Lumipas ang mga segundo, oras, araw, gabi, hanggang sa umabot ang pagsasama namin ni Hera ng anim na buwan.
Masaya ang takbo ng aming relasyon, hindi ko naman masasabing perpekto dahil paminsan-minsan ay nagkakatampohan pero humahanap ako ng paraan upang muli kaming magkasundo. Madalas akong pumupunta sa kanila sa Davao Oriental para bisitahin siya. At siya naman ay paminsan-minsan rin ay bumibista saamin.
Kapag bakante ako ay umaakyat kami sa mga bundok para ipahinga ang aming isipan nang magkasama. Naakyat na namin ang bundok ng Mt. Palaopao ng Bukidnon, Lake holon trail ng South Cotabato, Mt. Lumot sa Misamis Oriental, Mt. Talomo, Mt. Apo na susukuan na sana namin nila Hera at ng mga barkada ko dahil sa taas nito.
At syempre ang Mt. Hamiguitan ng Davao Oriental na lagi naming binabalik-balikan dahil isa ito sa naging dahilan nang pagtatagpo ng landas naming dalawa. Pinagtagpo kami ng bundok na ito.
Kahit pagdating sa mga falls at beaches ay marami na rin kaming napuntahan dahil sa tuwing may project ang team nila Hera tapos nagkakataon na bakante ako, sinasama niya ako sa lakad niya. Naeenjoy ko rin naman ito dahil bukod sa magkasama kami ay nagaganahan ako sa mga tanawin.
Ngayon ay naglalakad na ako palabas sa UM, namataan ko ang puting SUV ni Troy na nakaparada sa parking lot ng paaralan. Tumakbo ako nang marinig kong bumusina ito.
"Dalian mo may laro pa tayo sa Samal!" sigaw ni Kingkoy mula sa loob, nakita ko si Larnie na hinubad na ang kaniyang suot na uniporme at nagpalit ng jersey namin na kulay puti at itim. Napakunot ang noo ko.
"Akala ko ba Carmen lang? Bakit naging Samal? Ang layo nun, Kingkoy!" narinig ko ang pagtawa nilang tatlo mula sa di kalayuan.
"Take the risk or lose the chance 'to, Sean. Kaya kung ayaw mo ng pang-allowance-"
"Wala naman akong sinabing hindi ako sasama!" sigaw ko kay Troy habang naglalakad na ako papalapit sa sasakyan at inilabas ang aking cellphone para itext na si mama.
Papasok na sana ako ngunit narinig kong may tumatawag saakin. Nagkatinginan kami ni Troy nang makilala ko kung sino ang tumatawag saakin ngayon.
"Papa 'yan ni Hera, Choy ah. Atay, anong kasalanan mo?" gulat na saad ni Kingkoy habang dumudungaw pa sa bintana.
Inilapag ko ang bag sa upuan ng passenger seat staka ko sila sinenyasan na aalis na muna ako. Napakamot nalang si Troy sa kaniyang kilay. Si Kingkoy naman ay parang tanga na nakasilip sa bintana.
"Alam ko namang may laro pa tayo. Kung gusto niyo umuna na kayo, magkocommute nalang ako papuntang Samal." saad ko sa kanila. Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Troy, pahiwatig na napipikon na siya sa'kin kaya ngumisi na lang ako at tumakbo na.
Bumukas ang bintana ng itim na SUV ni Engr. Rain, bumungad ang kaniyang seryosong mukha saakin. Nanatili lang ako sa labas.
"M-Magandang hapon po, Engineer." mahinahon kong bati sa kaniya at tinanguan niya lamang ako. "May sasabihin ho ba kayo?" wika ko sabay ngiti sa kaniya.
"Bakit, papupuntahin ba kita rito kung wala akong sasabihin?" diretso niyang wika sakin. Naitikom ko ang aking bunganga at naglaho ang aking mga ngiti, lagot nagalit na si Engineer Rain.
Sa titig pa lang ni Engineer ay alam kong may pagdududa na siya saakin. Pero ano naman kaya ang nalaman niya tungkol saakin? At bakit kung makatingin siya ngayon mula sa labas ng kaniyang sasakyan ay umiigting na ang kaniyang panga. Nakakahiya tuloy kase pinagtitinginan kami ngayon rito sa mga kapwa ko mag-aaral na dumadaan.
"Alam mo ba ang tungkol doon, Sean?" tanong ni Engineer sa boses na may pagdududa. Gulat na napatingin ako sa kaniya, kaagad na kinunot ko ang aking noo.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...