Mula noong araw kung kailan ko nalagyan ng ending yung istoryang ginawa ko, hindi na ko muling nag umpisa ng panibago. Gusto kong subukan, gusto kong subukan na maging normal nalang ang routine ko. Papasok sa school, makikipagkulitan sa mga kaibigan ko, makikipagkuwentuhan kay mama o sa kapatid ko o di kaya gawin ang mga activities or assignment kung meron. Gusto kong ipahinga yung utak ko baka sakaling hindi na muling bumisita ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan.
Balak naming tapusin na yung paggawa ng video para matigil na rin yung pakikisama ko kanila Sarvin at Rae. Normal naman kasi ang buhay ko noong hindi ko pa sila nakakausap pero mula noong nagsimula kaming magkaroon ng proyekto sa filipino, ayon di na natahimik yung mundo ko. Mabuti nalang nakumbinsi ko na rin silang tapusin na namin yung proyekto namin. Hindi ko sinabi kung bakit pero sinabi ko na para wala na kaming iisipin kaya naman nakumbinsi ko sila.
After class namin naisipang gawin yung video. Kumpleto naman kami sa gamit kaya wala kaming problema. May camera naman na magagamit. Hinanda ko na yung mga script baka kasi hindi pa rin nila nakakabisado kaya mabuti na ring handa. Duda rin kasi ako na nakabisado na nila yung script dahil marami din naman kaming ginagawa sa mga subject namin.
Breaktime...
"Tara nagugutom na ko!" angal ni Eliana.
Isa isa naman nagsitayuan ang tatlo para lumabas at magtungo sa canteen. Pero wala akong balak lumabas. Inaayos ko kasi yung mga dadalhin mamaya para doon sa gagawin naming video. Ayoko pa naman na may makalimutan dahil panigurado hindi na naman kami matatapos at aabutin nalang kami ng ilang araw na naman.
"Hindi ka sasama?" narinig kong tanong ni Keira.
Nakayuko pa rin ako dahil sa ginagawa ko."hindi na muna. Kayo nalang. Siguro sabay nyo nalang ako kung anong bibilhin nyo yon nalang akin."
"Sigurado ka?"
Tumango ako.
"Sige. Bahala ka. Sabi mo yan ah."
"Syempre yong sa tingin nyo makakain ko naman. Pag hindi ko nagustuhan yung dinala nyo sakin di ko babayaran yan," paniniguro ko.
Tapos narinig ko silang tumawa.
Alam nilang alam ko na pagtitripan na naman nila ko kaya sinabihan ko na agad sila. Madalas nila kasing gawin yon sa twing magpapasabay ako sa kanila ng pagkain. Syempre ang ending non di ko sila binabayaran at hindi ko kinakain yung dinadala nila.
Naalala ko pa non nung minsan na pinagtripan nila yung wasabi. Hinalo ba naman doon sa burger kaya naman syempre sila ang kumain non. Akala nila maiisahan nila ko. Inamoy ko muna kahit hindi ako sigurado kung ano nga ba ang amoy nong wasabi. Nagtaka lang ako kasi iba yung amoy ng burger na binigay nila sakin. Hindi yung natural na burger na binibili talaga sa canteen. Kaya ayon hindi ko kinain. Sinabi ko nalang na nawalan ako ng gana at nakalimutan ata nila yong ginawa nila kaya nabiktima sila ng kalokohan nila. Ang bilis ng karma.
"Mukhang excited ka ng matapos yung video ah. Mamaya pa yong uwian nakaready na yan," bigla naman akong napatingin sa kung sino yung nagsasalita. Si Sarvin.
"Syempre naman excited ako para naman mabawasan na yong gagawin ko. Ayoko ring may makalimutan kaya naman hinahanda ko na," paliwanag ko.
"Yon ba talaga ang rason?"
Napatingin naman akong bigla sa kanya,"ha?"
"Bingi ka ba? Tayo lang dalawa nandito hindi mo pa narinig yong sinabi ko?" aniya.
Oo nga pala, kaming dalawa lang pala naiwan dito sa room. Thirty minutes din ang breaktime namin at aabutin lang naman ng fifteen minutes yung tatlo bago makabalik dahil matagal mamili yong mga yon. Mas madami pa yong naconsume na oras sa pagpili kaysa sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Imahinasyon
RomanceNaranasan mo na bang magmahal sa maling tao sa tamang panahon? Gaano ka katapang na sambahin siya kahit may gusto siyang iba? Si Nahlia ay naging sikreto ang pagsusulat mula noong siya ay nasa elementarya. Ang mga nakapaligid sa kanya ay walang kama...