Kabanata 18

20 4 1
                                    

Alas kwatro palang ng umaga ay gumising na kaming tatlo nila Larnie para umuwi na. Dumiretso ako sa bahay nila Larnie para magkape muna. Buti na lang ay maagang gumising ang Mama niya para magpakulo ng tubig. Ang Papa niya naman ay nasa kabitbahay nila at tumutulong sa pag-aayos ng bangka ni Manong Rico.

Unti-unti na ring nagsialisan ang iba pang mangingisda. Dinig na dinig namin ang nagsitakbuhan na mga sasakyang pandagat. At ang mga tawanan ng mga Ginang sa baybayin habang hinuhugasan nila ang mga maliliit na isda para ibilad ito.

" Choy, bibisita ako mamayang gabi sa bintol niyo." pangunguna ni Larnie habang humihigop ng kape. Nasa veranda nila kami ngayon, ito ang tambayan naming magkakaibigan simula nong mga bata pa lamang kaming apat.

" Oo naman, pwede. Basta magdala ka ng kape. " tumawa ako. Napailing-iling ang kaibigan ko.

" Magpaalam ka na mamaya kung papayagan ka ba ngayong Sabado. " ani niya. Humigop ako saaking tinimplang kape.

" Iniisip ko pa trabaho ko Choy. Baka maraming ipapagawa ang Amo namin sa araw na iyan. " sumimangot siya saaking sinabi.

" Tanongin mo mamaya. " saad niya. " Ay oo nga pala nakalimutan kong sabihin, may magpapatayo ng bintol mamayang hapon. "

" Talaga? Puntahan mo kaagad ako sa bahay ah, kasw pagkatapos kong magtrabaho pupunta pa ako sa bahay kase tutulungan ko pa si Mama sa mga gawain." humigop ako sa kape staka tumayo na. Tinapos niya na rin iyong sa kaniya at tumayo na rin siya.

" Oo naman. Aayain ko rin si Kingkoy para magkapera 'yon." nagsuot na siya ng long sleeve at sombrero. Kinuha niya ang lambat at balde sa gilid.

" Puntahan niyo lang ako sa bahay. " bumaba na ako sa hagdan at binabad ang lubid sa bangka sa kanilang silong. Sumunod siya at sumakay na. Inilahad niya saakin ang isang bugsay.

" Wala ka bang ibibigay kay Hera? Diba magsisimula ka nang manligaw? " sunod-sunod niyang tanong. Ay oo nga no? Ano kaya maganda..di ko rin kase alam anong mga gusto niya.

Napakamot ako saaking noo. " Baka mamahalin gusto niya Choy, mahihirapan ako. Pwede naman siguro haranahan ko na lang siya. Mas maganda iyon." malaki ang ngiti niya nang lumingon siya saakin. Itinaas ko ang aking dalawang kilay.

" Samahan ka na namin? " tumango ako sa kaniyang sinabi. Nagsimula na kaming magbugsay. " Ay diba sa panahon ng mga lolo natin iba ang way ng panliligaw nila Choy? " oo nga tama. Magandang ideya 'to.

" Oo nga Choy, magandang ideya yan. Diba sinusulatan pa nga nila ang mga babae noon? " tumango-tango siya habang patuloy na nagbubugsay.

Ngayon ay patungo kami sa baybayin namin kase magsasabay kami ni Kuya. Malayo ang bintol namin sa bintol nila Larnie. Pero magkatabi lang ang bintol nila ni Kingkoy. Ang bintol at fish kids naman nila Troy ay medyo malapit lang sa bintol namin. Mga tatlong bintol pa ang dadaanan mo bago ka makarating sa bintol nila.

Minsan lang din nananalyada si Troy, ang tagapanalyada sa bintol nila ay ang tiyohin niya. Kase mas tinututukan ni Troy ang iba pa nilang negosyo. Nakakatawa nga kase kahit na anak siya ng may-ari sa mga negosyo nila, nakakatanggap pa rin siya ng sahod. Tapos iyong sahod niya, paminsan-minsan iyon ang ginagastos niya sa mga gala naming apat. Minsan nga ay nahihiya na kaming tatlo nila Kingkoy sa kaniya. Pero ayaw niya magpaawat, kase nagtatampo siya sa tuwing hindi na namin tinatanggap ang mga binibigay niya.

" Oo. " tumawa siya. " Tapos nagsisibak pa nga ang mga lalaki noon ng kahoy para lang makuha ang loob ng mga magulang ng babae. Gawin mo rin kaya 'yon? " napangiti ako sa kaniyang sinabi. Pwede naman siguro 'yon.

" Talagang diyan ako kakapit, wala akong sapat na pera para mabilhan siya ng mga mamahaling gamit e. Lugi ako diyan." nagtawanan kaming dalawa. " Pero magsisikap ako para magkapera, anong maihahandog ko sa kaniya kung wala akong pera diba? "

You are the Reason Where stories live. Discover now