Araw ng sabado ngayon. Siyempre walang pasok. Kaya naman naisip kong magpunta sa national bookstore. Hindi ako sigurado sa gagawin ko don o kung ano yung hahanapin ko doon pero gusto kong pumunta. Medyo may kalayuan ang national bookstore sa lugar namin kaya sasakay ka talaga ng jeep kung wala kang sariling sasakyan.
Hindi ko na inaya yung tatlo dahil sa pagkakaalam ko may mga gagawin sila ngayong sabado. Si Darcy preparing for birthday party ng kapatid nyang bunso. Si Eliana may imemeet daw. Masaya ko sa balitang yon dahil finally kung sinuman imemeet nya eh sana lalaki para di na sya nababaliw sa taong hindi naman sya gusto. Si Keira, ano nga ba gagawin non? Ah naalala ko na, may event don sa company na pinagtatrabahuan ng mom nya at isasama daw sya kaya naman hindi ko din sya maaaya talaga.
Hindi naman malungkot mag isa magtungo kung saan dahil sanay naman ako. Mula elementary ay ganito na ako. Bihira ko din naman makausap si Jul dahil lagi lang itong busy sa online games. Pero nakakaproud din yon dahil laging honor. Pano nya kaya nagagawa yon?
Pagpasok ko ng national bookstore namangha na naman ako. Lagi akong ganito dahil nakakatuwang makakita ng mga libro bukod sa mga stationaries. Hininto ko ang pagsusulat pero adik pa rin ako sa mga libro. Eto nga yata ang pinunta ko rito sa national bookstore. Parang tanga lang diba?
Hindi naman ako nagmadaling umalis, naisip ko pa ngang maghanap ng mga bagong libro na babasahin ko. Pampalit sa kaboringan na nararanasan ko. May mga pagkakataon pa rin na nakakapagsulat pa rin ako pero hindi na istorya dahil na rin sa nangyari. Ewan ko ba, ang tagal ng nangyari yon pero apektado pa rin ako. Parang habang nabubuhay ako pinaparusahan ako ng alaala na yon.
May isang libro ang nahatak ng mata ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong cover pero yung title parang may pagkakahawig sa ibang mga kwento pero hindi nga lang magkakapareho ng mga ginagamit na salita. Kaya naman kinuha ko. Hindi ko sya maopen para sana silipin yung content dahil nakabalot ito ng plastic. Maganda rin yung cover nya at yung author ngayon ko lang din nabasa yung name.
Unexpectedly Inlove with My Stepbrother by Heiydra.
Hindi ganon kakapal yung libro at hindi rin naman ganon kaliit. Dahil interesado ako, kaya naman kinuha ko. Yon lang talaga yong kinuha ko kaya pumila na ko sa counter. Maraming tao din nang araw na ito kaya mahaba ang pila. Maya maya lang ako na yong kaharap nung cashier kaya agad kong inilapag yung libro.
"Fan ka din ni Heiydra?" biglang tanong ng cashier habang pinaprocess yung bill ko.
"Po?"
"Naku, sikat na author pa naman yan. Balita ko may event sya next week. Nakakainggit lang kasi tapos na ang day off ko ng araw na yon."
"Bakit hindi po ninyo ilipat ang araw ng day off nyo? Mahirap pong palampasin ang isang event na pwedeng maging dahilan ng pagkainggit," sabi ko.
"Nako, hindi pwede. Ay teka.. sayo nalang tong ticket. Bigay ko na yan sayo. Pumunta ka sa event, sayang kapag hindi mo nakita yang idolo mo. Enjoy!" sabi nya saka inabot yung binili ko kasama ang dalawang ticket.
'Teka bakit dalawang ticket?'
Lalapit pa sana ako para magtanong pero busy na sya sa pagpoproseso ng bill ng mga customer. Kaya naman lumabas nalang ako.
Muli kong tiningnan yung binigay nyang ticket.
