Chapter 5.
Sinabi ng aming tour guide na malaki ang tyansa na mabisita namin ang Black Mountain at Twin Falls dahil sa pag kalma ng panahon. Iyon ang naging motibasyon ng ilan sa amin despites sa mga pains na aming naramdaman during sa aming pag-akyat kaninang madaling araw.
Nagpatuloy kami sa pag-akyat. Makapal parin ang ulap ngunit mas maganda ito dahil hindi kami naiinitan. Maraming mga iba't-ibang halaman ang aming nakita at nadiskubrehan. Nag-uusap ang lahat at mukhang andali lang naming napapalapit sa isa't-isa. Strangers is the best nga, yung iba man ay hindi ko kilala at hindi rin namin alam kung saan kami nanggaling pero isa lang ang nasa isip namin ang makaakyat sa Mount Hamiguitan ng magkasama at makakita pa ng maraming tanawin ng sama-sama.
Hindi ko maalis sa aking isipan ang babaeng nakilala ko. Kakameet ko lang sa kanya pero may nararamdaman akong strong na feeling na mapalapit sa kanya at makilala siya. Wala akong pake kung ano ang estado niya at kung ano ang ugali niya, i'm willing to accept her and i am willing to love her flaws and imperfections. Kahit alam kong nasa big trouble ako at isang pagkakamali ko lang baka pwede siyang mawala saken.
Ewan ko ba, may mga past relationships naman ako pero hindi nagtagal dahil sa kulang sa trust. Pagtitiwala ang pinakamahalaga sa relasyon, kase kung wala kayong tiwala sa isa't-isa at puro nalang kayo duda, diyan talaga papasok ang komplikadong sitwasyon na hindi niyo inaasahan. Pero sa babaeng nakilala ko lang ng segundo? Willing kaagad akong mag take ng risk kahit ilang beses na akong nabigo sa pag-ibig. At dumating sa punto na hindi na ako naniniwala sa pag-ibig. Pero noong nakita ko siya, naramdaman ko ang mga hindi ko naramdaman noon. At siya lang, siya lang ang nagparamdam saakin non.
Ilang kilometro rin ang aming nilakad ay nakarating kami sa Black Mountain. Inilabas ni Troy ang kanyang Camera at kinunan ito. Nagpakuha narin kaming magtropa ng litrato. Malaki ang ngisi sa mga labi namin. Para saamin isa itong achievement, kahit na madulas at delikado ang aming dinaanan ay nakapunta parin kami rito. At para saaming mga first timer except kay Troy na mahilig mag hiking ay isa itong achievement.
Pagkatapos ng aming pag appreciate sa kalikasan ay tumungo na kami sa Twin Falls. Sinabi ng aming tour guide na mag-ingat kami kase madulas ang daan, kwenento niya rin saamin ang history ng lugar na ito, at hindi namin maiwasang mamangha. Dito ko narealize na hindi lang basta maganda ang kalikasan, misteryoso rin ito.
Hapon na nung makapunta kami sa Camp 3. Pagkapunta namin roon ay kumain kami ng hapunan. Ang iba ay natulog na at ang iba naman ay nag-uusap pa ng kung ano-anong nakakatakot na mga experience nila. Lumabas ako sa Camp, may nakita akong upuan kaya umupo ako roon. Hindi ko maiwasang mamangha sa kalangitan, kani-kanina lang ay nagdidilim ang paligid dahil sa makapal ma ulap pero ngayon ay nagsiilawan ang mga bituin sa langit.
Matagal rin akong nakatitig sa langit hanggang sa may biglang tumawag sa pangalan ko. Napalingon kaagad ako sa tumawag saakin. Si Larnie lang pala. May bitbit siyang dalawang cup noodles.
" Ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinahanap sa loob, andito ka lang pala. Akala namin bumalik ka pababa para salubungin ang grupo ng crush mo na papunta na dito." Napailing ako sa kanyang sinabi. Lumapit siya at tumabi saakin ng upo.
" Sayo yang isa, kumain ka. " Natawa ako sa kanyang inasal. Nilingon niya ako at nakita ko kung paano siya nag ngisinh aso.
" Ano yan pre, Princess Treatment? " pang-aasar ko sa kaibigan ko. Sabay kaming napahalakhak.
Si Larnie, Kingkoy, Troy, at ako ay magkababata. Noon paman ay malapit na kami sa isa't-isa, sabay kaming lumaki at nasaksihan iyon ng aming mga magulang. Kaya malapit na malapit kami sa isa't-isa.
" Oo nga pala, kaya ako nandito kase inaapreciate ko yung kalangitan." Pagkasabi ko ay tumingin rin si Larnie sa kalangitan.
" Eyhhhh, Nature lover na talaga ang kaibigan ko. Hindi ka ba natatakot dito? " Tanong niya sakin habang nagsimula ng kumain ng noodles, sumubo na rin ako at humigop ng sabaw. Sarap.
" Hindi, walang dapat katakutan. Tsaka may tiwala ako sa Diyos ." Nakita ko ang asar sa mukha ng aking kaibigang si Larnie. Lumingon-lingon pa siya sa paligid. Natatawa ako habang ginagawa niya iyon. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng ingay, sabay kaming napalingon sa isa't-isa.
" Teka, galing sa gubat iyon ah" Takot na saad ni Larnie habang nakatingin parin saakin.
" Sus, bakit ka ba natatakot. Wala ngang dapat katakutan." Saad ko sa kaibigan ko.
" Tsaka baka Tarsiers lang, naglalaro lang siguro. " dagdag ko pa at kumain muli ng noodles.
" Hindi talaga pre. " muli kaming nakarinig ng sunod-sunod na ingay at tunog ng kung anong hayop sa kagubatan. Nakita ko kung paano nanginig ang mga tuhod ng aking kaibigan at kung paano siya namutla. Tinawanan ko siya sa hitsura niya.
" Tara na pre, nakakatakot na rito. Tara na, seryoso talaga ako." Pang-aaya niya saakin, niyuyugyog niya pa ang braso ko. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng noodles. Nang biglang may bumagsak sa aming likoran dahilan upang mapatakbo kaming dalawa. Di naman talaga ako matatakutin eh, pero dahil sa kaibigan ko natataranta na rin ako. Wala pang 10 seconds ay nakapasok na kami sa camp. Bitbit niya ang cup noodles habang ako naman ay nakasubo parin sa aking bunganga ang noodles at hawak-hawak ko rin ang cup.
Pagpasok namin ay kinain kaagad kami ng hiya. Nawala ang takot saaming dalawa at napalitan ito ng hiya, dahil naabutan namin ang mga grupo na umuupo sa upuan ng camp at lahat sila nakatingin saamin ni Larnie. At ang malas pa ay nandito ang crush ko! Nagkatitigan kaming dalawa, nag bow ako sa kanya at unti-unti kong nginuya ang noodles at sabay kami ni Larnie na napatakbo sa kwarto namin.
Gusto ko nalang maging hotdog sa freezer dahil sa kahihiyan. Nakakainis naman! Pagpasok namin sa kwarto ay sabay kaming napatalon-talon sa hiya. Nakita namin kung paano kumunot ang noo nila Troy at Kingkoy habang pinagmamasdan kaming dalawa na sinasabunutan ang sarili at binabaon ang mukha sa unan.
Nakakahiya talaga.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...