Chapter 9: New Friend

3 0 0
                                    


"Ako nga pala si Debbie."

"H-ha?"

"Gusto mong ulitin ko yung sinabi ko?" nagtatakang tanong nito.

Umiling iling naman ako,"a-ano hindi," napakamot ako bigla sa ulo ko.

"Anong pangalan mo?"

"A-ako si Nahlia."

"Ah ikaw pala yon," ngumiti naman sya tapos kinuha yung kamay ko para makipagkamay. "Ikaw pala yung pinagtsitsismisan ng karamihan. Gumagawa ka pala ng story? Parang gusto kong mabasa yung ginagawa mo. Mahilig ako magbasa ng stories, sa tingin ko bagay tayong magpartner," nakangiti pa nitong sabi.

Nataranta naman ako. 

'hindi pwede. Hindi nya pwedeng basahin ang mga naisulat ko. Hindi pwede'

"Nahlia, okay ka lang?" napatingin naman ako sa kanya.

Sabay kaming lumabas ng cr at hindi ko namamalayan kung nasaan na kami dahil gulung gulo pa rin yung utak ko. Bumabalik na naman sa utak ko yung nangyari noong elementary ako. Ayoko ng maulit yon. Dapat nga sigurong itigil ko na yong pagsusulat ko. 

Habang naglalakad, palinga linga naman ako sa kanya na masaya yung mukha. Nakaramdam ako ng takot dahil baka awayin nya rin ako. Sa tingin ko, anumang oras lalayuan na ko ni Eliana dahil sa ginawa ko. Oo istorya lang yon pero sa edad namin na to, pantasya ang halos bumubuhay sa mga pangarap namin at bigla ko nalang sinira yon. Hindi ko alam gagawin ko. Ayoko ng magkulong sa kwarto ng malungkot.

"Hoy, Nahlia! Andyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap." napatingin ako sa papalapit na babae, si Darcy. Kasama nito ang dalawa, si Keira at Eliana. "Nahlia, okay ka lang ba? Parang ang laki ng problema mo dyan. Oo nga pala di naman galit si Eliana sayo. Nag ooverthink ka na naman," natatawa pang sabi nya.

"Eliana? Sino si Eliana?" biglang tanong naman ni Debbie.

"Ito!" sabay turo kay Eliana. "Teka, magkakilala kayo?" 

Tumango naman si Debbie,"oo kanina lang. Napagkamalan nya kasi akong si Eliana doon sa kabilang cubicle sa cr. Akala nya ako si Eliana tapos nagsosorry sya."

"A-ah.. k-kasi umiiyak ka sa loob kaya akala ko ikaw si Eliana," depensa ko.

Nagtawanan naman sila.

"Naku, di naman ako galit. Story lang naman yon syempre di naman magkakatotoo yon," natatawa namang sabi ni Eliana.

Gumaan naman kahit papaano yung pakiramdam ko dahil medyo naliwanagan naman ako sa mga naiisip ko kanina. Hindi naman pala sya galit. Hindi nya ko lalayuan. Napangiti naman ako.

"Anong pangalan mo?" si Keira naman ang nagtanong na ikinawala ng ngiti ko.

"Debbie."

'patay na'

"Debbie pangalan mo?" seryosong tanong naman ni Eliana.

Masaya pang tumangu tango si Debbie kaya lalo akong nastress. Naramdaman ko nalang na bigla akong nawalan ng pakiramdam. Pero mukhang mahuhulog ako sa hindi ko malamang dahilan.

'tulong! tulungan nyo ko'

Biglang dumilim. Hindi ko na sila makita. Wala kong makitang tao sa paligid ko. 

'nasaan sila? Darcy? Eliana? Keira? D-Debbie? nasaan kayo?'


Darcy Pov

Nataranta kami ng biglang bumagsak si Nahlia. Kaya napasigaw nalang ako sa taranta ko. Hindi ko alam bakit bigla syang hinimatay dahil mukha naman syang maayos pero namumutla sya.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon