Doble ang kaba at panginginig ko nang makarating kami sa harap ng bahay nila Hera. Hindi ko aakalain na kahit naka tira sila sa probinsya, ganito kalaki at kaganda ang bahay nila. Maliwanag sa labas, at maging ang loob ng bahay ay maliwanag. May naririnig kaming nag-uusap sa loob. At may bintana na nakabukas sa ikalawang palapag.
" Sabi ni Tita sa text, binuksan niya ang window ng bedroom ni Hera. At sa tingin ko, ang nakabukas na bintana na iyan, ay bintana ng bedroom ni Hera." mahinang saad ni Troy habang inihahanda namin ang aming mga gitara.
Inayos ko ang kwelyo ng aking polong suot. Bumili na kami kanina ng polo sa Mall para presentable kaming tignan. Bumili na rin ako ng maliit na lamp na may nakalagay na moon at stars sa loob. It reminds me of the first night we talk in the camp.
" Anong kakantahin natin Sean? " si Larnie.
Oo nga, anong kakantahin namin? Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may lumabas sa veranda nila. At bumungad doon si Hera na nakasuot nang pink sleeveless dress, kahit na malayo kami sa kaniya ay kitang-kita ko kung paano kumislap ang kaniyang mga mata habang nakatingala sa mga bituin sa langit. Nakalugay lang ang kaniyang buhok at hinahawi ito ng malamig na hangin.
" Harana....Harana by Parokya ni Edgar ang kakantahin natin." saad ko habang nakatitig parin kay Hera. She....she is so gorgeous... she looks wonderful tonight. Wala sa sarili akong napatugtug saaking gitara at sumabay naman kaagad ang mga kaibigan ko. Napalakad ako nang dahan-dahan upang mapalapit kami nang kaonti sa kanya.
" Uso pa ba ang Harana? " paninimula ko, parang nagkarambola ang pagtibok ng aking puso nang ibinaba niya ang kaniyang tingin saamin na tumugtog ngayon at tinitingala siya. Kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mukha.
" Marahil ikaw ay nagtataka... sino ba 'tong mukhang loko nagkandarapa sa pagkanta. At nasisintunado sa kaba..."
Wala akong dalang rosas paano na 'to? Lamp nadala ko. Nagulat ako nang ipagpatuloy nang mga kaibigan ko ang pagkanta.
" Meron pang dalang mga rosas...suot namay maong na kupas.." napalingon ako sa kanila at nagulat na lamang ako nang makitang may isa-isa silang bitbit na rosas sa kanilang mga kamay. Napangiti ako at ipinagpatuloy ko ang pagtugtog. Muli akong tumingala para matignan si Hera.
Hindi ko alam kung assuming ba ako o hindi pero nakikita kong pinipigilan niya ang kaniyang sarili na ngumiti. Nakita ko rin si Dra sa likod niya na may bitbit na cellphone at mukhang kinukuhanan niya kami ng video. Iwinawagayway niya pa ang kamay niya.
" At nariyan pa ang barkada..naka porma naka barong. Sa awiting daig pa ang minus one at sing along..." malambing na awit ko. " Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa nang hangin...sayong tingin akoy nababaliw. Giliw. At sa awitin kong ito...sana'y maibigan mo...ibubuhos ko ang buong puso ko...sa isang munting harana......para sa'yo."
Pinagpatuloy naming apat ang pag strum hanggang sa unti-unti namin itong tinigil. Nakita naming pumalakpak si Dra.
" Hera...batid kong galit ka saakin dahil sa nabalitaan mo tungkol saamin ng anak ni Mayor Abiera. Pero, gusto kong malaman mo na wala akong ginagawang kabulastugan habang nililigawan ka! " sigaw ko mula sa ibaba. Malamig ang tingin niya saakin ngayon at inirapan niya lang ako.
" Ayokong nakikipag-usap sa mga taong magaling lang sa salita. You broke my trust again Sean." malamig niyang saad.
" Hindi ako ang tipong lalaking magaling lang sa salita katulad nang iniisip mo Hera. Kahit na tanongin mo pa ang mga kaibigan ko....alam nila kung ano ang sinabi ko sa anak ni Mayor nang imbitahan niya ako sa bahay nila kasama ang teammates ko." hindi ko alam pero nanginginig ang mga kamay ko ngayon. Hindi ko kaya na tignan si Hera na galit saakin. Nanghihina ako.
YOU ARE READING
You are the Reason
RomancePaano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ay may tinatago pala saiyo? Paano kung matuklasan mo ang pinaka tinatago niyang sekreto? Mamahalin mo pa rin ba ang taong ito? Kaya mo ba na harapin siya ng puno ng pagmamahal kahit na may natuklasan ka? Nat...