Nagising akong umiiyak. Napapanaginipan ko na naman yong araw na unang beses akong nahiwalay sa mga magulang ko. Hanggang ngayon sa tuwing mapapanaginipan ko at maalala ko ang mga masasayang pangyayari doon sa lugar na dati naming tinitirhan, nalulungkot pa rin ako. Naiiyak at umiiyak. Hindi ako gaya ng iba na madaling makamove on sa lahat ng mga nangyari. Ang hirap lang kasing kalimutan yung mga masasayang pangyayari na nangyari doon. Kahit na ang lugar na dati naming tinitirhan ay magulo, laging may nag-aaway, nagkaroon pa nga ng nagkalat na teargas noon pero ito buhay pa din. Bata palang ako ang dami ng mga brutal na bagay ang nakita ko doon pero dahil inosente ako, hindi ko pa alam ang lahat ng iyon.
Nagpalipat-lipat rin kami ng bahay bago ang huling tinirhan namin kung saan kami nademolished. Ngayon, hindi na namin mararanasan magpalipat-lipat ng bahay dahil ang aming tirahan ngayon ay nag-iisa nalang. Kumbaga, sariling tirahan na at poproblemahin nalang namin ang lupang kailangang bayaran ng buo para tuluyan ng mapasaamin. Pangarap ko rin talagang mabayaran na ng buo ang lupa dahil sa dami ng gastusin. Lumalaki rin kasi ang kailangang bayaran.
Apat na taon na rin ang nakakalipas mula noong nangyari ang paglipat namin sa tinitirhan namin ngayon. Isa na rin akong second year high school student ngayon. Ang dating magugulong papel at ballpen sa bag ko, mas lalong dumami ngayon sa kwarto ko. Ewan ko ba, paborito ko talaga ang papel at ballpen. Siguro kung tatanungin ako kung ano yung mga bagay na hindi ko kayang bitawan, ang isasagot ko ay ang papel at ballpen. Parang hindi ko kayang wala ang mga ito sa tabi ko.
Noong bagong dating ako sa lugar na tinitirhan namin, gaya pa rin ng dati, wala akong kaibigan sa eskwelahan. Dahil ganon naman talaga dati pa kung saang school ako nanggaling. Kung hindi nanakawin ang mga libro ko na binayaran ni mama noon, may nangungurot naman sa akin na katabi ko. Wala talaga akong kaibigan. Nahihirapan ako magkaroon ng kaibigan dahil siguro hindi nila ako gusto. Pero kung ipagkukumpara ko naman, sa bagong lugar na nilipatan namin naranasan ko naman kahit papano ang magkaroon ng kausap sa school.
"Aalis na ako, ma!" paalam ko kay mama.
Naglalakad lang ako papuntang eskwelahan dahil kaya namang lakarin hindi gaya noon sa dati naming tinirhan, kailangan naming sumakay ng jeep para makapunta ng school at makauwi sa bahay. Naranasan rin namin ng kapatid ko noon na makalimutang magbayad doon sa driver ng jeep tapos bumaba nalang kami na parang walang nangyari. Naranasan ko ring manakawan ng pera sa loob ng room at muntik pa kami ng kapatid ko hindi makauwi mabuti nalang at may nakilala rin naman kami doon na isang bata na binigay samin ang pamasahe nya. Nagsabi lang sya sa driver ng jeep na makikiangkas sya kaya naman nakauwi kami ng kapatid ko. Lumipas ang mga araw nagtaka nalang ako hindi ko na nakakausap yon at hindi ko na rin nakakasabay sa pag-uwi. Maraming nagbago kaya hanggang ngayon pakiramdam ko mag-isa ako kahit may mga nakakausap naman ako.
"Good morning, class!"
"Good morning, Ms. Laura!"
"Okay, pakilabas nung mga assignment nyo. Magchecheck tayo ngayon. Exchange your notebooks," utos ng guro namin sa math. "Who wants to answer the first problem?"
Marami kaming nagtaas ng kamay pero binaba ko rin naman agad nang makapili na yong guro namin. Limang item lang naman ang pinasagutan samin. Pinasagutan samin kahit hindi pa itinuturo sa amin ng guro namin. Basta nagbigay siya ng page ng libro na sasagutan namin tapos kami na bahala kung paano namin iyon masasagutan. Hindi ako magaling sa math pero masasabi kong nakatsamba ako sa assignment namin dahil naperfect ko naman. Pagkatapos ng checking namin, hiningi lang ng guro namin ang mga score namin tapos nagproceed na sa discussion. Ang topic namin ng mga oras na yon ay quadratic formula. Gusto ko naman ang math kaya nakafocus ako sa pagtuturo ng guro namin lalo na kapag nagdedemo na ito ng solution gamit ang formula.
