Kabanata 25

10 3 0
                                    

Kinunan ko si Hera ng litrato habang nakatayo siya sa bangka namin. Sinabi ko na gayahin niya si Rose from the Titanic, nagtatawanan pa kami dahil pabiro kong kinakanta ang My heart will go on.

At ang ganda nga ng naging resulta dahil inilugay niya ang kaniyang buhok. Nakangiti pa siya habang dinadama ang hangin, at nakataas ang dalawa niyang mga kamay. The captivating colors of orange, yellow, and pink reflects the water, which makes the picture of Hera appear ethereal and luminous.

Hindi ko maiwasang makurot ang aking sarili para isigurado na hindi ako nananaginip. Patagong tinampal ko ang aking mukha para sana gisingin ang aking sarili saaking imahinasyon dahil baka guni-guni ko lang ang aking nakikita ngayon. Subalit hindi ako nananaginip, gising ako at totoo ang mga nakikita kong pangyayari. Totoong kasama ko si Hera sa bangka habang hinahangaan namin kung gaano kaganda ang nagbabagong kulay ng kalangitan sa papalubog na araw.

Ngunit, mas pinagtutuunan ko ng pansin ang babaeng ginawang malandi ang matagal nang torpe kong puso. Ang babaeng may kagandahan na mahahalintulad ko sa kahiwagaan ng kalikasan.

At...hindi niya na kailangan pang lumapit sa'yo, dahil mga mata niya mismo ang magtutulak saiyo papalapit sa kaniya nang hindi mo namamalayan. Naiiba siya sa lahat....at walang makakapantay sa natatangi niyang kagandahan.

Nangmakarating kami sa bahay ay naabutan namin si Mama na naghahanda para sa pag-alis niya upang pumasok sa kaniyang trabaho. Muntikan niya pang mabitawan ang kaniyang bitbit na baso nang makita niya kami ni Hera. Natulala siya saglit at napaawang ang kaniyang labi.

Naiintindihan kita Ma, normal lang ang naging reaksyon mo. Si Heaven Rain Perater ba naman ang kaharap mo at kasama pa ang mabait at gwapo mong anak.

"Hello po, magandang hapon po...sorry if nagulat ko po kayo saaking biglaang pagbisita." mabait na saad ni Hera. Lumapit si Mama saamin at pinamano niya si Hera, hindi siya makapaniwalang napatingin saakin.

Pati ang mga kumare niya ay nakadungaw na rin saaming bakoran.

"I-Ikaw ba si Hera, langga?" paninigurado ni Mama, natawa ako sa sinabi niya. Tumango naman si Hera dahilan upang mapahawak si Mama sa kaniyang dibdib."Napaka ganda mong bata ka... sobrang ganda mo. Mukha kang....mukha kang fairy sa ganda mo. Kung hindi ka gagalaw mapagkakamalan kitang barbie doll."

Tumawa si Hera sa sinabi ni Mama. "Thank you po sa compliment..Aunty..." hinawakan pa ni Mama ang mga kamay ni Hera.

"Iyong mata mo ba langga totoong kulay ba iyan ng mga mata mo?" kuryusong saad ni Mama at sinuri-suri pa niya ang mga mata ni Hera.

"Ganyan po talaga ang kulay ng mga mata niya Ma." singit ko. Nabigla pa si Mama at tinanong niya pa si Hera kung totoo ba ang sinabi ko. Nagulat siya nang malaman niyang totoo na kulay berde ang mga mata ni Hera.

"Nako...Sean alagaan mo ng mabuti si Hera ha? Kase kailangan ko nang umalis. Siguraduin mong walang kahit anong insekto ang dadapo sa kaniya. Ipasyal mo siya, at mag-ingat kayo." sunod-sunod na wika ni Mama. Tumango ako sa sinabi niya.

"Oo nga po pala Aunty... pumunta po kayo bukas para sa ika 23th Birthday ko. Ako na po ang bahala sa sasakyan niyo." nagdadalawang-isip pa si Mama kung papayag ba siya pero si Hera ayaw magpaawat, gusto niya talagang pumunta si Mama. Walang nagawa si Mama kundi ang pumayag dahil hindi niya raw matiis si Hera.

Nang makaalis si Mama ay nag-saing muna ako at nagluto ng calderetang manok para sa haponan. Napagpasyahan kong ipasyal muna si Hera at dalhin sa bintol.

Pagkarating namin, ay hindi ko inaasahang makulit pala siya. Gusto niyang siya ang mag-angat sa malaking net kahit na hindi ko siya pinahintulutan dahil baka madala siya dahil mabigat ang net. Pero makulit siya, kaya wala akong nagawa kundi ang alalayan na lang siya.

You are the Reason Where stories live. Discover now