"The 5th Year Anniversary of the Ten Novels!" nalito ako sa nabasa ko pero tama naman pagkakabasa ko. "Ten novels? Ibig sabihin ba non sa limang taon sampu palang yung nagagawa nya? Teka tama ba?"
"Bagong fan ka lang o naligaw lang yang ticket sa kamay mo?"
"Ah oo naligaw lang -.. Teka!" napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Sarvin kasama nito sila Rae at Callen. "Anong ginagawa nyo dito?"
"Mamimili syempre," sagot ni Rae.
"Oo nga naman. Sorry, sige mauuna na ko!"
"Teka sama ka na samin. Kakain na din kasi kami biglang ginutom si Rae," aya naman ni Callen.
"Sigurado kayo?" tanong ko.
"Oo libre daw ni Sarvin," sabi naman ni Rae.
Napansin ko ang pagtingin ni Sarvin sa dalawa. Hindi ako sigurado kung anong ibig sabihin non.
Nakailang pilit pa sila sakin kaya naman hindi na ako tumanggi. Paglabas namin ng national bookstore, pumasok kami sa isang fast food. Sa greenwich. Nag order sila ng iba't ibang flavor ng pizza at walong drinks eh apat lang naman kami. Walong magkakaibang flavor ng drinks, in short, inorder nila yung walong flavor na nasa menu. Hindi ko alam na ganito pala sila mag order, napakarami. Narinig ko pang gusto nilang bumili ng dessert pagkatapos. Sana okay lang sila pag uwi.
"Kumain ka lang, Nahlia. Wag kang mahiya," nakangiting sabi ni Sarvin kaya ganon naman yung ginawa ko.
Makalipas ang labing limang minuto tapos na kaming kumain pero napakarami pa ring natitirang pagkain. Tumayo si Sarvin tapos nagtungo sa counter siguro para magbayad na rin ng bill.
"Ano palang binili mo sa national bookstore?" biglang tanong ni Callen.
Kinuha ko yung libro,"ito."
"Idol mo si Heiydra? Kaya pala nahilig ka rin sa pagsusulat."
"Hindi."
"Ano?"
"Interesting kasi yung title at cover kaya binili ko. Hindi ko naman pwedeng basahin don dahil magbabayad pa rin ako kaya naman binili ko nalang. Pero hindi ako fan ng author na to. Ngayon ko lang nabasa yung name nya. Usually sila Martha Cecilia lang ang kilala ko. Precious Heart Romance, yan lang yung kilala ko ring company na nagpapublish ng mga libro. Pero itong Heiydra from The Dreamweavers Page, hindi ko siya kilala."
"Kailangan mo pang maglibot sa mundo ng literature," sagot ni Callen.
"Para saan pa? Nagbabasa lang naman ako pag gusto ko yung babasahin ko."
"Para makakuha ka rin ng reference. Mas madaling magsulat kapag may reference ka. Yung event nya next week, puntahan mo. Sayang yang binigay na ticket sayo nung cashier kung hindi mo gagamitin."
"P-pano mo nalamang -"
"Nasa likod mo lang naman kami kanina. Hindi mo kami napansin dahil nakatingin ka dyan sa ticket na binigay sayo," sagot naman ni Rae.
"Oh, kanina ko pa pala kayo kasama?"
Tumango naman yung dalawa.
"Sainyo nalang to. Hindi kasi ako sigurado saka dalawa yan eh. Masasayang din naman yung isa."
"Edi pumunta tayo!" narinig kong sagot ni Sarvin dala yung mga tinake out na pagkain. "Actually, may dalawa rin kaming ticket ni Rae tapos gusto sana namin isama si Callen kaso kulang yung ticket. Hindi na nga sana kami pupunta pero dahil namomroblema ka sa isang ticket, tuloy tayo!"
Hindi naman siguro ako magkakaproblema kung sasama ako sa kanila. Dahil sayang talaga tong ticket. First time ko rin makakapunta sa isang event na kagaya nito. The 5th Year Anniversary of the Ten Novels, curious ako kung ano ba talagang ibig sabihin nito.
"Sige, sama ako."
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...