Pagkatapos, magbibigay na naman ito ng panibagong sasagutan na hindi pa niya naituturo. Makalipas ang isang oras, lalabas na ito ng classroom namin.
Habang naghihintay kami ng susunod naming guro, kinuha ko yung notebook na nirecycle ko para dagdagan ang mga isinulat ko doon. Oo nga pala, nagsusulat ako ng mga istorya. Hindi ko maalala kung paano ko biglang nakahiligan ang pagsusulat basta nagulat nalang ako noong grade six ako, nagsusulat na ko sa tatlong piraso ng bond paper at natatapos ko iyon agad.
Magulo sa umpisa ang kwento pero habang tumatagal gumaganda naman tapos bitin. Ang unang title pa ng istorya ko noon ay "Magkaagaw". Noong unang beses may nakabasa ng istorya kong iyon, nagalit pa sa akin dahil bitin daw. Pero natawa nalang ako kaya hanggang ngayon, nagpapatuloy ako sa pagsusulat ngunit ibang istorya naman.
Umabot na ng kalahating oras wala pa ring sumunod na subject kaya naman inaya ko ang mga kaklase ko na magkwentuhan nalang kami. Nakaramdam ako ng konting pagsakit ng kamay kaya huminto nalang muna ako. Kinuha ko yung notebook kung saan ako nagsusulat tapos sinimulan ko itong basahin. Lahat ng inaya kong makinig sa kwento ay talagang nakikinig sila sa kwento ko. Nakakatuwa dahil hindi pala boring ang genre na isinusulit ko, nagtatawanan pa kami. Tapos yung mga karakter na nakalagay sa kwento kong yon ay kami-kami lang ring magkakaklase tapos may taga-ibang section din na nadamay.
Naisama ko rito sa mga character ng kwento ko ang mga sikat na lalaki sa campus namin. Pito sila. Syempre hanggang tenga at mata lang naman ako doon dahil hindi ko naman talaga sila kilala. Nakikita ko sila tapos naririnig ang mga pangalan nila nalilito pa ako kung sino ba talaga sa kanila si ganito-ganyan pero hindi ako nagtatanong sa mga kaklase ko. Pero tuwang-tuwa sila kapag pinapartner ko sila sa mga ito. Hindi ko alam kung anong meron sa pitong lalaki na yon basta ang alam ko, pwede ko silang magamit sa istoryang binubuo ko.
Pero hindi sila gaya ng f4 na nasa iisang section dahil nasa iba't-ibang section sila nanggaling. Dalawa sa mga yon ay kaklase namin, sila Rae at Sarvin. Ang tatlo sa mga yon ay nanggaling sa section A, sila Ryden, Amir at Tylar. Tapos ang natitirang dalawa ay nanggaling sa section D, sila Callen at Bracken.
Naisip kong gamitin nalang rin sila sa mga istoryang ginagawa ko dahil sa tuwing nakikita ang mga yon ng mga kaklase ko, talaga namang kinikilig ang mga ito. Naghihiyawan lalo na kapag kinausap sila. Actually, hindi naman ako nagagwapuhan sa kanilang pito pero para sa kanilang mga fans dito sa school namin, super gwapo silang lahat. Naalala ko lang din bago ko naging kaklase sila Rae at Sarvin nanggaling din ako sa section nila Callen at Bracken. Nalipat lang ako dahil nagtanong ang adviser namin kung sino ang gustong magpalipat sa section nya kaya naman nagpalipat ako. Nagpalipat ako dahil hindi ako kumportable sa section na kinabibilangan ko.
"To be continued.."
"Nakakainis ka, nakakabitin ka naman eh. Gusto ko marami kaming eksena ni papa Callen dyan ah!" request ni Darcy.
"Hoy yung samin naman ni Sarvin ah, gusto ko yung hanggang ending kasama kaming dalawa," sabi naman ni Eliana.
Natatawa lang ako sa mga request nila. Pero susundin ko ang mga yon dahil doon ako nagkaroon ng mga matuturing na close friends. Iilan lang naman talaga silang nakakausap ko dahil hindi lahat ng nasa section namin ay gusto akong maging close friend. Yung iba kasi lumalapit lang naman talaga sila sa akin kapag kailangan nila ako sa mga activities.
"Wag kayong mag-alala, mstutupad yang mga wish nyo!" nakangiti kong sagot.
"Grabi, hanggang dyan lang ba talaga yung moment namin ni Rae? Kakainis!" nakabusangot na reklamo naman ni Kiera.
"Eh, kaya nyo bang ligawan yang mga yan ng personal?" natatawa kong tanong.
"Teka, bakit kami naman ang manliligaw? Sila kaya yung lalaki," sagot ni Eliana.
"Ang tanong, gusto ba nila kayo?"
Hindi nakaimik yung tatlo.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...