Callen Pov
Naisip kong maghanap ng apartment yung malapit sa school o baka magdorm nalang siguro ako para hindi na ko lalayo ng school. Sila Rae ang may-ari ng school na pinapasukan namin kaya nung sinabi kong maghahanap ako ng apartment agad naman nyang sinabi saking magdorm nalang ako. Wala akong poproblemahin sa babayaran dahil para sa kanila hindi naman ako naiba.
Sinubukan ng ama ni Rae na kausapin si papa pero hindi ito nakinig. Dahil sobrang mahal na mahal ni papa ang stepmother ko. Sinabi pa ni papa na,"naku, malabo yan. Magkasundo nga sila sa bahay kaya imposibleng palayasin nalang ni Edith yan. Sige kakausapin ko nalang si Callen."
Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong tawag na natatanggap.
"Nakuha mo ba lahat ng gamit mo sa inyo?" ani Rae.
"Ayos na muna tong mga to. Hindi naman masyadong importante yung mga naiwan don. Saka mobile phones at laptop lang naman yung importante para hindi ako maboring dito sa dorm," sagot ko.
Kumuha lang ako ng iilang damit pati na rin isa pang pares ng uniform ko. Dahil kumpleto naman itong school, bukod sa canteen, meron namang laundry area dito kung saan pwedeng malabhan yung mga maruruming damit kapag nagkaroon ng ng hindi inaasahang aksidente sa mga uniform during school hours.
"Parang gusto ko na rin magdorm," napalingon ako kay Sarvin.
"Magbabayad ka, bro!" sagot naman ni Rae.
"Okay lang. At least may kasama si Callen. Diba?!"
"Sabagay malaki naman tong dorm. Dito ka nalang sa room ni Callen, dalawa ata kwarto dito bawat dorm," sabi pa ulit ni Rae. "Pero magbabayad ka."
Natawa naman kami.
"Negosyante talaga tong kaibigan natin," ani Ryden.
Naisip kong mag ayos ng mga gamit ko. Wala naman masyadong gamit dito sa dorm bukod sa bed, table, sofa at closet na nandito. May mga panglinis rin gaya ng walis na pwedeng magamit dito. Pero kung tutuusin hindi naman na kailangan maglinis dito dahil araw araw namang may naglilinis dito. Sa twing aalis ang bawat estudyante na nagdodorm dito sa school, saka naman pumapasok sa mga kwarto ang mga naglilinis kaya kapag papasok ka ng kwarto malinis na malinis itong tingnan.
Kinuha ko yung bag ko saka inayos sa loob ng closet yung mga damit ko. Inilapag ko rin ang phone at laptop ko sa side table para kapag gagamitin ko hindi ko na kailangan pang kunin sa bag mamaya.
"Love is blind talaga, ano?" nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako. "Hindi talaga nakikita ng mata ang tunay na kulay nang isang tao dahil nakakabulag ang pag ibig."
"Sarvin.. kung kinakailangan kong magtiis gagawin ko para kay papa. Ayoko ng bumalik sa dati si papa kung saan malulugi na yung kumpanya dahil napabayaan na ni papa sa sobrang paglalasing. Kung.. kung masaya sya sa mga kasinungalingan ng stepmother ko, hindi ko sya masisisi."
"Pero hindi ka dapat nagtitiis ng ganito dahil anak ka nya. Paano kung wala kang pwedeng malapitan, sa tingin mo ba malulungkot ang ama mo sa kung ano ang maaring mangyari sayo?"
"Kung galit ka sa tatay mo, wag mo kong itulad dahil magkaiba sila ni papa. Yung tatay mo iniwan kayo samantalang ako, hindi ako iniwan ni papa," giit ko pa.
Napansin kong natahimik sya sa sinabi ko.
Sa aming pito, ang tatlo sa amin ay kumpleto ang pamilya. Meron namang broken family because of some issues at yung iba naman ay walang nakagisnang magulang.
