Third Person Pov
Tatlong araw ng nakakalipas ang pangyayaring pag-uusap ni Nahlia at Sarvin kung saan ipinagtapat ng dalaga na nahihirapan na siya sa tinatrato sa kanya ng mga tao sa school nila. Tatlong araw na ring wala si Nahlia dahil sa mga nangyari. Walang pasabi o excuse letter na pinadala para malaman kung ano na ang nagyayari sa kanila. Siyempre malungkot ang tatlong kaibigan ng dalaga na naiwan niya sa school na iyon. Malungkot din sila Sarvin sa nangyayari.
Dahil sa hindi pagpasok ni Nahlia ng tatlong araw, kumalat ito sa loob ng campus at bumuo na naman ng mga katanungan na 'bakit kaya'. karamihan sa mga estudyanteng nag aaral sa campus na yon ay natutuwa dahil wala na si Nahlia. Naisip nila na mas madali na silang makakalapit muli kay Sarvin pero yon ang akala nila.
Isang buwan pa ang lumipas pero walang Nahlia ang nagpakita. Nag aalala na si Darcy dahil sa huli nilang pag uusap nasa rooftop ito nang iwan niya. Baka kung ano na ang ginawa nito dahil nang araw ding iyon nakikita na niyang nahihirapan si Nahlia.
"Dapat hindi ko siya iniwan sa rooftop. Paano kung tumalon pala siya pagkaalis ko?" nahihintakutang tanong ni Darcy.
"Edi sana may bangkay na nareport sa school natin!" sagot naman ni Eliana.
"Hindi ba kayo nag aalala sa kaibigan natin baka kung napano na yon. Hindi lang siya isang linggong hindi pumasok eh. Isang buwan na girls!" sabi pa ni Darcy.
"Puntahan nalang kaya natin siya sa bahay nila," suhestyon naman ni Keira.
"Sige mamaya after ng klase natin."
Tulad ng napag usapan, nagtungo sila sa bahay ni Nahlia pero bigo silang makita roon ang dalaga. Ayon sa ina ng dalaga, nakiusap daw ito na iuwi nalang siya ng probinsiya. Doon daw nito gusto tapusin ang high school. Naikwento rin ng ina na lihim lang din ang pag asikaso ng mga papel ni Nahlia dahil ayaw niyang ipaalam ang pag alis niya sa mga nag aaral sa eskwelahan nila.
Noong gabing umuwi ito, nakaabang sila ng tatay ni Nahlia dahil gabing gabi na wala pa raw ito. Hindi nila alam kung ano ang pinagdadaanan ng dalaga. Hindi rin kasi ito nagkukwento kung ano ang nangyayari sa school. Nang umuwi ito, imbes na sermunan ng ama dahil sa late na pag uwi nito hindi na nito nagawa dahil bigla nalang yumakap si Nahlia sa papa niya. Humahagulhol ito ng iyak. Tapos nakiusap na gusto na niyang lumipat ng school. Gusto man niyang magpaalam pero hindi na niya ginawa pero sinabi sa ina kung sakaling magpupunta ang mga kaklase niya sa bahay nila gusto niyang malaman nito ang totoo, ang pag alis niya.
Hindi na binanggit ng ina ng dalaga kung saang probinsiya dahil ayaw niyang guluhin pa ang anak ng mga naging kaklase nito. Tama na yong nalaman nila ang totoo kung bakit nawala na parang bula ang dalaga.
Sarvin Pov
Hindi ko inaasahan ang mga narinig kong salita mula mismo kay Nahlia. Matagal na nga ba siyang ginugulo ni Bracken? Pero bakit?
Nagpapraktis kami ng basketball ngayon dahil matagal na rin nong huli namin itong ginawa. Binabalak rin nilang sumali sa tournament dahil nirerequest ito ng school lalo na anak ng may ari ng school ni Rae. Pero kahit anong gawin kong pakikisama sa kanila ay hindi ko magawang magfocus dahil sa mga nalaman ko mula kay Nahlia. Tumayo ako at lumapit kay Bracken. Malawak pa ang pagkakangiti nito dahil nakakalamang na sila sa puntos pero laking gulat niya ng bigla ko siyang suntukin sa pisngi at bigla na lang itong natumba. Mayroong dugo na nagmantsa sa mga kamao ko dahil sa pagsuntok ko sa kanya.
