Nahlia Pov
"Bracken?" tanong ko.
"Mabuti naman at naalala mo na ko. Well, you're hired. From now on, lahat ng sasabihin ko lang ang pwede mong sundin?" aniya.
Medyo naghahang pa ko sa mga naririnig ko. Kailangan ko ng clarification, kaliwanagan sa mga pinagsasabi niya. Saka anong kinasusuklaman pinagsasabi nito? Yeah, worse yung experience ko in high school because of him that's why I decided to move. To heal myself sa mga trauma na nararanasan ko while I'm in high school but it doesn't mean kinasusuklaman ko na siya. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya pwera nalang kung siya mismo talaga ang galit sa akin.
"Eh paano kung hindi ko tatanggapin yang offer mo? Anong gagawin mo?" paghahamon ko.
"Pamangkin ka ni Mr. Gregorio Flores hindi ba?" napatango naman ako sa sinabi niya na may pagdududa. "I'm planning to promote him as manager sa department na kinabibilangan nya. Nakakalungkot naman kung hindi matutuloy. Napakatagal na rin niyang nagtatrabaho sa kumpanya ko, baka naman gusto mo siyang isalba?" nakangiti pa niyang sabi.
Teka medyo naghahang ako,"ano naman kinalaman ko don?"
"Sabi mo, paano kung hindi mo tatanggapin ang offer ko. Actually, you're hired palang naman sinasabi ko and I didn't mention any incentives or salary amount to make sure na igagrab mo na yong offer ko. Bahala ka kung ayaw mo. Basta wag mo kong sisihin kapag nawalan ng trabaho yung tito mo."
"Are you threatening me, right?"
"What do you think?"
"Ganito ka pala maghire ng mga taong ayaw sayo. Well, sige pagbibigyan kita. Magtatrabaho ako as secretary mo pero may rules at ako ang gagawa."
Humagalpak naman siya ng tawa,"ako ang amo rito, ako ang magpapasweldo sayo, bakit parang ikaw naman ang masusunod dito?"
"Pinilit mo ko hindi ba? So, bakit hindi ako ang gagawa ng rules para patas tayo?"
"No, I didn't. Desisyon mo ang magtrabaho as secretary ko kaya hindi tayo patas. Ano ng plano mo?"
Hindi pa rin pala siya nagbabago. Akala niya talaga lahat ng gusto niya makukuha niya. 'Kung gusto mo ng laro, pwes makikipaglaro ako' naisip ko lang.
"Dahil kailangan ko ng trabaho, sige. Papayag akong maging secretary mo."
May iniabot siyang papel sa akin. Sa itsura palang kitang kita ko na agreement iyon. Kung hindi ba naman napaka segurista nitong mokong na to.
"Basahin mo bago mo pirmahan. Mahirap na baka magreklamo ka na naman!"
Nakasaad sa kasunduan na ang sasahurin ko ay dalawang daang libo kada buwan na ipinagtaka ko pero hindi ako nagtanong. Bagkus, binasa ko pa ang iba pang nakasulat. Nakasaad rin dito na kapag tumawag siya o kinailangan niya ako dapat agad akong magpunta. Walang day off na mangyayari dahil eight hours lang naman ang trabaho ko. Pero sa isip isip ko hindi naman pang eight hours kung oras oras niya ko biglang tatawagin. Nakasulat din kung ano ang mga magiging role ko which is hindi ko naman pinagtaka dahil inexpect ko naman na pero yung mga ibang nakasulat dito ay hindi ko inasahan. Ang laki nga ng sahod pero ginawa naman akong robot. Kaya mas gusto ko nalang ng mababang sahod kesa ganto.
Kasama ko rin siya sa lahat ng meeting o lugar na pupuntahan niya. Maging ang mga kasuotan na gagamitin niya ay dapat kong ihanda.
"Aba, secretary ba talaga inapplyan ko o katulong?" reklamo ko.
"Malaki naman ang offer ko. Hindi ka na talo don!"
Inirapan ko nalang siya. Nakasulat din dito na hindi ako pwedeng kumain sa cafeteria dapat sabay kaming kakain. Hindi rin ako pwedeng makipag usap kahit kanino maliban sa kanya.
"Alam mo yung kasunduan mo para sa preso. Akala ko ba secretary ang trabaho ko? Bakit hindi ako pwede makipag usap sa kahit kanino?" angal ko na naman.
"Mahirap na baka ipagkalat mo pa yung sekreto ng negosyo ko!" anito.
"Eh bat ka pa kumuha ng secretary? Kaya ka siguro lagi naghahanap ng secretary dahil sa mga kondisyon mo!"
"Ang tagal mo namang pumirma."
"Maghintay ka! Hindi pa ko tapos magbasa."
Napapailing iling nalang siya. Sa huling nakasulat bigla na lamang akong natawa. Napansin kong napatingin siya sa ikinilos ko. Kasi naman kahit sino matatawa. Siya lang yung nakilala kong amo na magkakaroon ng ganitong kasunduan.
"Don't try to fall in love with me," tapos tumawa na naman ako.
"Naniniguro lang ako. Mahirap na baka mainlove ka sakin kaya kapag nainlove ka sesante ka na."
"Edi maganda kung sesanti pero yuck di kita magugustuhan no!"
Napapahilamos nalang siya ng kamay niya sa mukha niya. Wala naman sana akong balak na asarin siya kaso nakakainis siya eh. Harapin nalang niya consequences kumbaga. Pinilit niya ko kaya pilitin niya rin akong intindihin. Mahirap kaya pagsilbihan yung taong hindi mo gusto pagsilbihan.
Tumigil na ko sa pagtawa at pinirmahan ko na rin yung papel. Akala ko naman pwede na akong umalis o bukas pa ako magsisimula pero dahil pinirmahan ko yung agreement, magsisimula na ako ngayong araw.
Matapos namin sa kwartong iyon, nagtungo na kami sa opisina niya. Sa opisina niya na mahirap hanapin. Hindi ko alam kung nakailang pinto kami bago tuluyang makapasok sa loob ng opisina niya. Kaya kung sakaling maligaw ako rito hindi ko kasalanan dahil sa style ng pintuan ng opisina niya. Hindi ko na naabutan ang sekretaryang tinutukoy ng tito ko. Siguro si Bracken na rin magtatyagang turuan ako. Aba dapat lang no.
"Diyan ang table mo," itinuro niya ang hindi kalakihan na mesa sa tabi ng malaking mesa kung saan ang pwesto niya. Bali ang pwesto ko ay nasa loob lang ng office niya. Paano ko naman malalaman na may gustong kumausap sa kanya? "Kung iniisip mo yung mga maghahanap sakin, don't worry may devices tayo para diyan. All you have to do, answer the phone, answer an email and focus everything I say. Dahil ngayon ang start ng trabaho mo, sumama ka sakin."
"Saan?""Wag ka nang magtanong. Sumunod ka nalang. Isa pa, I'm your boss. Stop acting like we're close. Remember the agreement!" aniya.
"Wala naman sa kasunduan yon!" bulong ko.
"What did you say?"
"Wala," ngumiti ako ng peke.
Sinimulan na niyang ituro kung ano yung mga dapat kong gawin. Hindi naman mahirap ang mga gagawin ko pero nakakapagod siyang kasama.
I remember how Bracken face everyone. Maraming nagkakagusto sa kanya noong high school pero walang nagtatangkang umamin dahil sa ugali niya. Maawa ka nalang talaga sa mga babaeng binabara niya. Yung mga babaeng nababaliw sa kanya. Pero ang tibay nga nila dahil hindi naman sila nawalan ng gana kay Bracken. Sabagay, sino ba naman ang hindi mababaliw kay Bracken? Eh yung itsura niya pa lang na pang maharlika. Kahit anong suotin o iporma niya ay bumabagay sa kanya. Siya yung tipo ng taong kababaliwan talaga ng kahit sino. Lalo na ngayong nagmatured siya. Hindi ko talaga siya nakilala dahil mas lalo siyang gumwapo ngayon.
Kaya napapaisip tuloy ako kung naging bakla ba talaga siya dahil pilit niya kong inilalayo kay Sarvin noon na ang totoo wala naman talaga kaming relasyon. Ang kulay ng mga mata niya ay kulay amber na parang isang lobo. Mapanga rin siya na talagang bumagay sa itsura niya. May ilang maninipis na bigote at balbas na lalong nagpakalalaki sa itsura niya. Habang magkatabi rin kami ay napansin kong napakatangkad niya. Hanggang kilikili lang ata ko at higit sa lahat yung matipuno niyang pangangatawan. Halatang batak sa gym.
Pero kung naging lalaki ako, baka mas gwapo pa ko sa kanya charowt lang syempre.
"Gusto ko before ako dumating bukas, nakaready na ang lahat. Ayaw kong may naiiwan o nawawala kahit isa. Bago ka pala umuwi sumama ka muna sa bahay ko."
"Ha? Bakit?"
"Wala kong gagawin sayo pero ikaw may gagawin ka!" paliwanag nito.
"Teka wala sa kasunduan yan," kinakabahan ako sa mga sinasabi niya.
"Ano bang iniisip mo? Ihahanda mo lang ang mga gagamitin kong damit para bukas. Kailangan mong sumama ngayon para bukas alam mo na kung saan ako nakatira. Nagkakaliwanagan ba tayo?"
Napahinga naman ako ng malalim.
"Copy, sir!"
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...