Chapter 19

1 0 0
                                    


Five years later...

"Bilisan nyo na dyan dahil baka mahuli na tayo!" 

"Eto na magsusuklay nalang," sagot ni mama.

"Excited na po ako."

"Sigurado ka bang wala kang nakalimutan, Nahlia?" tanong naman ni papa.

"Wala na po," nakangiti kong sagot.

"Nahlia Levine, suma cum laude!" tawag nung emcee sa pangalan ko.

Tumutulo ang luha ko habang tinatanggap ang award na para sa akin. Hindi ko inaakala na lahat ng paghihirap ko ay magbubunga ng ganito. Hindi ko rin inaakala na kakayanin ko. 

Kasama kong umakyat ng stage ni mama dahil si papa ay naiwan sa aming upuan katabi ang kapatid kong si Jul. Kitang kita ko mula sa stage na kinatatayuan ko ang saya sa mukha ni papa maging ang kapatid ko ay pinapalakpakan ako. 

"Dear classmates.. Natutuwa ako dahil sa pagtatapos na nagaganap ngayon. Sulit yung puyat natin gabi gabi. Yung mga nagbebreakdown gabi gabi at kasama na ako don," nagtawanan naman ang lahat. "Hindi po talaga ko ready magspeech dahil unexpected itong award na ito. Akala ko nga after ng bigayan ng certificate tapos na. Kidding aside, congratulations sa ating lahat. Graduate na tayo!" 

Pagkatapos ng mahabang speech sabay sabay na inihagis ang mga graduation cap.

"Grabe anak, graduate ka na. Ano palang balak mo?" tanong ni mama habang nagliligpit kami ng hapagkainan. 

"Sa totoo lang po, naooverwhelm pa rin po ako. Parang ang bilis po kasi masyado ng panahon parang gusto ko pa po ulit mag aral. Parang nabitin ako sa pag aaral pero ma, naisip ko magtrabaho nalang din siguro agad para makabawi man lang ako sa inyo ni papa."

"Naku anak, kung di ka pa handa pwede ka naman magpahinga muna. Saka wag mo ng isipin yung pagbawi dahil magulang nyo kami. Dapat lang na suportahan namin kayo sa pag aaral ninyo. Ay teka, diba gusto mo na makapagtrabaho? Yung tito mo naghahanap ng magiging secretary ng amo niya."

"Pero ma sa manila pa po iyon, saka masaya ako dito sa probinsya."

"Alam ko anak, yung mga nangyari noon matagal naman na iyon. Lumilipas ang mga taon nagmamature na rin kayo. Siguro yung mga taong nanakit sayo noon sa school nyo baka nagsisi na rin yong mga yon. Patawarin mo na sila anak," pakiusap ni mama.

Patawarin? 

Bakit ko nga ba sila papatawarin? Ano bang kasalanan nila? Hindi ko na maalala ang mga nangyari pero naalala kong may naiwan ako sa school kung saan ako nag high school. Kamusta na kaya sila ngayon? Ano na kaya ang pinagkakaabalahan ng mga yon? Siguradong graduate na rin ang mga yon gaya ko. Kung makikita ko silang muli, matutuwa ko baka yakapin ko pa sila.

"Ma, ano bang sinasabi mo? Wala namang nanakit sakin. Saka kung meron man tapos na yon. Naisip ko lang kasi mas masaya mamuhay dito sa probinsya. Maliit lang ang kita pero masaya ako. At saka doon sa manila marumi ang hangin baka manibago ako," natatawa kong sabi.

"Naku anak, pag isipan mo. Sinabi ko na sayo ngayon kasi kilala mo naman ang papa mo pag nalaman nya yung tungkol sa trabaho, kukulitin ka non."

"Eh may business naman si lolo bakit pa doon sa kumpanyang pinagtatrabahuan ni tito?"

"Wag ka ng umangal. Sige na, magpahinga ka na. Ako na tatapos ng gawain dito."

Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi ni mama. Tama naman siya na kukulitin ako ni papa kapag nalaman nya yung tungkol sa trabaho. Hindi rin naman kami mahirap. Pero gusto kong makabawi. 

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon