"Para sa project nyo, magbubuod kayo ng isang libro ng noli me tangere. Siyempre gagawin nating groupings yan baka magreklamo na naman kayo na pinapahirapan ko kayo!" ani Mr. Henry. "Bibigyan ko kayo ng limang minuto para maghanap na kayo ng kagrupo nyo ngayon na. Kapag nakahanap na kayo, ilista ang inyong mga pangalan sa one-fourth sheet of paper para iraraffle natin pagkatapos kung anong group number kayo. Apat na miyembro lang bawat grupo. Sige na, magsimula na kayo maghanap ng kagrupo nyo!" utos ng guro namin.
Naisip kong maging kagrupo nalang yung tatlo sila Eliana, Darcy at Kiera. Pero bago pa ako makalapit don sa tatlo may mga tumawag na sa akin. Nakita ko si Rae at Sarvin na magkasama papunta sa direksyon ko. Naisip ko ng lalapit ang mga to dahil pagbubuod ng nobela ang usapan. Masasabi kong may itsura sila. Very attractive naman pero tamad lang talaga. Si Sarvin yung pinakamatangkad sa kanilang dalawa tapos yon din ang pinakamaputi kaya siguro daming nababaliw rito dahil sa angking itsura nito na ang nakikita ko ay mukha namang bakla. Matangkad, maputi, matangos na ilong, makakapal na kilay at labi. Maganda rin ang hugis ng kanyang buhok tapos bumagay rin naman yung magulo nyang buhok. Siguro ganon din talaga kagulo yung buhay nya. Tapos si Rae naman, mababa lang konti kay Sarvin pero kung magdidikit kami, sobrang tangkad naman niyang lalaki. Ang kulay ng balat nito maputi pero hindi gaya kay Sarvin. Matangos din ang ilong, yung kilay saktong kapal lang, normal lang din ang kapal ng mga labi nito tapos maganda rin ang hugis ng mukha kaya siguro marami din itong fans.
Bago pa sila tuluyang makalapit sakin, hinatak na ko nila Eliana para maging kagrupo ko.. Sana! Yun ang inaasahan ko pero...
"S-si Sarvin makikigrupo ata sayo. Pumayag ka ah, tapos sama mo ko!" kinikilig na sabi ni Eliana.
"Ako nalang sama mo wag si Eliana para makasama ko sa groupings si Rae," saad naman ni Kiera.
"Sige kayo-kayo nalang maggrupo tapos kami na bahala ni Darcy magdagdag ng dalawa," sagot ko.
"HINDI PWEDE!" sabay pa nilang sambit.
Umiiling-iling nalang ako.
"Ahm.., kulang kasi kami baka gusto mo sumama sa grupo namin Nahlia," bumaling ako sa nagsalita tapos nakita ko yung dalawa. Nasa likod ko na pala sila.
Tumingin lang ako.
Wala kasi akong balak na maging kagrupo sila dahil kung tutuusin pwede naman na kaming apat nila Eliana kaso sadyang malalandi lang itong mga kaybigan ko. Pwede kong isama sila Rae at Sarvin sa story ko kahit ano pang gawin nila basta hindi ko sila gustong maging kagrupo dahil siguradong tinatamad lang sila gumawa. Project ba naman eh.
"Ah.. Ano kasi ma-"
"Kumpleto na kami Nahlia. Kayo nalang ni Darcy!" putol ni Eliana sa sasabihin ko.
"Ha.. Sigurado ba kayo?" tanong ko.
Tumangu-tango pa yung dalawang malandi.
Tapos bumalik ako sa dalawang lalaki na sobrang lapad naman ng ngiti.
"Rae, Sarvin, baka gusto nyo ng kagrupo-"
"Kumpleto na kami," sagot ni Rae don sa isang kaklase naming babae.
Kumuha si Sarvin ng one-fourth na papel tapos nagsulat. Nakatingin lang ako.
"Ayan, kumpleto na tayo. Bigay mo na don kay sir!" sabi ni Sarvin tapos binigay kay Rae yung papel.
Ganon nga ang ginawa nya, binigay kay Mr. Henry yung papel namin tapos ilang minuto pa ang lumipas saka nakumpleto yung groupings. Niramble na nga ng teacher namin ang papel tapos group number 4 kami.
Hindi lang pala pagbubuod ang gagawin namin sa nobela, kundi iaaksyon din pala namin na ikinagulat naming lahat. Bali nakabuo ng sampung groupings ang aming section. Tapos binago rin ni sir yung gagawin namin. Hindi na namin ito ibubuod ng buong libro kundi bawat chapter nalang ang gagawin namin tapos magrorole play kami kung ano ang mangyayari doon sa bawat chapter na ibinigay sa amin.
"Ang deadline nyan ay 3rd week na nitong month. Ipapasa nyo sakin yung role play nyo ng nakavideo. Kung sino ang hindi gagawa ay awtomatikong bibigyan ko ng 65 na grade. Okay, class dismissed!" paalala ng guro tapos lumayas na.
"Praktis tayo mamaya," sabi ni Sarvin.
Napalingon ako.
"Doon tayo sa malapit sa library magpraktis para malawak yung space natin," dagdag pa ni Rae.
"Kailangan muna natin magbuod saka tayo magpraktis!" sagot ko.
"Edi magbuod tayo mamaya!" sagot ni Rae.
"Wag ka mag-alala Miss Nahlia, di kami magiging pasaway," sabi naman ni Sarvin.
.
"Sige, after class," ani ko.
Bumalik na kami sa mga upuan namin dahil may susunod pa kaming subject.
Mukha namang hindi talaga magpapasaway yung dalawa pero ayoko maging kumportable baka kasi sa una lang naman sila may ambag. Hangga't maari nga sana kaming magkakaibigan yung magkagrupo dahil hindi naman talaga ako sanay na may kagrupong lalaki. Kaso halatang ibebenta ako ng dalawang yon para lang sa mga kinababaliwan nilang mga tao. Halos ba naman maihi na sila nung lumapit samin tong dalawa. Partida dalawa palang yan ah pano na kaya kung yung pito na ang lumapit samin baka hinimatay na sila.
"Siguro kung classmate natin si papa Callen baka nag-eenjoy ako ngayon," nakasimangot na sabi ni Darcy.
"Tinanong nyo ba ko kung masaya ako sa set up natin ngayon?"
"Alam mo, Nahlia. Makisakay ka nalang. Alam mo namang handa ka naminh ipambayad makuha lang namin ang mga crush namin. Alam din namin na lalapitan ka nung mga yon dahil kakailanganin ka nila. Alam din naman nila na hindi namin kayang gawin yung ginagawa mo kaya ayon!"
"Ano sabi mo? Pano nila nalaman na marunong ako magbuod?"
"Eto kasing si Kiera at Eliana ang daldal. Ayon, narinig yung dalawa nung mga yon kaya nagkaroon sila ng ideya na lumapit sayo," paliwanag nya.
Nasapo ko nalang yung noo ko.
Naiisip ko palang na kung makikita nila yung laman ng istorya ko baka ibaon ako ng mga yon sa lupa. Eliana! Kiera! Grabi na talaga kayo!
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...