Lumapit silang dalawa saakin habang tumatawa pa rin. Nagtaka kaming tatlo nang makitang tumatawa pa rin si Kuya Yunever. Lumapit kami konti, nagulat ako nang makita na naroon pala si Troy. May bitbit siyang Tupperware at tumatawa rin, nakaupo siya harap ng aming pintuan.
Lumapit si Kingkoy sa kaniya." Andyan ka pala, bakit hindi ka namin nakita? " mas lalo lang natawa si Troy at Kuya sa tanong ni Kingkoy.
" Tama na...ang sakit na ng tiyan ko." natatawang saad niya, pulang-pula na ang mukha ni Troy ngayon. Tinulungan siya ni Kuya Yunever para makatayo.
" Anong iyang dala mo? " tanong ko. Natatawa pa rin si Troy. Umupo si Kingkoy at Larnie, nilaharan sila ni Kuya ng tubig.
" Diba sabi ko kagabi na dadalhan ko ng meryenda si Tita? Gumawa ako ng fruit salad. " proud na ngumiti si Troy saakin. Lumapit ako sa kaniya at binuksan ang Tupperware, may fruit salad nga at mukhang masarap ito. " Huwag niyo munang kainan, dapat si Aunty ang unang makakatikim. Para sa kaniya naman 'to."
" Parang sinasabi mo naman ngayon saamin na para sa kaniya lang 'yan lahat." saad ni Kuya sa nagtatampong boses. Sumang-ayon kami nila Larnie. Ngumuso si Troy.
" Hindi sa ganun, ang punto ko huwag niyo munang kainan dahil gusto ko si Aunty una makakatikim. Hindi sa ayaw ko kayo pakainin." paliwanag niya.
Lumapit si Kuya kay Troy at inakabayan siya. " Ibigay mo na saakin 'yan Troy kase aalis naman kayo hindi ba? " nagtatakang lumingon si Troy saaming tatlo.
" May itatayong bagong bintol. Aalis na kami ngayon, alam mo naman naghahanapbuhay itong mga kaibigan mo." saad ko sabay kindat. Ibinigay niya ang Tupperware kay Kuya, agad na tumungo si Kuya sa ref.
" Sasama ako." seryoso niyang saad. Nagtinginan kami nila Kingkoy. Natawa ako nang makitang hinihilot ni Larnie ngayon ang paa ni Kingkoy.
" Sasama ka? Maghahanapbuhay ka rin? " sunod-sunod na tanong ni Larnie. Tumango si Troy.
" Mag-ingat kayo roon. " wika ni Kuya habang naghuhugas na ng plato.
" Edi tara, mas maeenjoy na tin ang pagtatrabaho kung magkasama tayong apat." tumayo si Larnie, tinulungan kong makatayo si Kingkoy.
Magkasabay kaming apat na pumunta sa baybayin para tulungan ang iba pang mga kasamahan namin na ilipat ang mga banata, lubid, at kawayan sa gaket. Ang mag-asawa naman na may-ari ng ipapatayong bintol ay hinahanda ang iba pang mga kagamitan.
" Troy! Bilib talaga ako saiyo! " sigaw ni Manong Rico. Ngumiti si Troy.
" Aba, hindi ko inaasahan si Troy dito ah! " gulat na saad nang isa pa naming kasama na taga rito lang sa baryo namin. Nagtawanan kaming lahat.
" Nag-aalala po kase ako. Baka kapag di ako makakasama kina Sean, wala kayong katrabaho na gwapo at matipuno na kagaya ko." mayabang na saad ni Troy, pasan niya ngayon ang mabigat na banata sa likod niya. Inalalayan ko siya.
Nang makarating na kami sa pwesto kung saan namin itatayo ang bintol, kaagad na nagsimula na kami. May taga lahad ng mga kawayan at may taga sisid naman para masigurong mailibing talaga ng husto ang kawayan sa sahig ng dagat. Hinubad ko ang aking damit at inilahad iyon sa isa sa mga kasamahan namin.
" Kaya gusto kong maging mangingisda e, mas maganda pa katawan mo kesa sakin na naggigym araw-araw." pabirong saad ni Troy. Humalakhak ako.
" Hindi lang sa pangingisda 'to Choy, carpentero din 'to. " saad ko tsaka mayabang na flinex ang biceps ko sa harap niya. Nagtawanan kaming dalawa.
Tumalon ako at hinintay ang kawayan para maiugsok ko na sa ilalim. Si Kingkoy at Larnie naman ay sabay na hinubad na rin ang pang-itaas nila. Kitang-kita ko kung paano nainis si Troy sa kaniyang nakita.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomansaPaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...