"Teka, bro! Walang pikon satin.. Laro lang dapat!" awat ni Ryden.
Nakuha pang tumawa ni Bracken sa kabila ng ginawa kong pagsuntok,"loser!"
"Masaya ka ba sa ginagawa mo Bracken," seryoso kong tanong. Gustung gusto ko siyang bugbugin dahil sa ginawa niya kay Nahlia.
"Of course," tapos lumapat din ang kamao niya sa mukha ko dahilan para magdilim ng kaunti ang paningin ko. "Hindi ko alam kung nagagalit ka dahil nakakalamang na kami ng puntos pero what the heck? Isa ka na palang loser ngayon? Talunan ka! Talunan!"
Walang sabi sabing sinuntok ko siyang muli. Pumaibabaw ako sa kanya saka pinaulanan ng suntok si Bracken. Hindi ko na makontrol ang sarili ko pero dama ko ang mga kaibigan naming pilit kaming inaawat.
"Masaya ka sa panggugulo mo kay Nahlia? Masaya ka? Ano bang problema mo sa kanya? Ganyan ka ba talaga kasamang tao? Pati yung walang alam dinadamay mo! Bakit hindi ka pa natinag sa mga balak mo, gusto mong sumikat lalo? O baka naman ikaw talaga tong may gusto kay Nahlia. Sana sinabi mo sa akin para naman hindi na umabot sa ganito. Tuwang tuwa ka ba sa ginagawa mo, Ha???" pasigaw kong sambit sa kanya habang patuloy siyang sinusuntok. Nang makaramdam ako ng pagod umalis ako sa ibabaw niya.
Tahimik ang lahat sa paligid namin. Siguro dahil nagulat rin sila sa mga sinabi ko. Maging si Bracken, walang tinig na lumabas sa bibig niya.
"Kung anuman ang mangyari kay Nahlia, pananagutan mo yon!" Hindi na ko nakatiis kaya umalis na rin agad ako. Iniwan ko silang lahat doon.
Matapos ang gabi na iyon, hindi ko na nakita pang muli si Nahlia. Ito yung pangalawang beses na nawala ang babaeng gusto ko dahil kay bracken. Noong una pinalampas ko pa pero dahil sa ginawa niya ngayon kay Nahlia hindi ko na kaya pang manahimik. Alam ko ang galit niya sa mga babae dahil sa ginawang pag iwan sa kanya ng nanay niya. Maging tatay wala na ito dahil namatay naman sa aksidente. Wala ring balita kung ano ang nangyari sa nanay niya kung bakit bigla na lang siyang iniwan. May mga balitang dahil sa lola niya kung bakit umalis ang nanay niya. Mahirap lang ang nanay niya at ayaw daw ng lola niya rito. Marahil iyon ang isa sa mga rason kung bakit bigla nalang siyang iniwan ng nanay niya sa poder ng lola niya. Mahal siya ng lola niya kahit na galit ito sa nanay niya. Kitang kita rin ang pagkakahawig nila ng tatay niya dahil na rin siguro.
Hindi ko aakalain na siya ang dahilan kung bakit nawawala ang mga babaeng gusto ko. Hindi ko alam kung ano pang ginawa o sinabi niya kay Nahlia pero gusto kong pagdusahan niya ang mga ginagawa niya.
Isang linggo na ang nakakalipas hanggang sa umabot pa ng ilang buwan ngunit wala ng Nahlia na nagpakita pa sa school. Nasira na rin ang barkadahan namin dahil kay Bracken. Nagalit din ang iba dahil sa nalaman nilang ginawa ni Bracken kay Nahlia. Kumpleto pa rin kaming magkakasama pag pumapasok ng school pero hindi alam ng karamihan na sirang sira na ang dating pito. Tanging sila Rae at Callen nalang ang madalas kong kasama dahil sila Ryden, Tylar, at Amir ay laging kasama ni Bracken. Nakakausap ko pa rin silang lima maliban kay Bracken dahil galit ako dito.
Maraming buwan pa ang lumipas hanggang sa nakagraduate kami na ganon ang naging set up ng buong grupo.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...