Nahlia Pov
"Today is the deadline of your projects. Lahat ba nakapagpasa na? Wait I'll check!" saad ni Mr. Henry.
Mabuti nalang talaga nakapagpasa na kami a week ago bago magtanong si Mr. Henry. Ang sarap lang sa feeling. After na din namin matapos yung video namin, hindi na rin ako nag abala na kausapin na sila Sarvin dahil wala naman na kaming dapat pag usapan dahil hello wala namang dapat pag usapan, gaya ng sinabi ko charowt! HAHAHAHAAHAH!
Anyway, hindi naman na lumalapit sakin si Sarvin after we submitted the project.
"Here are the groups that have not yet submitted their projects. Well, two groups nalang naman ang hindi nagpapasa. The group of Ms. Santos and Ms. Gonzales. I'll wait your projects until 12 noon. Kapag hindi ako nakatanggap before 12 noon, I'm sorry to say but I'll give 65 for your grades. That's for today. Class dismissed!"
Napatingin naman ako kanila Eliana. Hindi ko alam na hindi pa pala sila nakakapagpasa ng video. Agad ring nagsilapit ang mga kagrupo nila Keira sa kanila. Puro sila babae at nakakainggit yon sa part na yon dahil never ko inassume na makipaggroup sa mga lalaki at hindi ko pa kilala.
"Eliana, paano na yan? Paano tayo makakapagpasa eh wala pa naman tayong nasisimulan?" narinig kong tanong ni Rica. Isa sa mga kagrupo nito.
"Aba ewan ko. Bakit ako ang tatanungin nyo eh kayo tong magugulo kausap. Binigyan ko kayo ng option. I also suggests some idea pero anong ginawa nyo? And then, lalapit kayo sakin na parang kasalanan ko? No way!" inis na sagot naman ni Eliana.
"I think, we still have time pa naman. So, let's proceed na. Wag na kayo magkagulo dyan kung ayaw nyong pag umpugin ko mga ulo nyo!" narinig ko namang sabi ni Keira.
First time ko narinig na magsalita si Keira ng ganon. Dahil hindi naman talaga ganon magsalita yon. Madalas, inosente at mahinahon pa nga kung magsalita kaya nakakagulat pa nga na ganon sya magsalita. I think, new color has changed.
"Buti nalang ikaw naging leader namin!" napalingon naman akong bigla sa bandang kanan ko at nakita ko si Sarvin at Rae.
"Oo nga eh. Safe ang projects!" sang ayon naman ni Rae.
"T-teka.. pinagsasabi nyo?"
"Eh diba ikaw naman talaga yung naglead at nag initiate sa group natin kaya naging successful yung video natin at naipasa before the exact time," si Darcy naman.
Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko sila kung ano yung mga pinagsasabi nila. As if naman may pakialam ako don. Saka ginawa ko lang yung part ko dahil kagrupo nila ako. Yon lang naman talaga ang rason wala ng iba.
Tama naman sila. Bukod sa ako ang nagsummarize, ako din ang nag initiate and also lead them kung paano namin gagawin yung project namin. Syempre tinulungan naman nila ako at nakita ko din naman yung hardwork nila. Hindi naman ganon kahirap yung project pero kung introvert person ka, kaya mo bang iexpose yung sarili mo sa ibang tao?
Ilang klase pa ang dumaan bago natapos yung buong araw na klase namin. Hindi ko alam kung successful ba sila Eliana sa video nila dahil 50-50 kumbaga yung pagpasa nila. Hindi na sila nakaattend ng ilang subjects dahil sa tinapos nila yung video nila. Ito na yung sinasabi ko kung bakit ayoko silang nasa ibang grupo dahil ganito ang mangyayari. For the past few days, hindi ko alam ang mga pinagkakaabalahan ni Eliana at Keira kung bakit sila umabot sa puntong ganito. Pero sa tuwing nakikita ko sila lalo na si Eliana mukhang wala naman silang iniintindi kaya siguro inakala ko rin na tapos na sila sa video nila at nakapagpasa na sila. Noong makita ko naman yung paggawa nila ng video, nakita ko naman yung pagpupursige nila na matapos bago ang oras ng deadline. Sana talaga ay nakapagpasa sila on-time.
"Hi, Nahlia!" napatingin ako sa lalaking kaharap ko.
