Chapter 17

1 0 0
                                    


Nahlia Pov

Ala-una na nang madaling araw ngunit gising pa rin ako. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina, yung paghalik ni Bracken sakin na hindi ko inaasahan. Sobrang galit na kasi ako kanina kaya ko siya nagawang asarin dahil sa mga pinagsasabi niya na kung tutuusin wala naman talagang katotohanan baka nga siya pa yong nasa likod nang fake news. 

Hindi ko rin maimagine ang sarili ko na magkagusto sa gaya ni Sarvin. Pero baka nga bakla si Bracken nagseselos siya pag magkasama kami ni Sarvin or worse baka may gusto si Bracken sakin dahil hindi nga siya nakapagpigil na halikan ako??? OMGGGGG!!!!!

"Yan ba yong rason kung bat hinimatay ka nung nakaraan dahil ginugulo ka ni Bracken?" tanong ni Darcy.

Nandito kami ngayon sa loob ng library at kanina pa kami sinasaway ng librarian dito dahil nga sa lakas ng boses ni Darcy. Si Darcy lang ang kasama ko ngayon dahil ito lang naman yong sa tingin ko na mas makakausap ko ng matino dahil sila Eliana baka palalalain lang yung mga nangyayari.

"Iba pa yon."

"Pero totoong hinalikan ka ni Bracken?" paniniguro na naman niya.

"SSssssshhhhhhh," ulit na naman nung librarian.

"Tara sa canteen nagugutom ako. Ang ingay mo din eh!" tumayo na ko tapos naramdaman ko rin na sumunod na siya kaya hindi na ko nag abalang lumingon pa sa kanya.

Inaasahan ko na ang paglabas namin ng library. Inaasahan ko na yong mga matang tila magnet dahil sa tindi nang pagkakadikit samin lalo na sa akin. Hindi ko naman ginusto ito at makumpirma ko lang na si Bracken ang nagpakalat ng fake news tungkol samin ni Sarvin ibabaon ko talaga siya nang buhay.

Pagdating namin sa canteen puno rin ng bulungan kaya naman hindi ko nalang pinansin. Parang ayoko na tuloy pumasok ng school. Gusto ko nalang magtransfer para naman tantanan na ko ng mga ito. Pero what if kaya magtransfer ako, may mababago ba?

Dalawang taon nalang din gagraduate na ko pero sigurado ako sa dalawang taon na natitira ay marami pang mangyayaring hindi maganda at hindi ko inaasahan.

"Oh my god! The delulu girl," tapos nagtawanan sila.

"Nope. She's not delulu coz' finally she grabbed the attention of our Prince Sarvin. Ginayuma ata!" hindi pa sila nakuntento at inirapan pa talaga ako.

Nabibingi ako sa dami ng naririnig kong boses at salita na hindi ko naman talaga deserve matanggap. Nasisira ako sa mga taong narito sa school na wala man lang patunay kung totoo ba talaga yung paratang na binabato nila sakin. 

Nahagip ng mata ko ang grupo nila Sarvin maging si Bracken nakita ko as in kumpleto sila kaya naman hinila ko na si Darcy palabas ng canteen para makaiwas sa mga iyon. Napunta na kami ng rooftop.

"Girl, kung magpapakamatay ka wag mo kong idamay hindi ko pa nahahalikan si bebe Callen ko," drama ni Darcy.

Tumawa ako,"syempre di ako magpapakamatay no. Baka kahit nasa libingan na ko bulabugin pa ko ng tatay ko kasi di ko natapos ang pag-aaral ko. Saka ayokong isakripisyo ang buhay ko dahil lang sa mga bulungan nila no. Takot lang nilang multuhin ko sila," tapos tumawa na naman ako pero this time kasama ko na siyang tumawa.

"Pero mabalik tayo, bakit ka ba hinalikan ni Bracken? Eh ayaw mo nga sa taong iyon!"

"Nagkaroon kami ng matinding pag-uusap kagabi. Sinama kasi ako ni Sarvin sa celebration nila ng birthday ni Callen-"

"Grabi ka di mo man lang ako sinabihan!" biglang singit ni Darcy.

"Naku, wala nga kong ideya na birthday ng mahal mong si Callen kahapon basta lang ako hinatak ni Sarvin. Tapos ayon di ko rin inaasahan na makikita ko na naman ulit si Bracken. Nagpaalam na kong umuwi pero nung narinig ko siyang babanggitin na naman pangalan ni Sarvin para siguro asarin kami, hinatak ko siya!"

"Eh.. kaya naman pala hinalikan ka niya. Omg!!! Kailan pa naging kayo ni Bracken?"

"Siyempre hindi kami no. Sa sobrang inis ko kasi kagabi hindi ko naman alam na inaasar ko na pala siyang bakla. Kasi naman para siyang nagseselos eh. Sabi ko nga kung may gusto siya tutulungan ko siya. Go to bl naman tayo diba?" aniya ko.

