We spend 2 hours na akyatin ang Mt. Dinagsaan. Sumikat na talaga ang araw ng makarating kami sa tuktok. Agad na nagsilabasan ang mga camera para kumuha ng mga litrato.
" Sean! Picture tayong apat! " masayang sigaw ni Troy habang hawak niya ang camera. Lumapit kami ni Larnie at Kingkoy sa kanya nang magkaakbay. " Ninya, picturan mo kami."
" Sure! Sige ready. 1..2..3..pose! "
" Kunwari nagtatawanan tayong apat." suhestiyon ni Kingkoy. Agad naman na nagtawanan kaming apat habang tinitignan ang isa't-isa. " Isa pa, iyong posing ni Jack at Rose sa titanic."
" Lakas talaga ng trip ng mga 'to." natatawang saad ni Daren. " Harap kayo sa tanawin para mas maganda ang anggulo." sinunod naman namin kaagad ang sinabi ni Daren.
May kinuhang dalawang camping chair si hera at inilagay niya iyon sa harap namin. Agad na tumayo roon si Kingkoy at Troy, hinawakan ko si Troy sa beywang niya at si Larnie naman kay Kingkoy. Nagtatawanan sina Daren sa likod namin. Napangiti ako nang marinig ang tawa ni Hera, sarap sa tenga.
" Titanic, low budget edition." saad ni Kingkoy dahilan upang matawa kaming apat habang kinukuhanan kami ni Ninya ng litrato.
" Kami naman tatlo nila Troy at Daren picturan mo kami Kingkoy! " sigaw ni Ninya. Lumapit ako kay Hera dala ang dalawang camping chair.
" Hera.." tawag ko sa magandang palayaw niya. " Maari bang magpakuha tayong dalawa ng litrato? "
" Oo naman Sean.." nakangiting saad niya at inihanda ang camera niya.
" Ako na! " boluntaryo ni Larnie. " Tumayo kayo tapos harap kayo sa isa't-isa." saad niya sabay kindat saakin. Nagtinginan kami ni Hera, hindi ko mapigilang mapangiti.
" Maari ko bang hawiin ang buhok mo Hera? " tumango siya sa sinabi ko, hinawi ko ang buhok niya habang nakatitig sa berde niyang mga mata. Para niya akong tinutunaw ngayon mula saaking kinatatayuan. Naputol ang pagtitigan namin ng tawagin ako ng Daddy niya.
" Sean! Mag-init kayo rito ng tubig para makapag kape tayo." halata sa boses niya ang inis. Bumaling ako kay Hera, tumango lamang siya. " Ninya, maari mo bang tulungan si Sean? "
" Oo naman po, wala pong problema." saad ni Ninya. Lumapit kaming dalawa sa munting campo.
" Akala ko walang butane." saad niya.
" Bakit, hindi ka ba marunong mag-"
" Marunong ako, sadyang mas madali kapag butane ang gagamitin." depensa niya sa kaniyang sarili dahilan upang matawa ako. Lumapit ang Daddy ni Hera saamin para ilahad ang tubig, disposable na baso, at mga kape.
" Uy, bakit namumula ang pisngi mo hija." gulat na saad ni Engr. Rain. Tinignan ko ang pisngi ni Ninya, pero wala naman akong nakitang pamumula.
" Hala, h-hindi po. " saad ni Ninya at bakas sa boses niya ang nerbyos. Tumawa si Engr. Rain.
" Aminin mo nga hija, may gusto ka ba kay Sean? " natahimik si Ninya sa tanong ni Engr. " Huwag kang mag-alala, wala namang masama kung magkagusto ka sa binatang ito. Diba Sean? " napatitig lamang ako sa kaniya, napawi ang mga ngiti niya. Ano ang ibig niyang iparating? Bumaling ako sa kinaroonan ni Hera, nakaupo siya sa camping chair at nakatuon ang atensyon niya saamin ngayon.
" Siguro po. Normal lang naman siguro 'yon.." mahinahon kong sagot, muling bumalik ang ngiti sa mukha ni Engr. Rain.
" Hija, don't worry. Mabait itong si Sean, staka tignan niyo naman sa ginagawa niyo rito ngayon. Para kayong magkasintahan! Bagay na bagay! " masigla niyang saad. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, naguguluhang napatingin ako sa mga kaibigan ko. Pero nakikinig lang din sila. " Hija, sa nakikita ko ngayon, aminin mo nga.."
YOU ARE READING
You are the Reason
RomansaPaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...