumabas na. Pagtatawanan niya kaya yon? Pero alam ko namang mabait si Hera. Pero what if? Ay bahala na 'to choy.
" Mukhang may pahinga ka na Sean ah. Kakagaling mo lang ng trabaho expected na pagod ka pero kita mo naman nakangiti ka pa ngayon." Pang-aasar ni Kuya sakin.
" Ibinigay siya ni Lord sakin kuya para may taga pawi ng pagod ko bukod sa inyo ni Mama. " Nakita kong nag ngising aso siya. Napatawa nalang ako.
Pagkatapos naming mamalengke ay tumungo kaagad ako sa kusina upang magluto ng tanghalian.
" Ang sipag ng anak ko ngayon ah " si mama habang tinutulungan ang kuya ko na hugasan ang mga gulay na nabili namin.
" Tama lang na siya ang magluluto Ma. May inspirasyon na yan e. Tignan mo ang lapad ng ngiti. " mas lalo akong napangiti sa sinasabi nilang dalawa.
" Ayy, totoo ba Sean? Hay nako, ipakilala mo naman iyan saamin ng Kuya mo! " Dagdag ni Mama.
" Hindi ko pa po siya girlfriend Mama, hindi ko rin pa po siya nililigawan. Nag-uusap pa lang po kami. Kinikilala muna ang isa't-isa ganun. Kaibigan sa madaling salita." Paliwanag ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa sabay napangiti.
" Ligawan mo na Sean, baka maunahan ka. " Pananakot ni Kuya. Napasimangot ako.
"Kaibigan nga lang turing niya saakin, Kuya e." napanguso ako.
"Ayay! Kaibigan." tumawa ang kuya ko. "Ayos lang yan, diyan naman nagsisimula lahat e. Alangan namang biglain mo."
Napatango-tango ako sa sinabi niya.
"Tama ka rin naman. Pero baka hanggang doon lang talaga, Kuya."
"Sus, wala pa naman kayang sinisinta? Kung wala edi may pag-asa ka!"
" Mukhang may nakauna na nga kuya e. Pero syempre hindi ako susuko, makukuha ko pa naman siya siguro. Kung gusto niya rin ako." Alam ko namang mahihirapan ako pero nasa gitna ako ng take the risk or lose the chance at syempre sa take the risk ako, sasamahan ko rin ng dasal.
"Ayos lang yan. Huwag kang mawalan ng pag-asa." saad niya sabay tapik sa balikat ko. "Huwag kang mawalan ng pag-asa na ma friendzone."
Sumimangot ako sa sinabi niya.
Sa kalagitnaan ng pagluluto ko ay biglang tumunog ang aking cellphone. Nawala ang naramdaman kong lungkot nang mabasa ko ang pangalan ni Hera.
Hera:
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...