Sa mata ng lahat ng estudyante ng school namin ay perpekto kami. Perpektong pamilya at perpektong buhay pero hindi nila alam ang mga lihim ng bawat isa sa amin. Tulad na lamang namin ni Sarvin. Ako, wala ng nanay. Pero si Sarvin, iniwan ng tatay.
"Siguro nga magkaiba sila. Mas maigi ng iniwan nya kami kaysa nagdudusa ng husto si mama sa ginagawa ni papa," maya maya'y narinig kong sabi nya.
Hindi na ko sumagot. Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Malayong malayo ang diperensya ng tatay naming dalawa. Pero may punto naman sya. Bakit nga naman ako magtitiis kung mukhang ako lang naman ang nagmamahal sa tatay ko pero ako hindi ko siurado kung mahal pa ba ako ng tatay ko?
"Hoy, matagal pa kayong dalawa dyan? Baka kung ano ng ginagawa nyo dyan ah!" narinig kong sigaw ni Bracken.
Muntik ko ng makalimutang nasa sala pala yung lima.
Nag order sila ng mga pagkain dahil gusto lang nila. Kasama na don ang pag order nila ng alak pero hindi naman yung hard. Syempre sikreto lang naman yon. Mahigpit kasi dito sa dormitory pero nakaligtas naman yung mga inuming binili nila. Oo, binili nila. Hindi nila inorder kasi baka daw mahuli ng guard. Pero dahil kilala sila Rae ng guard kaya naman hindi na ininspection kung ano ang mga dala nila kaya ayon tuwang tuwa naman sila.
Soju ang binili nilang inumin. Sabi kasi para daw sa mga beginner. Napagtripan lang talaga nilang subukan uminom tapos hindi na namin binasa kung ilang percent yung alcohol kaya naman hindi namin namalayan na medyo may tama na kami.
"Sarvin, crush mo ba yung Nahlia?" biglang tanong ni Bracken.
"Huh? Pano mo naman nasabi?" si Sarvin naman.
"Napansin ko kasing lagi kang nakasunod don. Actually, maganda yung Nahlia. Kung bet mo, bakit hindi mo ligawan?" panunukso nito.
"Tumigil ka nga. Lasing ka lang eh!"
"Why don't we make a bet?" bigla namang sabi ni Tylar.
"Mga gago ba kayo? Nananahimik yung tao tapos pagtitripan nyo!" ramdam kong medyo inis na si Sarvin dito.
Sa aming pito, si Sarvin ang naiiba. Hinahangaan ko siya sa parteng iyon kaya siguro maraming nagkakagusto at humahanga sa kanya. Marespeto siya sa mga babae ako din naman. Actually pareho kami kaya nga magkasundo kami ni Sarvin dati pa. Nagkakaroon lang minsan ng hindi magandang pag uusap pero iisa lang ang takbo ng utak namin.
"Sus, kunware ka pa. Ano.. deal?" pang aasar pa ni Bracken.
"Bakit naman si Nahlia naisip mong pagtripan Bracken?" ako naman ang nagtanong.
"Because Nahlia is like an unexpected rain and very interesting," sagot naman nito.
"Lasing na yan," sabi naman ni Amir saka tumawa.
"Ayaw mo, Sarvin?" nakaeye to eye naman sya kay Sarvin. Na animo'y patagalan kung sino ang unang bibigay o titiklop. "Sige ako nalang! In just two -"
"Subukan mong pagtripan si Nahlia, sinasabi ko sayo!" nagulat ako ng biglang kwelyuhan ni Sarvin si Bracken.
Tapos tanging tawa naman yung isinagot ni Bracken.
"Tama na yan! Siguro magsiuwian nalang tayo para makapagpahinga na rin si Callen," biglang awat nama ni Rae.
"Relax, Sarvin. I'm just kidding. Well.. the truth is now revealed. Can you put me down?"
Agad namang binitawan ni Sarvin si Bracken saka lumabas ng dorm.
Nagpaalam na rin ang iba saka naman ako nagligpit ng mga kalat.
'Well.. the truth is now revealed'
Ibig sabihin may gusto si Sarvin kay Nahlia. Tama ba yung pagkakaintindi ko?
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...