Kabanata 7

9 4 0
                                    



Hindi na nakapalag ang mga kaibigan ko at umuwi na nga kami. Natulog lang kaming apat sa byahe tapos ang nag maneho sa sasakyan nila Troy ay ang Tito niya. Pagkauwi ko sa bahay ay wala si mama, si kuya naman ay tulog. Hindi ko nalang siya ginising at nag bihis na ako ng pampandagat  dahil kailangan kong manalyada para may maiulam kami.

Gamit ang bangka namin ay mabilis akong nagbugsay patungo sa bintol.  Inangat ko muna ang net para makuha lahat ng isda at kay buti ng panginoon ay marami akong nakuha.
Pagkatapos ay kaagad kong ibinaba ang ilaw sa kinailaliman para ma attract ang mga isda.

Nilinisan ko muna ang bintol saka ako nag pasya na umuwi na. Medyo madilim na nang maka-uwi ako. Payapa ang dagat at walang alon kaya mabilis akong nakarating sa baybay. Nag handa na kaagad ako para sa hapunan namin. Wala parin si mama sa bahay tapos si kuya ay nawala din.

Lumipas ang ilang minutong paghihintay ay dumating si Kuya. May bitbit siyang balde na puno ng tubig.

" Oy sean, nakauwi ka na pala. Bakit hindi ka  nagpahinga kanina e ang layo ng byahe niyo. Baka bukas magkasakit ka. " Si kuya na ngayon ay hinuhugasan na ang mga pinggan na nagamit.

" Hindi kase pwede na magpahinga bro dahil baka wala tayong maiuulam. " Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya.

" Bait talaga ng utol ko. Kumusta ang hiking niyo? " Kunot noong tanong ni Kuya saken habang naghuhugas parin siya ng pinggan at ako naman ay nagliligpit sa lamesa.

" Nakakapagod tol pero masaya naman. Umulan pa nga e kaya kami naabotan ng 3 days. Tapos madulas ang mga daanan at masukal din ang gubat kaya nahirapan kami konti. " Mahabang paliwanag ko kay kuya. Umupo na ako sa upuan ngayon at pinapanood nalang siya.

" Oo nga pala, nasaan si Mama? " Tanong ko kay kuya. Napatigil siya at lumingon saken.

" Nga pala, nangutang yon ng bigas kase wala na tayong bigas. Wala narin akong pera tol dahil ginastos ko sa aking pag-aaral. Pasensya na at wala man lang akong naiambag. " Tinanguan ko lang si Kuya saka nagpaalam na akong pumasok muna sa loob para makapagpahinga ako konti.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko kaso naalala ko ang crush ko. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Halatang wala akong pag-asa. Baka nga di na kami magkikita pa. Hays.

Naisip ko rin na bukas ay mangangarpintero na naman ako kase kailangan. Ayaw pa naman namin ni Kuya na magkakautang kami kase lagi kaming pinag-uusapan ng mga kapitbahay namin.

" Huwag kang mag-alala ma, babayaran ko utang natin. Kami na bahala ni Kuya. " Mahinang bulong ko saaking sarili. Nagdasal muna ako kase alam kong makakatulog na ako dahil sa pagod na aking naramdaman.

" Sana Lord, malalaman ko na ang buong pangalan niya. Sana safe siya ngayon. Alagaan mo siya Lord dahil baka magkasakit siya bukas. Sana rin ay hindi niya kasintahan yung nakita ko kanina. Kase kung kaisntahan niya yon, wala na talaga akong Chance. Sana talaga Lord may chance ako. Sana siya na. Amen."

" Sean, di ka ba kakain? " Rinig kong sigaw ni Kuya sa labas.

" Bukas nalang, nakakapagod talaga. " Sagot ko sa kanya.

" Sige, ako na ang bahala dito. Magpahinga ka na muna. " Pagkatapos non ay hindi na ako sumagot pa. At tuluyan ko nang ipinikit ang aking dalawang mga mata.

Kinabukasan ay agad akong tumulong sa kusina. Wala ding nabanggit si mama na utang niya at alam kong ayaw niya lang sabihin. Nanatili kaming tahimik ni kuya hanggang sa kailangan ko nang umalis at pumunta sa karatig baryo upang mangarpentero.

Pagkarating ko doon ay sakto at naabutan ko ang pagpupulong nila.

" Every 9am at 3pm ay mag memeryenda kayo. Huwag kayong mag-alala sa sahod ninyo, ako na ang bahala sa lahat. Basta gawin niyo lang ng maayos ang trabaho ninyo. " Paalala ng amo namin.

" Opo! " Sagot naming lahat.

Bale pito kaming nagtatrabaho. Ako naman ang taga buhat ng mga semento at grava. Hindi na bago saakin kaya madali ko nalang itong nagagawa. Ang amo nga pala namin ay taga Maragusan, nagpagawa siya ng house niya para may matutuluyan sila kapag bumibisita sila dito.

Sa hindi inaasahan ay biglang dumating si Troy. Malaki ang ngiti niya habang papalapit saken. Ano na naman kaya trip neto. At ang chismoso, nalaman niya kaagad na nandirito ako ngayon.

" Oh, naparito ka? Diba mayaman ka? " Pang-aasar ko sa kanya. Ngunit hindi natinag ang ngiti niya at may inabot siya sakeng papel.

" Oh torpe, ayan na. Hiningi ko number niya kahapon. Nalaman mo na sana kahapon pa kaso ang gago mo dumiretso ka kaagad sa bahay niyo.

" Tss, kanino to? " Kunot noo kong tanong sa kanya habang binubuksan ang papel.

" Sa crush mo. Hiningian kita ng cellphone number niya. Diyan mo pormahan. Wag mo sabihin saken na naduduwag ka kase uupakan na talaga kita. " Pang-aasar niya.

" Ulol ka ba, pano ko matatawagan ang number niya kung wala akong cellphone. Tanga mo talaga Troy. Kung hindi papalpak tatanga naman." Reklamo ko sa kanya. Narinig ko ang tawanan ng aking mga kasamahan. Nakita ko rin ang inis sa mukha ng kaibigan ko.

" Bibilhan kita ng cellphone. Tapos pormahan mo kaagad ha. Huwag maging duwag. Dyan ka na punta lang ako sa Panabo bibilhan na kita labo mo palagi.  " Napangiti nalang ako sa kaibigan ko. Itinago ko kaagad ang papel sa bulsa ko saka ako nagpatuloy sa aking trabaho. Buti di masungit amo namin lagot na sahod ko.

Tama, eto na ang chance ko para makilala pa siya. Yes! Thank you Lord.

You are the Reason Where stories live. Discover now