Kabanata 4

23 6 0
                                    


Nang makalapit na ako sa kinaroroonan niya ay hindi ko alam pero nakatayo lamang ako ng matuwid habang tinititigan siya. Tumikhim siya dahilan upang mabalik ako sa realidad. Anong ginawa ko??? Ay wala pa pala.

" Hi.." Iyan lamang ang lumabas sa bunganga ko. Para kaseng may bumara sa lalamunan ko at hindi ko alam bakit narito ako sa harapan niya. Sobrang awkward.

" Yes? May kailangan ka? " tumaas ang kanyang kilay. Malalim parin ang mga titig niya at nakakamangha ang kulay ng kanyang mga mata. Buong buhay ko, ngayon lamang ako nakakita ng kulay berdeng mga mata sa personal.

"  W-Wala, ah hinde a-ahh " nauutal-utal ako, nakakahiya na. Parang gusto ko nalang magpalibing ngayon na! Umayos ka Sean, nasa harap ka niya ngayon, huwag kang gumawa ng kahihiyan please lang. Nakita ko kung paano ngumiti ang kanyang mga mata.  Hindi ko parin maiwasang mamangha.

" So? " muli niyang itinaas ang kanyang kilay.

" M-May kape ka ba? " Gago pre! Bakit yan! Naman oh! Sabi ko huwag gumawa ng kahihiyan, nako naman. Napamura nalang ako sa aking isipan sa lumabas sa bibig ko. Nakakahiya.

" Yes, wait. " binaba niya ang bag niya at kinuha niya ang kape roon. Inilahad niya ito saakin. Ang bait niya...nakakahumaling.

" T-Thank y-you.  A-Ahm a-alis na ako ah! Hehe salamat sa k-kape! " mabilis akong tumalikod. Pag talikod ko ay nakita ko ang mga nanunuyang tingin ng aking mga kaibigan.

" ano? " inis kong tanong sa mga kaibigan ko habang naglalakad papalapit sa kanila. Tinago ko ang kape sa aking bulsa.

" Mukhang mauuna ka yata saakin pre. " si Kingkoy na kumindat pa saakin. Nakakaasar.

" Oo nga, may kape ka namang baon, nakalimutan mo yata ah. " Dagdag pa ni Larnie habang humihigop ng kape. Tinaliman ko siya ng tingin.

" Kayo naman, baka ano nakalimutan niya na may baon siya. "  Si  Mella habang nagtitimpla ng kape. Isa pa 'to eh.

" Tsaka, wala namang masama kung manghingi ka ng kape lalo na't sa magandang babe diba? " Dagdag rin ni Daren. Nakita ko kung paano sila nagtanguan.

" Tama-tama. At isa pa hindi naman yan ang pinunta dito ni Sean eh kayo talagaaa." Pang-aasar din ni Troy saakin. Nginiwian ko lang sila at tumabi ng upo kay Ninya.

" Sayang at hindi natin siya nakasama. " pang-aasar ni Mella saakin.

" Oo nga, pero alam niyo ba na kapag kayo talaga ang para sa isa't-isa, hahanap at hahanap ng paraan si Sean? " pang-aasar na naman ni Troy saakin. Nanginit ang aking mga tainga sa sinabi niya.

" Hoy! kayo talaga, Tadhana kase iyon hindi si Sean. " rinig kong sabi ni Daren. Tinawanan lang ako ng mga mokong. Parang nagsisisi ako kung bakit ako sumama rito.

Hindi ko na nakayanan at umalis na ako sa lamesa namin. Nagtungo ako sa banyo para magbihis. Ang sabi kase ng guide namin ay huwag na muna kaming tumuloy dahil mas lalong lumalakas ang ulan. Madilim parin ang paligid sayang at 5:00 am na, maganda sana ito para masaksikan ang sunrise kaso mukhang may sariling plano ang kalikasan at pinatigil niya kami. Baka ang 3 days na goal ay maging 4 days dahil sa ulan. Sana hindi.

Pumunta ako sa likod ng camp para doon muna mamalagi. Malayo sa mga kaibigan kong mapang-asar. Sa likod ng camp ay may mga upuan, walang tao rito kaya mas napanatag ako. Humiga ako sa upuan, hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako sa isang ingay na narinig ko. Parang may isang bagay na gawa sa aluminum ang nahulog kaya napabalikwas kaagad ako. Medyo malabo pa ang aking paningin kaya hindi ko kaagad naaninag kung sino ang babaeng papalapit saakin.

" Sorry, kung nagising kita. " Eto na naman, huminto na naman ang mundo ko. Nang marinig ko ang boses niya ay nakilala ko kaagad ang kumakausap saakin ngayon. Grabe ang epekto sakin nang babaeng ito.

" H-hindi okay lang. Akala ko kung ano na ang nangyari. " Napakamot ako sa aking ulo. Lumapit siya saakin dahilan upang kabahan ako lalo. Nanginginig ang mga kamay ko kaya itinago ko ito sa aking damit.

" Ano ang pangalan mo? " Tumabi siya ng upo saakin. Dumistansya ako nang konti para maging komportable siya.

" P-pangalan ko?" Nauutal na naman ako. Bakit ba pagdating sa babaeng ito nauutal ako.? Tumango siya saakin.

" A-Ang pangalan ko ay Harold Sean Estrada. " Tumatango-tango lamang siya. Kailan ko ba makakausap ang babaeng ito nang hindi ako nauutal?

" Ikaw? " pabalik kong tanong sa kanya at finally hindi ako nauutal.

" My name is-" Hindi niya natapos ang kanyang sinabi dahil umepal ang kaibigan kong si Larnie.

" Pre, andyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap-" hindi niya rin natapos ang kanyang sasabihin nang mamataan niya ang babaeng kasama ko. Gulat na gulat ang kaniyang mukha.

" Anong ginagawa mo rito? " Inis kong tanong sa kaibigan ko. Panira.

" Ako dapat magtatanong niyan sayo hayop ka. Halika na, tumigil na ang ulan kanina pa at kailangan na nating magpatuloy. Isantabi mo muna yan." Wala na akong nagawa kaya tumayo na lamang ako. Nakakainis naman, sana pala hindi muna tumigil ang ulan. Gusto ko pa siyang kausap e.

" S-sorry ha. "  Iyan lang ang lumabas na salita sa bibig ko.

" No worries, mag-ingat ka. " Tumayo ang mga balahibo ko sa aking narinig. Totoo ba? Totoo ba ang narinig ko? Did she just say na mag-ingat ako?

Nginitian ko lang siya saka nag  bow ako sa harapan niya. Gusto kong ipakita  na mataas ang aking respeto sa kanya at ikinagagalak kong makilala siya kahit sa maikling panahon. Nginitian niya lamang ako dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso. Nahihibang na yata ako, kailangan ko na ngang umalis baka mabaliw pa ako lalo.

Yung pangalan niya pala, hindi ko man lang nalaman. Sayang!

You are the Reason Where stories live. Discover now