Chapter 3
Pagkatapos naming makumbinsi ang mga magulang ni Kingkoy ay napagpasyahan ko na umuwi na. Pagkauwi ko ay tinulungan ko na si Kuya sa mga gawaing bahay. Si Mama naman ang nagluto ng makakain namin.
Mabilis ang paglipas ng mga araw at dumating na ang araw ng aming pag-alis.Madaling araw palang ay umalis na kami ng mga kaibigan ko mga around 1:00 am bumyahe kami. Saaming magtotropa si Troy ang yamanin, marami silang mga ari-arian. Simple lang ang bahay nila pero marami silang awto. Kaya sa pag byahe namin, awto nila ang aming gamit kaya 2:50 am nakarating na kami sa Jollib site dahil doon raw ang meet-up para sa mga aakyat.
Ako, si Troy, Kingkoy, at Larnie ang napabilang sa 1st Batch kaya sobrang swerte namin. Narito narin ang tatlong pinsan ni Troy na sina Ninya, Mella, at Daren. Noong na kompleto na kami ay napagpasyahan nila na mag travel na papunta sa San Isidro Davao Oriental. Pagkarating namin doon ay hindi ko maiwasang mamangha. Tahimik lang ang lugar pero maganda.
Pagkarating namin doon ay nag breakfast muna kami tsaka nagkaroon ng Orientation para sa safety narin. Pagkatapos ng Orientation ay nagsimula na kami sa pag-akyat dala-dala ang mga mabibigat naming bagahe.
" Feel ko talaga tol dito ko matatagpuan ang aking future." Paninimula ni Kingkoy. Natawa kami sa sinabi niya.
" Yan ba ang pinunta mo dito? " Pang-aasar ni Troy sa kanya.
" Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga. " Muli kaming napatawa sa sinabi niya.
" Ikaw pre, total magkasama naman tayo edi magtatanong na ako. " paninimula ni Daren. Bilib nga pala ako sa isang to kase napaka daldal. Unang kita palang namin to pero close na agad kami.
" Ano ineexpect mo dito? " napakunot ang aking noo sa tanong niya.
" Ineexpect ko? Ano pa ha edi mga magagandang tanawin. Tsaka, first time ko to eh kaya excited ako ano ang mga haharapin natin. " Mhaba kong paliwanag kay Daren.
" Tologo boh? " si Ninya sabay pakita sa nakakasar niyang pagmumukha. Tinanguan ko siya.
" E kayo ano ineexpect niyo rito? " pabalik kong tanong sakanila.
" Sakit sa katawan pre! " Mabilis na sagot ni Larnie Natawa nalang kaming lahat.
" Magiging worth-it din ang 3 days na ito promise. " sabat ni Ninya.
" Sana nga, di pa tayo nakakalayo pero sumasakit na ang mga binti ko. " reklamo ni Kingkoy.
" Maging malakas ka tol para hindi sayang ang aming effort sa kakakumbinsi sa mga magulang mo na payagan ka. " saad ko habang tinatapik ang balikat niya.
Nagkukwentuhan lang kami habang naglalakad. Ang aming guide naman ay panay discuss sa aming mga nilakaran at mga gagawin namin kapag umulan kase umaambon na. Sabi niya ay baka magkatagpo ang grupo namin at ang grupong kakasimula palang kase kailangan naming sumilong sa camp 4.
Habang naglalakad kami ay papalakas nang papalakas ang ambon hanggang sa umulan na. Buti na lang at nakaabot kami sa camp 4. Mga 35 minutes simula nung nakasilong kami ay dumating ang grupo na tinutukoy nang guide namin kanina. Basang-basa silang lahat at yung iba ay nanginginig na. Napukaw nang atensyon ko ang isang babaeng maputi, sobrang puti. Sobrang ganda niya at nagdadalawang isip ako kung tao ba siya o engkanto na nabasa sa ulan. Kung wala siyang dalang bagahe at hindi siya nanginginig mapagkakamalan ko siyang engkanto.
Napanganga ako nung nagtama ang mga mata namin, parang huminto ang lahat. Bumilis ang tibok ng aking puso at parang may kung anong nilalang sa aking tiyan. Tumitig lamang siya saakin. At ang mga mata niyang kulay berde ang nagtulak saakin upang lapitan siya. Hindi ko alam...nababaliw ako...may mga sarili utak ang aking mga paa...papalapit na ako sa kanya at habang papalapit ako para akong unti-unting natunaw sa mga tingin niya.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...