Hindi naman first time yung pagkikita namin kaya hindi na ko nagulat. Isa sya sa mga taong pinakaayoko sigurong makita o makasalamuha dahil siguro sa behavior din niya. Masyado ring matalas ang dila kung kaya't hindi nya alam na nakakasakit na sya dahil sa mga binibitawan nyang mga salita.
Umiwas nalang ako ng tingin at hindi na sya pinansin dahil baka kung ano na naman yung marinig ko sa kanya.
"Snob?" ulit pa nito.
Huminto ako sa paglalakad saka muli syang hinarap,"anong kailangan mo, Bracken?"
"Nag-hi lang ako. Hindi ba yon pwede? May magagalit ba?" malapad ang pagkakangiti nito na animo'y may pinaplanong hindi maganda. "Ah oo nga pala, magagalit si Sarvin."
Nagsalubong yung kilay ko sa sinabi nya. Sa tingin ko naghahanap na naman sya ng mapagtitripan. Pero kaibigan nya si Sarvin hindi ba? Kaibigan nga ba ang turing nya sa mga nakakasama nya araw araw?
"Gulat ka no?" tapos tumawa sya.
"Maghanap ka ng pagtitripan mo. Wag ako. Wala kong pakialam sa inyo lalo na kay Sarvin."
"Ouch! Ansakit naman non. Siguro kung ako si Sarvin at naririnig ko yang mga sinasabi mo ngayon, baka lalayuan na kita. Hindi na rin ako makikipag usap sayo kahit kailan. Oopps.. I forgot something.. Hindi ba't nung nastress ka si Sarvin lang naman ang sadyang nagpaiwan dahil gusto ka nyang masolo? Hindi ba sya nagtapat sayo that time? Kasi sa pagkakaalam ko, plano ka nyang pasagutin dahil kapag nagawa nya yon, mananalo lang naman sya sa bet namin," tumalikod na din ito. "Be careful to those people around you. Not all of them are genuine and real."
Naiwan akong nakamasid lang sa pag alis nya. Naalala ko nung time na nasa clinic ako at sya ang nadatnan ko nang magising ako. Nang tanungin ko sya kung bakit sya ang naiwan, ang sinabi nya non ay nagpaalam na sila Darcy kaya sya ang naiwan doon. Nalilito ako. Sino ba ang nagsasabi ng totoo sa kanila?
Totoo ba ang sinasabi ni Bracken o sadyang pinagtitripan nya lang ako? Hindi nya ko maloloko.
"Hindi naman magkakagusto si Sarvin sakin -"
Naalala ko bigla yung mga pagkakataon na lagi nalang syang nanggugulat. Lalo na nung kanina lang. Napapailing iling nalang akong bigla sa mga naiisip ko.
"Imposible -"
"Imposible ang alin?"
Nahinto ako sa pag iisip ng marinig kong bigla ang boses ni Sarvin. Hindi naman sya nag iisa dahil as usual magkasama sila ni Rae. Meron palang nadagdag, si Callen. Sayang wala si Darcy.
"Anong imposible, Nahlia? Nahlia, tama ba?" tanong naman ni Callen.
Tumango naman ako tapos napapakamot nalang sa ulo,"nako.. wala. I-iniisip ko kasi yung video nila Eliana kung nakapagpasa ba sila. Tapos parang nag overthink ako na baka hindi sila nakapagpasa on time kaya ayon napasabi ako ng imposible!" teka bakit ba ko nagpapaliwanag sa mga to?
"Gusto mo sumabay sa amin pag uwi? Mukha kasing nauna na yung tatlong kaibigan mo. K-kung gusto mo lang naman -"
"Syempre naman sasabay yan, diba Nahlia?" biglang putol ni Darcy sa sinasabi ni Sarvin.
"San ka galing? Para kang kabute ah!" tanong ko naman.
Natawa lang yung bruha sa sinabi ko.
Wala na kong masabi sa bilis makaamoy ng babaeng ito.
"Tara na! Bebe Callen!" malanding anyaya ni Darcy.
Tapos nagtawanan naman sila Sarvin at Rae sa iniakto ni Darcy kahit naman ako natawa sa sinabi nya. Halos lumayo din si Callen dahil sa sinabi nya.
"Bagay nga kayo!" humagalpak pa ng tawa si Sarvin.
Saka ko lang naalala na hindi nga dapat ako nagtitiwala sa kanila.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...