Pagkatapos naming kumain ay inaya ako ni Doctora Wilysa na makipag-usap muna sa kanya kasama si Hera. Agad naman akong pumayag. Dinala ko sila sa tabing-dagat kung saan ay mga lamesa at upuan roon. Nasa harap ko nakaupo si Doctora at si Hera.
" Pasensya na po kayo Doc kung nagulat ko kayo kanina. Pasensya na kung nawala ang gana ninyo sa pagkain.." mahinahon kong saad. Seryoso lamang si Doctora na pinagmamasdan ako ngayon.
" Ngayon, gusto kong malaman kung bakit gusto mong ligawan ang anak ko. Ipaliwang mo saakin. " saad ni Doctora. Inilipat ko ang aking tingin kay Hera. Pulang-pula ang mga mata niya at kitang-kita kong nanghihina siya. At nanghihina rin ako sa tuwing nakikita kong umiiyak siya.
" Bago lang po kami nagkakilala ni Hera Doc, nagkakilala kami noong mag hiking kami nila Troy. Noong nakita ko si Hera, maniwala man kayo sa hindi pero nahulog kaagad ako sa kaniya. Hindi man namin pa masyadong kilala ang isa't-isa pero alam ko po na mabait si Hera." paninimula ko. Nakikinig lamang si Doctora.
" Tinulungan ako ng mga kaibigan ko upang muli kaming makapag-usap. At doon nagsimula na mag-usap kaming dalawa. Gusto ko pong ligawan ang anak ninyo hindi dahil gusto ko lang siyang maging girlfriend, sabihin niyo man po na nahihibang ako ngayon pero gusto ko pong makasama siya habang buhay.." mahaba kong paliwanag.
" Magpatuloy ka, sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin." ani ni Doctora. Gumaan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya. Napawi ang kaba ko.
" Inaamin ko pong nagduda ako sa sinabi ng asawa ninyo kanina na wala siyang tiwala kay Hera. P-Pero kung ano man po ang nasa likod ng sinabi niya, ipagpapatuloy ko po ang panliligaw ko kung papayagan niyo ako. H-Hayaan niyo pong mahalin at alagaan ko si Hera habang buhay Doctora.." hindi ko alam pero hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaluha. Narinig ko ang hikbi ni Hera.
" Alam ko naman na mabuti kang binata. Pero nasa kay Hera ang pasya dito. Kailangan mo ring kumbinsihin ang asawa ko. Pero pagdating saakin, payag a-ako." mahinang saad ni Doctora.
" M-Ma, thank you.." saad ni Hera sa malungkot na boses.
" B-Bakit ko naman ipagkakait saiyo ang kagustuhan mo Hera, e mahal na mahal kita. Wala akong gustong makita kundi ang maging masaya ka anak. Kung iyan ang m-magpapasigla sa'yo ay ibibigay ko. " nauutal na saad ni Doctora. Yumakap si Hera sa kaniya at humagulhol.
" Pero bago ko iyan, gusto ko munang tanongin ka. Handa ka ba anak? " nakita kong pinunasan ni Doctora ang mga luha ni Hera.
" Opo.." mahinhing sagot ni Hera.
" Harold Sean, handa ka bang tanggapin si Hera? Mamahalin at aalagaan mo ba siya habang buhay? " sunod-sunod na tanong ni Doctora. Agad na tumango ako. Ngumiti si Hera saakin. At hinalikan niya si Doctora.
" Iiwan ko muna kayo rito saglit. Babalikan ko muna ang Dada mo Hera. Harold Sean, maghihintay kami doon. " pagkatapos ay tumalikod na si Doctora at nagsimula ng maglakad. Tumayo ako at lumapit kay Hera. Tumabi ako sa kaniyang pag-upo.
" Pasensya ka na kung nagalit ko ang Papa mo Hera. Gusto kong malaman kung bakit ka umiiyak." ani ko. Biglang humangin dahilan upang mahawi ang buhok niya. Napatitig ako sa kaniya.
" Natatakot ako Sean, na baka katulad ng ibang manliligaw ko ay titigilan mo rin ako...pagod na ako." kitang-kita ko kung paano siya lumuha. Parang nawalan ako ng sigla.
" Maari ko bang punasan ang mga luha mo? " panghihingi ko ng permiso. Tumango-tango siya. Dahan-dahan kong inilapat ang mga daliri ko sa pisngi niya para punasan ang kaniyang mga luha.
" Bakit ka naman matatakot, sa tingin mo liligawan lang kita dahil gusto ko lang? Nililigawan kita hindi para sukuan Hera, nililigawan kita kase gusto kong iparamdam saiyo kung gaano kita kamahal... Nakakasawa mang pakinggan pero tulad ng sinabi ko kanina, nais kong makasama ka habang buhay.." pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay nagulat ako ng bigla niyang isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
YOU ARE READING
You are the Reason
Storie d'amorePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...