"Mayroon na lamang kayong isang linggo upang sirain at umalis sa lupang kinatitirikan ng inyong bahay. Kung hindi po kayo susunod, mapipilitan kaming sirain ang inyong bahay. Huwag kayong mag-alala. May nakalaan ng lupa para sa inyong bagong titirahan," paliwanag nong isang speaker.
"Bakit ba ninyo ginagawa sa amin ito? Mahirap magsimulang muli. Wag ninyong gawin sa amin ito!" sigaw ng isang babaeng nasa edad trenta.
"Gaya ng aking sinabi, mayroon na pong nakalaan na lupa para sa lupang titirahan ninyo. Kailangan naming gawin ito ang pagsabihan kayo dahil kinakailangan ng gamitin ang lupang tinitirikan ng inyong mga bahay. Ang lupang ito ay pagmamay-ari ng gobyerno. Alam ninyo iyan! Alam ninyo na noon pa kung hanggang kailan lamang kayo maaring magtagal. Napakahabang panahon ang ibinigay sa inyo para makapaghanda kayo ngunit hindi ninyo ginawa. Alam kong mahirap ang magsimulang muli, ganon naman talaga. Walang madali. Kaya sa inyong paglisan dito sa lupang ito ay bibigyan din namin kayo ng perang maaring magamit ninyo sa lugar na lilipatan nyo para makapagsimula kayo. Dyan na po nagtatapos ang ating pag-uusap. Maraming salamat po!" yumuko ang lalaking nagsasalita bilang pamamaalam sa mga taong naroon.
Makikita ang mga taong umiiyak at naghihinagpis sa galit dahil sa balitang sinabi ng kaninang speaker. Tama naman ang sinabi ng nagsalita, binigyan ng sampung taon ang lahat ng tao na hinayaang tumira sa lupang iyon upang makapag-ipon. Walang binabayaran ang mga taong nakatira sa lupang iyon. Tanging tubig at kuryente lang ang poproblemahin nila. Hindi rin naman ganon kahirap kung tutuusin ang makaipon sa lugar na ito dahil madaling kumita. Anumang gawin mo, magtrabaho, magtinda, o kahit ano pang maisip mo para kumita ng pera sa lugar na ito ay madali lang. Pero ganon talaga, lahat ng bagay ay limitado.
Pagkatapos ng araw na iyon, kinabukasan ay nagsisimula na silang sirain ang kani-kanilang tahanan. Mayroon ding nakaabang na truck na kanilang sasakyan patungo sa lugar kung saan sila maninirahan. Nakalipas pa ang tatlong araw at iilang bahay na lamang ang makikita mo sa lupa na iyon. Ang mga batong bahay na kay gaganda noon, ngayon ay parang mga binagyo kung titingnan. Napakaraming basura sa daanan. Ang dating malilim at maingay, ngayon, napakaaliwalas at tahimik na lugar na.
Mayroong mga hayop na naiwan na ng kanilang tagapag-alaga dahil hindi maaring ibyahe. Hindi maaring isakay ng truck. Kaya kung makikita mo ang mga pusa na pagala-gala, maawa ka nalang.
"Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ni papa. "Nahlia, iiwan muna kita doon sa tiyuhin mo. Habang inaayos namin ang bahay natin doon sa bagong titirhan. Alam ko naman na magkasundo kayo ng pinsan mo."
"Isasama nyo ba si Jul?" tanong ko.
"Oo. Alam mo naman yang kapatid mo, iiyak lang yan kapag iniwan namin. Ihahatid ka na muna namin bago kami dumiretso doon."
Magsasalita pa sana ako pero nagtungo na si papa doon kay mama.
Hindi kalayuan sa dati naming tirahan ang bahay na nirentahan lang din ng tiyuhin ko dahil pinapaayos rin nila yung bahay nila sa lugar na bagong lilipatan. Maging sila ay kasama rin sa mga nademolished dahil iisang lugar lang naman kami.