Tumawa siya,"yari ka kay Eliana."

"Oh bakit ako? Si Bracken tong may gusto kay Sarvin tapos ako aawayin niya?! Nakamove on na nga kay Debbie eh."

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nasa rooftop ni Darcy. Ewan ko ba pag ito ang kasama ko nawawala lahat ng problema ko. Mula ng breaktime hanggang sa mag uwian hindi na kami nakapasok sa klase namin. Mukha kaming nagcutting ganon. Siguro dahil sa mga nangyayari nawawalan na rin ako ng gana para makisama sa mga kaklase ko dahil pagpasok ko ng room namin hindi naman sila makikinig sa mga lesson na tinuturo samin dahil nasa akin ang atensyon nilang lahat. Ginagaslight ko nalang talaga yong sarili ko na magiging okay ang lahat. Dapat nga na matuwa ako kasi sikat na ko dahil sa pitong famous prince ng school namin. Dahil sa pagdikit ko kay Sarvin sikat na ko. Nasabi pa ngang magjowa kami. Natatawa ako pero nasasaktan ako sa loob ko dahil lahat ng paratang na binabato nila sakin ay walang katotohanan. Walang ebidensya pero kahit ano namang sabihin ko walang maniniwala sakin. Story maker ako so sinong mag aaksaya ng oras para paniwalaan ang mga sasabihin ko.

"Maggagabi na Nahlia. Baka mayari din ako kay tito at hindi na ko makapunta sa inyo kapag umuwi tayo ng gabing gabi na," aya ni Darcy saka kumilos na para bumaba ng rooftop.

"Ayoko pang umuwi."

"Nahlia.."

"Okay lang ako," ngumiti ako para makumbinsi ko siya na ayos lang ako. 

Gusto ko lang makahinga. Magtetext nalang siguro ako kanila papa na may tinatapos lang na proyekto para naman alam nilang ayos lang ako. Hindi sila mag alala sakin. 

Isang oras na ang nakakalipas mula ng iwan ako ni Darcy sa rooftop. Malapit na ring magsara ang school kaya naman nagpasya na akong bumaba at magtungo sa room namin dahil nandon pa yung mga gamit ko. Tama nga ang hinala ko wala ng tao sa loob ng school. Siguro naglilibot na yung guard para maglock ng mga rooms dahil yon naman ang trabaho nila.

"Saan ka nanggaling?" 

Akala ko ako nalang ang tao pero may pamilyar na boses akong narinig na sa tingin ko sobrang lapit lang niya sakin. Hindi nga ko nagkamali ng makitang si Sarvin ang taong iyon.

"Dahil ba sa fake news na kumakalat tungkol satin kaya ka nagcut ng klase?" sabi nito habang unti unting lumalapit sa kin. "Nakita kita sa canteen kanina pero bigla kang umalis. Galit ka ba sa akin hindi lang sa kanila?"

Nagmadali akong kunin ang mga gamit ko at hindi na nagsalita pa pero nang tumalikod na ako agad naman niyang hinawakan ang braso ko na dahilan kung bakit hindi ako nakalabas ng room agad. Napakabilis niyang kumilos kaya naman hindi ko namalayang nilock pala niya ang pinto. 

"Anong kailangan mo?"

"Wag ka nang magcut ng klase bukas. Yan ang gusto ko. Bakit ka ba natatakot sa mga taong nandito sa school? Hindi ba dapat lalo mong ipamukha sa kanila na dapat silang matahimik sa mga kahibangan nila. Kung sino man nagpakalat ng fake news tungkol sa ating dalawa gusto ko siyang pasalamatan dahil sa kanya wala ng gumugulo sa akin," aniya.

"Sayo! Kasi lahat ng atensyon nila nasa akin. Alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon? Pwede bang tigilan mo na ko? Layuan mo ako. Sarvin, wala naman akong gusto sayo eh. Ayoko sa sinuman sa inyong pito. Hindi nila ko kagaya na naiinlove at kinikilig sa inyong pito. Gusto ko lang ng tahimik na buhay pero mula nong lumapit ka sa akin, gumulo na yong mundo ko. Tigilan nyo na ko ni Bracken!" pagkatapos ng huli kong sinabi, nalaglag ang mga luhang kanina pa palang gustong kumawala sa mga mata ko.

"Ginugulo ka ni Bracken?" nagtatakang tanong ni Sarvin. "Kaya ba umiiwas ka?"

Tanging iyak lang ang naisagot ko. Naramdaman ko nalang yung biglang init na na sobrang sarap sa pakiramdam. Niyakap niya pala ako. Humahagulhol ako ng mga oras na ito dahil nasasaktan ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hina ko pala talaga. Akala ko kaya ko, akala ko magiging okay ako, akala ko hindi ako masasaktan sa mga naririnig ko pero hindi pala. Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito?

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon