Callen Pov
"Basketball tayo ulit maya," aya na naman ni Ryden.
"Wag na! Matatalo lang naman kayo ulit," sabi naman ni Bracken tapos tumawa pa ng malakas na sinabayan naman ng lahat.
Sa aming grupo si Bracken talaga ang pinakamalakas ang trip. Malakas mang asar. Malakas ang tama. Lahat ata ng malakas siya na yon. Tapos kami nila Amir at Ryden sakto lang. Pero mas lamang ang pagiging tahimik kapag iba ang kaharap namin pero kapag kami kami ang magkakasama hindi uso ang masyadong tahimik.
Hindi ko maalala kung kailan ako napasama sa mga to. Ang alam ko lang noon mahilig akong sumama sa trip ni Sarvin at kalauna'y ito na, pito na kami.
Oo nga pala. Hindi kami nabuo ng basta basta lang kung walang dahilan. Habulin kasi talaga ng mga babae tong anim tapos ako behave lang. HAHAHAHAH! Kidding aside, ewan ko ba sa mga babaeng nag aaral sa eskwelahang ito puro pantasya ang hilig. Minsan na ring may umamin sa harap namin pero parang napahiya lang sila lalo na kay Bracken. Likas na mapang asar kaya kapag hindi mo sya kilala, mapipikon ka talaga. Kahit naman ako minsan napipikon dahil seryoso akong magtanong pero barubal sumagot. Mabuti nalang kababata ko to kaya kilala ko na mula paa hanggang ulo. Oo, magkakababata kami. Yung mga magulang kasi namin matagal ng magkakakilala at hindi lang basta kilala kundi kabigan narin kahit maging si Rae.
Si Rae ang kasabay kong nag enrol sa eskwelahang ito. Pero hindi kami naging magkaklase. Hindi siguro dahil sa grades dahil wala namang bobo saming pito. Lahat kami lagi namang outstanding pero sabi ng mga guro namin niramble raw talaga ang aming mga pangalan. Nirequest rin ng mga magulang namin na paghiwalayin kami ni Rae dahil alam nilang may gagawin kaming kalokohan pero hindi naman naging hadlang ang mga section namin dahil pakiramdam ko lumala pa lalo ang mga kalokohan namin lalo na nung naging pito na kami.
Patungo kaming cr ng mga lalaki para alam nyo na yung ginagawa ng mga lalaki ng palihim. Syempre joke lang yon. Iihi lang naman talaga kami ng sabay tapos magpapalakihan ng ano. HAHAHHAAHHHAH!
"Gusto kong maging totoo yung eksena, gusto kong makatuluyan ang mahal kong Rae," narinig naming wika ng isang babae na tila kinikilig pa.
"Syempre di kami magpapatalo ng bebe Callen ko no," sabi pa nong isa.
"Aba't!" bulalas ko tapos mahina namang nagsisitawanan ang mga kasama ko.
"Wala kong paki sa eksena nyo, basta kami ni Sarvin magiging happily ever after!" mayabang naman na sabi ng isa.
"Grabe kinikilig ako!"
Hindi pa rin sila natapos sa pinag uusapan nila hanggang sa lumabas na sila ng cr ng mga babae. Sa tingin ko mga kaklase sila ni Sarvin. Tatlo silang babae. madalas ko kasi silang makita lalo na pag nagpapacute pati kay Rae. Pero tatlo lang sila ngayon. Sa pagkakaalam ko, apat sila.
"Anong eksena?" narinig kong tanong Bracken tapos pagtingin ko kinokorner na yong tatlong babae.
"A-ah.. eh.. ano.. wala yon!" sagot ng isang babae.
"Hoy wag mo namang takutin pano sasagot yan?" sabi naman ni Amir.
"Bakit kayong tatlo lang may partner ako wala?" sabi pa ni Bracken.
"Madami dyan pili ka lang," sagot ko tapos nagtawanan kami.
"Pero sagutin nyo muna yung tanong ko, anong eksena?" baling ulit ni Bracken sa dalawa. Dalawa nalang sila kasi nauna na yung isa.
"Masyado nyo na ata kaming kinababaliwan. Nag iimagine na kayo ng story," sabi naman ni Sarvin.
"Actually, hindi naman kami. Pero natutuwa naman kami," nakangiti pang sabi nung isa.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...