Hindi ko makita ang sagot noong mga oras na yon kung bakit kailangang iwan ako pero kasama ang bunso kong kapatid kahit hindi pa naaayos ang magiging bahay namin. Nang makarating kami sa bahay ng tiguhin ko, pagkatapos nilang mag-usap ni papa, umalis na rin sila. Unang beses kong mahiwalay kanila mama at papa. Hindi ko alam kung paano ba ang makitira sa ibang bahay kahit kamag-anak naman namin sila.
"Maglinis na kayo ng katawan, pagkatapos kakain na tayo," utos ng tito ko.
Nauna akong pumasok sa loob ng banyo. Natatakot pa ako ng mga oras na iyon dahil nakapatay ang ilaw dito. Kaya naglakas-loob akong buksan ito at ganon nalang ang gulat ko ng binuksan ko ang ilaw dahil tumambad sa akin ang mga iilang ipis na naroon. Oo takot ako sa ipis lalo na kung lumilipad. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang takot ko sa ipis. Maliit lang sila pero kapag dumidikit ang mga paa nila sa balat ko para akong mamamatay sa takot. Ipis nga talaga siguro ang papatay sa akin.
Hinintay kong makalabas lahat ng ipis sa banyo bago ako pumasok. Lumabas na kasi ako. Napansin ko rin na nung binuksan ko ang ilaw, unti-unti na silang nagsisialisan sa mga pwesto nila. Nang masiguro kong wala na sila doon ko na binilisan na linisin ang katawan ko tapos sumunod naman ang pinsan ko.
Ten years old lang ako nito at pitong taong gulang naman ang pinsan kong si Kebb. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang mga nangyayari nong mga oras na iyon dahil ang alam ko lang pupunta kami kung saan at uuwi rin ulit sa bahay. Pero hindi ko alam kung babalik pa ba talaga kami dahil nakita ng aking mga mata ang mga sira-sirang bahay sa lupang tinirhan namin. Siguro hindi na.
Alas-siyete na ng gabi bago ang oras ng pagtulog, kinuha ko ang mga gamit ko pang-eskwela. Inilabas ko ang mga notebook ko. Dahil doon, nagkalat lang ako. Nasabihan pa ko ng tito ko kung bakit ang daming kalat sa bag ko. Noong mga oras na yon, hindi ko maisip na kalat ang mga papel at ballpen sa bag ko. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba nagkalat ang mga iyon. Nakakatuwa na lamang din sa bahay na inuupahan ng tito ko wala namang daga na maaring magdagdag ng kalat dahil sa mga papel at ballpen na nakalagay sa bag ko.
Maya-maya lamang sinabihan na kami ng tito ko na matulog na. May parti ng bahay na hinayaang nakabukas pa rin ang ilaw. Siguro para hindi mangangapa ang tito ko na magbukas ng panibagong ilaw kung may biglang makakaramdam ng pag-ihi sa amin.
Nang makahiga na kami, doon ko naramdaman yung lungkot. Lungkot na hindi klaro yung dahilan. Hanggang sa naramdaman ko nalang yung mga mata ko na nagtutubig. Humihikbi ako ng mga oras na iyon pero mahina lang. Dahil unang beses kong mahiwalay kanila mama at tumira sa ibang bahay, doon siguro nagmumula ang lungkot nang mga oras na yon. Hindi ko alam, hindi ko mabilang kung ilang oras na ba akong umiiyak. Nararamdaman ko ang pamamaga ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong makaramdam ng antok at makatulog.
Kinabukasan, dumating ang tiyahin ko. May dala itong pasalubong para sa amin pero tila parang may hinihintay ako. Siguro sila mama at papa. Yung bigla nalang sila darating para sabihin sakin na uuwi na kami. Isasama na nila ako. Tapos nang makumpirma kong walang ibang kasama ang tiyahin ko, bumalik nalang ako sa higaan. Tapos kinuha ko na rin ang mga papel at ballpen ko para kunwari nagsusulat tapos nakatalikod ako sa kanila. Bigla nalang ding tumulo ang mga luha ko at umiiyak na ako. Hindi ko pinarinig yung paghikbi ko. Sinusubukang punasan yung mga luha ko ng mga oras na iyon para hindi nila makitang umiiyak ako pero ayaw tumigil ng pagdaloy ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...