Kabanata 15

13 4 0
                                    

Pagkatapos ng laro ay dumiretso na kami nina Troy para doon na maghapunan. Napag-alaman kong si Troy pala ang nag invite kay Hera at sa parents niya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kaibigan ko o magpapasalamat dahil sa ginawa niya.

Tinutulungan ko ang Mama ni Troy at si Aunty Ninya para ihanda ang lamesa. Si Hera naman at ang kaniyang parents ay naroon sa sala, nag-uusap na sila ngayon kasama si Troy at ang Papa niyang si Engr. Rod.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng biglang sumulpot si Larnie at Kingkoy sa kusina.

" Wow, mukhang masarap yan Sean ah. " saad ni Larnie habang nakasandal sa upuan. Nakita kong ngumiti si Aunty Rotte. " Patikim nga, kung masarap ba talaga iyang niluluto mo." dagdag niya. Kumuha ako ng kutsara at inilahad iyon sa kaniya.

" Ano, kumusta Larnie? Masyado ba niyang ginalingan at nakatulala ka na ngayon? " natatawang saad ni Kingkoy na ngayon ay tinutulungan si Aunty Ninya sa paglabas ng mga pinggan.

" Bakit parang ngayon ko lamang natikman ang ganitong timpla mo Sean? Masyado mo namang sinarapan, baka mamaya hindi maniniwala parents ni Hera na ikaw ang nagluto nito." ani niya sabay akbay saakin. Parang hindi pa rin siya makapaniwala.

" Para sa mga special na tao lang daw kase ang ganiyang timplada ni Sean.." singit ni Aunty Rotte. Tumango-tango si Aunty Ninya. Nakita kong ngumuso ang dalawa kong kaibigan. Bumitaw si Larnie sa pagkakaakbay saakin at pumunta siya kay Kingkoy.

" Pst, Hoy huwag niyo sabihing nagtatampo kayong dalawa. " pabirong umiiyak na parang bata ang dalawa. Nagtawanan sina Aunty Ninya at Aunty Rotte. Napabuntong hinga ako.

" Paano ba yan Choy, kanina nagseselos ka kay Hinampas at pinotektahan namin si Hera pero ngayon- " hindi na natapos ang pagsalita ni Larnie nang bomoses si Kingkoy.

" Ngayon, kay Hera na kami nagseselos.." saad ni Larnie habang nakabusangot ang mukha. Nanliit ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Anong pinagsasabi ng mga 'to?

" Hoy, kayong mga bata kayo. Tigilan niyo na yan, halina kayo at ihanda na natin ang hapunan dahil may lakad pa iyang nga bisita natin.." utos ni Aunty Rotte. Mataman akong tinitigan ng mga kaibigan ko saka nila ako tinalikuran habang naka nguso.

"  Just understand  and be patient to them nalang Sean, kasama kase kayong apat na lumaki. I normalize mo nalang yang naging reaksyon nila." Saad ni Aunty Rotte habang tinapik-tapik ang balikat ko. Lumingon ako sa bakod nila Troy kung nasaan ang pamilya ni Hera, Papa ni Troy, ang tatlo kong kaibigan, at si Aunty Ninya. Muli akong bumaling sa Mama ni Troy.

" Hindi naman po ako nag-alala sa reaksyon nila Troy Autny. Ang inaalala ko, para kaseng mga bata yan kung magtampo. Ang hirap suyuin, tapos pagtatawanan pa ako. " narinig ko ang mahinang tawa ni Aunty. Napakamot ako saaking ulo.

" Basta, ang payo ko sa inyo ay huwag ninyong sirain ang pagkakaibigan niyo lalo na kung kay liit na bagay lang naman ang magiging dahilan. Staka, Goodluck sa paghihingi mo sa persmiso sa parents ni Hera.." saad ni Aunty habang hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tumango-tango lamang ako.

" Kung ano man ang maging sagot nila ay irespeto mo Sean, alam kong mabait kang  bata. " dagdag niya. Saka niya binitbit ang iba pang mga plato at dinala ito sa labas. Kumuha ako ng bowl at inilagay ang niluto kong esca betche  sa loob nito.

Huminga ako ng malalim at nagsimula ng lumakad. Mas lalo akong kinabahan ng lumingon silang lahat saakin. Una kong tinitigan si Hera sa mga mata, nabasa ko kaagad ang pag-aalala niya na mas lalong nagpapakaba saakin. Bumaling ang tingin ko sa Papa ni Hera at sa Mama niya. Taas baba ang tingin nila at wala akong mabasanv emosyon sa kanilang mukha at mata. Hanggang sa nakarating na ako sa lamesa at dahan-dahang ibinaba ang niluto ko. Tumabi ako ng tayo sa tatlo kong kaibigan.

You are the Reason Where stories live. Discover now