Chapter 16

2 0 0
                                    


"Oh, hi Nahlia," nakangiting sambit nya. "Hindi nyo naman sinabi na may bisita pala tayo."

Tumayo ako dahil ayokong tumagal dito sa kwarto lalo na't nandito si Bracken,"a-ah.. ano.. maggagabi na pala. Uuwi na ko. Salamat sa pag imbita pero hindi pala ako pwedeng umuwi ng madilim."

"Cinderella, ikaw ba yan?" tapos tumawa pa sya.

"Ahm.. ihahatid ka nalang namin ni Rae pag uwi," sabi naman ni Sarvin.

"Hindi pwede."

"Baka may umiyak dito ah!" bigla namang sabi nung Amir sa pagkakakilala ko. Ngayon ko lang sya narinig magsalita.

"Ano ba yan, Nahlia. Kararating lang namin aalis ka na," sabi naman nung Ryden.

"A-ano kasi.. pagagalitan ako ng papa ko. Kaya pasensya na, next time nalang siguro. Pero ngayon mauuna na ko. Salamat sa pag imbita."

Wala na kong narinig na salita mula sa kanila. Alam ko nadisappoint sila sa ginawa ko pero hindi talaga ko pwedeng umuwi ng gabi. Baka hindi lang star makita ko pag nadatnan pa ko ni papa sa labas. Ayokong mapagalitan.

Panay tingin ako sa relos na nasa kaliwang kamay ko. Malapit na mag alas syete ng gabi kaya nagmadali na ko.

"Sarvin hindi mo ba hahabulin si Na-" hindi na natuloy ni Bracken yung sasabihin nya dahil bigla ko syang hinatak na sa tingin ko ikinagulat nya at hindi lang sya, kundi silang lahat.

"Diba sasamahan mo ko sa pag uwi, BRACKEN?!" madiin yon dahil naiinis ako sa kanya. "Sige mauuna na kami, babye!"

Matagumpay kaming nakalabas ni Bracken ng dorm. Hinihingal pa ko nito dahil binilisan ko talaga ang paglalakad na halos patakbo na dahil nagmamadali ako. Wala akong pakialam kung anong iisipin ni Bracken dahil naiinis ako sa kanya.

"Pwede bang bitawan mo na ko!" napahinto naman kami sa paglalakad.

Ginawa ko din yung sinabi nya tapos hinarap to,"hindi ko alam kung anong trip mo. Pwede ba tigilan mo na kakaasar samin ni Sarvin dahil unang una wala naman akong gusto don. Wala din namang gusto yung tao sakin. Baka ikaw, ikaw may gusto ka kay Sarvin. Wag mo ko isali sa third party nyo dahil hindi ako natutuwa. Last time hindi kita nasagot dahil naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo. Kaya pwede ba tigilan mo na ko!" galit kong sabi.

"Yan ang akala mo. Hindi mo lang nakikita dahil hindi naman kayo laging magkasama. Nung nawalan ka ng malay, imposible namang nagtulug tulugan ka lang. O baka naman, nagtulog tulugan ka lang talaga? Para mag alala sayo si Sarvin," sabi pa ni Bracken na tila nanunukso.

"First of all, bakit ba lagi mong sinasabing sinadya ni Sarvin? Baka naman nagseselos ka lang. Bakla ka siguro!" 

Napansin kong nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. Alam kong hindi nya inaasahan yung mga sasabihin ko. Akala nya rin siguro hindi ako lalaban sa kanya.

"Hindi ako bakla, no! Saka wala kong gusto kay Sarvin. Grabe ka pareho kaming lalaki non," depensa nito.

"Oh talaga hindi ka bakla? Eh bat ganyan ka magsalita? Ano ngayon kung magkagusto si Sarvin sakin? Ano ngayon sayo? May mapapala ka ba? Syempre wala, kasi magkaiba kayo ng katawan. Hindi ikaw si Sarvin kaya wala kang karapatang sabihin kung ano yung totoo sa kanya. Bat di mo nalang aminin na may gusto ka sa kanya tulungan pa kita!" sobrang inis na inis na talaga ako sa kanya dahil hindi naman talaga kasi sya nakakatuwa.

"Sabing hindi ako BAKLA!" naiinis na ring sabi nito.

Tapos humagalpak ako ng tawa dahil sa tingin ko asar na asar na rin sya sa mga sinasabi ko. Dapat lang naman sa kanya yon dahil deserve nya dahil sa sama ng ugali nya. Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Napahinto ako sa pagtawa dahil bigla nalang nya ko hinalikan na sobrang ikinagulat ko.

'bakit ikaw pa naging first kiss ko?'

Tumagal ng isang minuto yung halik na yon. Walang movement na nangyari, nakadikit lang ang mga labi namin. Nakasara din ang mga bibig namin kaya hindi ko rin malalasahan yung laway nya. Parang smock lang ampeg. Pero kahit na, sya pa rin ang first kiss ko.

Nang bitawan nya ko, hindi ako agad na nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil gulat ako sa mga nangyari.

"Sabi sayo hindi ako bakla," sabay talikod.

"B-bakit mo ginawa yon?"

"Yung halik? Para patunayan sayong hindi ako bakla. Siguro naman titigil ka na kaka assume na bakla ako?" 

Nasapo ko yung noo ko saka nagkaripas ng takbo palayo sa kanya.


Third Person Pov

Naisip ni Sarvin na sundan yung dalawa dahil nagulat sya ng hatakin ni Nahlia si Bracken. Saka sya nakarinig ng pagtatalo. Wala sa sariling narinig ang pinagtatalunan ng dalawa tungkol kay Sarvin. Nakita pa niyang humahagalpak ng tawa si Nahlia at ikinagulat din nya na bigla nalang itong halikan ni Bracken.

Hindi din nya alam kung ano irereact nya dahil totoo namang nagkakagusto na sya kay Nahlia mula pa noong unang beses nya itong makita. Hindi lamang noong naging magkagrupo sila sa isang project. Gustung gusto nya talagang nakakasama si Nahlia. Dahil kapag kasama nya ang dalaga doon nya nararamdaman na may rason para hindi sya tumigil sa pag aaral. 

Hindi alam ng mga kaibigan nito ang totoong nangyayari sa loob ng bahay nila dahil hindi naman ito palakwento. Pero aware silang lahat ng totoong estado ng bawat isa.

Naisip nalang nyang magtungo sa isang convenience store para bumili ng pwedeng maidagdag sa kakainin nila sa pagcecelebrate ng birthday ni Callen. Para may maipakitang pruweba na rin sya na hindi lang sya basta lumabas. 

Pagbalik nya ng dorm, nakita nya si Bracken. Tulad pa rin kanina kung ano yung itsura nito bago umalis si Nahlia. Nakikipagtawanan rin sa mga naroon. Pinakita nitong wala syang alam sa nangyari kaya naman masaya pa rin ang gabing pagcecelebrate ng birthday ni Callen. Ayaw naman nyang sirain ang gabi na yon dahil sa kanilang pito, kung pagod sya emotionally, kawawa naman si Callen physically. 

Hindi naman iba si Callen para sa kanya kahit nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kung minsan. 

Gaya nung nag inuman sila, umuwi lang rin silang may mga amats. Pero napansin nya si Bracken na hindi na ito ganong nag ingay. Tumatawa ito pero hindi na nito nabanggit pa ang tungkol sa betting na lagi nitong ipinapang asar sa kanya. Marahil siguro sa nangyari.


ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon